CHAPTER 1

70 1 1
                                    

Tin

"Baby bilisan mo diyan. Nandito na ang papa mo." malakas na sigaw ni mama sa baba.

"Opo ma. Andiyan na." Balik sigaw ko at nagmamadali.

Hi everyone I am Tin Lavera nag-iisang anak nina Wanco at Ester Lavera. I just wana tell kaya ako tinawag ni mama ay dahil pupunta kami ngayon sa mansyon ng amo ni papa. Isa kasing private driver si papa sa kanila at gusto daw ng amo niyang lalaki na imbitahan kami sa maliit na celebrasyon. Masaya kasi ito dahil isang buwan nalang at gagraduate na ang anak nitong panganay na diko alam kong sino.

Kahit isang beses hindi ako nakatapak sa lugar ng pinagtatrabahoan ni papa. Dahil lagi lang bahay at skwelahan ang inaatupag ko. Minsan narin akong gustong makita ng amo niya pero ako itong ayaw. Nahihiya kasi ako dahil libre ang allowance ko sa kanila. Kahit naman driver lang ang papa ay malaki naman ang sinuweldo nila dito. Diko lang lubos maisip bakit kailangan pang bigyan ako ng allowance.

Nang makababa ako ay sinalubong ako ni mama.
"Oh ayan sa wakas nakababa kana rin. Tignan mo nga ang sarili mo. Dahil sa kakamuk-muk mo dito ay para kanang patay sa sobrang puti. Nako naman Tin magpa-araw ka naman minsan anak."

Bunganga talaga ni mama ang ingay. Eh sa ayaw kong tinititigan eh. Isa din sa rason bakit ayaw kong lumabas ay dahil nahihiya ako kapag tinitigan. Sa isip ko kasi para akong hinuhusgahan kahit na sabihin lang ng iba na nacu-cute'an sila o nagagandahan.

"Papa si mama oh inaaway na naman ako."
nakangusong sumbong ko kay papa.

"Mahal naman. Tigilan mo na ang anak natin. Kagustohan niya naman 'yan wala tayong magagawa. Mas maganda nga ang di lumalabas kesa nag-gagala na di alam ng mga magulang." Napakurap ako sa sinabi ni papa at ngumiti.

Mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap. Naiiling naman itong hinawakan ang ulo ko saka hinalikan.

Simpleng buhay lang meron kami at sobrang pinagsasalamat ko iyon sa diyos. Hindi rin naman kasi kami mayaman pero kontentong-kontento na ako sa ganito. Kaya kahit anong bagay ay naappreciate ko.

"Ang daya talaga ng anak mo Wancho. Palagi nalang akong sinusumbong."

Nagtawanan kami sa sinabi ni mama. Sandali lang din ay lumabas na kami at umalis. Kotse ng pamilyang Alcedo ang ginagamit ni papa kada uwi at alis. Kaya palagi akong nasasave sa plete dahil nahahatid niya ako.

So back to present. Habang nasa byahe ay nakaidlip ako saglit. Medyo malayo nga yung mansyon kaya ako nakatulog. Ginising lang ako ni mama pagkarating namin. Napupungay ang nga mata kong lumabas ng sasakyan. Dahil sa antok ay diko nailibot ang paningin. Wala talaga ako sa mood kapag inaantok gusto ko nalang matulog o kumain.

"Baby? Inaantok ka?"
tumango ako kay mama at humawak sa braso niya.

Kahit inaantok ay nakikita at naririnig ko pa naman ang ingay na nagmula sa loob. Maraming nakaparadang mamahaling kotse sa labas kaya alam kong marami ding bisita.

Hinanap ni papa ang amo niya at ng makita ay pinuntahan na namin ito.
Nakayuko lang ako buong lakad alam ko alam ko namang di ako mawawala dahil hawak ko si mama.

Hawak? Hala gago!

Naitaas ko ang tingin ng maramdamang malaking braso ang hawak ko. Hindi ganito kalaki ang braso ng mama ko. Pusang gala!

Umatras ako ng kaunti pagkakita sa taong nahawakan ko. Sobrang laking tao na akala ko una higanti.

"Pasensya na. Akala ko" diko na natapos ang sasabihin ng magsalita ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon