The Faded Memories 2

10 0 0
                                    

Chapter 2

Napatitig ako sa sariling repleksiyon nang sumunod na umaga. It's been a week since my suspension has been lifted. Parang kahapon lang pinapagalitan pa ako ni dad sa pagkakadawit ko sa gulo.

Saglit ko muling pinasadahan ang aking ayos. Maputlang labi, malinis na uniporme, makintab na sapatos, maayos na pagkakatali sa buhok at walang buhay na mukha.

I'm so lively before, nakakatawa pa ako ng malakas, nakikipagbargaduhan sa barkada, excited pumasok sa school at buo pa lagi ang araw na sumasalubong sa akin. Pero ngayon hindi ko na matandaan ang tunog nang halakhak ko. Hindi ko alam kung kelan ako huling naging masaya.

I feel like, I'm just there, living like an empty container. Living for the sake of existence. Huminga ako nang malalim bago naglakad papunta sa bukas na bintana. Marahang nililipad ito ng hangin at malayang pumapasok ang panibagong araw.

Bago ko maisarado ang bintana ay naagaw ang atensiyon ko sa mga batang galing sa apartment building na kinatatayuan ko.

Masaya silang naghahabulan habang hawak ang bag sa likuran upang maiwasan ang malaking paggalaw nito. If I were to make a wish, I just want to be a child again, parang walang problema, masaya lang, walang ideya sa mga bagay-bagay at inienjoy ang buhay.

"Kuya, hintayin mo kami!" sigaw ng batang babae. Tumatakbo sila papalapit sa lalaking nauuna maglakad.

"Ang bagal niyo kasi, maiiwan na kayo ng school bus," tawa ng lalaki na mukhang kaedad ko lang. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa suot niyang sombrero.

"Ito kasing si Manuel ambagal kumilos," buwelta ng batang babae sa batang lalaki na nahuhuli ng takbo.

"Luh! Ba't ako? Kaw nga itong matagal maligo."

"Tama na nga 'yan. Ang ingay niyo, umagang umaga."

Saglit akong napaigtad ng umangat ang tingin ng lalaking nakasombrero sa kinalalagyan ko. Mabilis ko namang sinarado ang bintana.

Nang tuluyan ko na itong masarado ay malaki ang aking buntong hininga. Kinuha ko ang bag sa upuan at muling pinasadahan ng tingin ang apartment saka marahang lumabas ang pinto. Naglakad ako papunta sa elevator habang bitbit ang bigat ng aking kalooban. Pagkababa ay sumakay ako ng trycicle papuntang campus.

Pagkarating ko sa school ay sinalubong ako ni kuyang guard nang nakangiti. Gusto kong suklian ang makintab niyang pagsalubong sakin pero baka magmukhang pilit lang ang mailabas ng aking labi.

Pagkatapos e-check ang ID ay pumasok na ako sa malaking oval. Dumaan ako sa pathway papuntang building. Hindi ko mapigilang pansinin ang mga matang nakatitig sakin sa bawat hakbang na aking ginagawa.

"Pumasok na siya."

"She's the cousin, right? Tapos boyfriend pa nung bumugbog?"

"I heard kasama daw siya sa may gawa."

"Grabe no? Nagawa niyang ipabugbog si Ravor kahit pinsan niya. Hindi manlang naawa."

I tried to keep my face straight as much as possible. Ayaw kong simulan ang araw na patulan ang sinumang nag-uusap ng patalikod sakin. But I can't hundred percent say it's backstabbing, kung halos iparinig nila sakin ang bulungan nila.

I can't blame them, Ravor is an eye-catcher when it comes to women, maraming nahuhumaling sa angking kagwapuhan nito na siyang ipinagmamalaki niya sa kahit sino. He can pick any girl he wants in this campus. Walang problema sa luho at nakukuha lahat nang magugustuhan niya, which is a different situation than me.

I can't have a thing if it doesn't have any approval from my father. Dadaan muna sa kanya ang mga gusto ko bago ko 'yon makuha, kaya madalas hindi na rin ako naghahangad ng kahit anong materyal dito sa mundo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Faded MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon