TEN

17 2 0
                                    


Sapo- sapo ni Calixta ang ulo niya nang magising sya kinaumagahan. Parang mahahati ang ulo nya sakit dulot ng hangover, mukhang napaparami sya nang nainom kagabi kaya nalasing sya. Speaking of nalasing sya, ang huli lang nyang natandaan ay yung nakipag away sya sa bartender nung ayaw na syang bigyan nito ng tequila.

Hindi na nga nya maalala kung paano sya naka uwi baka hinatid sya ni Crystal o di kaya ni Rios.

Masakit ang ulong bumangon sya para makapagluto na  at kumain, kanina pa kasi kumakalam ang sikmura nya dahil sa gutom. At mukhang kailangan na nyang maligo dahil sobrang lagkit na rin ng pakiramdam nya.

"Ayan laklak pa ng alak Calixta," she murmured to herself.

Agad syang nagtungo sa kusina para makapagluto na, binuksan nya ang ref nila pero agad syang nanlumo dahil wala na itong laman.

"Great," she sarcastically said as she close the refrigerator door.Mukhang kailangan na nyang mag grocery ulit. Uminom nalang sya ng kape tsaka pumasok sa kwarto ulit para maligo. Aalis kasi sya para mag grocery.

Pagkatapos nyang naligo agad syang nagbihis at umalis na.

Hindi nya maiiwasang malungkot pagkapasok nya sa mall , ang huling punta nya kasi dito ay masama pa nya ang makulit nyang anak para mag shopping. Hindi nya akalain iyon na rin pala ang huli nilang pagkikita.

Three months had passed pero until now hindi parin nya nakikita ang anak nya .She remembered that time noong halos doon na sya tumira sa labas ng gate ng mansion nila Clive hoping naisang araw makita nya ang anak niya at mabawi.  Sa kagustuhang mabawi ang anak ay napapabayaan narin nya ang sarili nya.Wala syang tulog at pahinga , ang nasa isip lang nya ay ang mabawi ang anak niya mulansa walang hiyang Clive na iyon.

And until now ni kahit anino ng anak nya ay hindi nya makita . Mukhang sinigurado  ng lalaking iyon na hindi na magtagpo ang landas nilang mag-ina. Pati trabaho nya napabayaan na rin nya , mabuti nalang talaga at napakabait ng boss niya kaya binigyan sya ng four months leave. At mukhang isang buwan nalang ang natira ,alam nyang wala syang laban kay Clive sa ngayon dahil masyadong makapangyarihan at ma impluwensya ito ngunit hindi sya papapayag na habang buhay nyang hindi makakasama ang anak nya.Kailangan nya itong bawiin by hook or by crook.

Napatingin sya sa cellphone nya nang mag vibrate ito , senyales na may tumawag.
Agad nyang tiningnan kung sino ang caller at nang makita na si Crystal ito ay agad nyang sinagot.

"Crystal? May kailangan ka?" agarang tanong nya dito.

[" Saan ka ngayon?"]

" Ha? Eh nasa mall bakit?"

[" Nandito ako ngayon sa office ni Atty. Salazar, nagpapatulong ako sa kanya para mabawi ang anak mo .Alam kung wala tayong laban sa kanya pero may magagawa pa tayo. Ang sabi ng abogado kahit saang anggulo tingnan ,sayo parin ang custody ng bata dahil 5 years old pa lang ito."]

" Crystal alam mong maimpluwensyang tao ang tatay ng anak ko, kahit sabihin pa natin na sa akin ang custody ni Callie ,wala paring silbi yan . Eh baka nga hindi pa na process yung kaso eh mabasura na agad ng korte" she problematically said.

[Nah , wala namang mawawala kung susubukan natin, malay mo ito na pala ang paraan para makasama mo ulit si Callie."]

[Puntahan kita mamaya sa condo mo para mapag usapan natin to ng maayos. Ang hirap kasi kung dito sa phone lang hindi ako makapag explain ng maayos .]

"Sige hihintayin kita doon ,bye" she said . Pinatay na nya ang tawag tsaka pumasok sa may groceries , mga ready to eat foods lang ang kadalasang kinukuha nya .Bumibili run sya ng kunting karne at gulay .Pagkatapos noon agad shang nagtungo sa may counter para magbayad na.

"2,353.00 po lahat ma'am," magalang na sabi ng cashier pagkatapos nitong naipasok lahat ng mga binibili nya sa isang plastic bag.

"Paki deliver nalang, here's my address," she said habang binibigay na rin nya ang bayad. Nginitian  sya nang cashier bago ito tumango.

Mahaba pa ang oras kaya napagpasyahan niya na munang maglibot sa mall.

Napangiti sya nang makita nya ang isang batang naglalaro sa may arcade .Masayang- masaya ito ,may hawak pa itong teddy bear na mukhang galing  pa sa claw machine. Kung sana nga lang ay kaya nyang bumalik sa pagkabata ,yung tipong walang problema at malayang makakagawa ng mga gusto. Napangiti nalang sya ng mapait sa mga iniisip nya.

Napatawa sya ng mahina nang makitang sumimangot ang bata nang hindi nakuha nang kasama nito ang isa pang white rabbit stuff toy sa machine . Mukhang yaya nito ang kasama dahil na rin sa suot nito.

Iniwas nya ang tingin doon at nagpatuloy sa paglilibot . Pagkatapos ng ilang minutong paglilibot ay nakaramdam sya ng gutom kaya pumasok sya sa may JOLLIBEE.

Gustuhin man nyang sa MCDO kumain ngunit ayaw nya munang maka kita ng mga bagay na makapag palungkot sa kanya. Dahil alam nyang maalala lang nya ang anak kapag nasa MCDO sya.

Habang hinihintay ang order nya ay binuksan nya muna ang facebook nya . Chineck nya lang kung may mga messages ba doon, pero hindi  naman masyadong importante ang mga messages na naroroon kaya itinabi nya nalang ang phone nya. Sakto namang dumating na ang order nya kaya wala na syang inaksyang oras at kumain na , kanina pa kasi sya gutom. Pagkatapos nyang kumain ay agad na syang nagbayad at umalis na.

Habang naglalakad hindi nya sinadyang dumako ang tingin nya sa may GUCCI shop. Napangiti sya ng mapait dahil bumabalik na naman ang mga alaala nya sa loob ng shop na yan kung saan sobrang paboritong puntahan ng anak nya everytime pupunta sila ng mall. Kaya nga minsan ay hindi na nya ito isinasama dahil paniguradong hihilahin sya ng anak sa shop nato. Na alala  pa nya noong isang beses na hindi nya isinasama ang anak papuntang mall ay nagtampo ito, nahihirapan syang suyuin kaya ang ginawa nya ay dinala nya ito dito at at bubwit tuwang tuwa naman .

Napagpasyahan nyang pumasok muna at mag stroll for a meantime, gusto nya lang maglibot at tumingin tingin sa mga naka helirang tinda. Baka may makita syang matitipuhan nya at kung kaya ng bulsa bibilhin nya ito. Napadako ang tingin nya sa isang GUCCI bag ,maganda ang design nito at mukhang napaka comfy , akmang kukunin na nya ito pero agad  syang napatigil nang may nakita sya sa di kalayuan. Isang batang masayang namimili ng shades, nakangiti ito at may kasamang limang bodyguards sa likod.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib nya sa nakita . Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya , para syang masaya na malungkot at nangungulila . Hindi sya pweding magkamali dahil ang batang iyon ay walang iba kundi ang anak nya .

Hindi na nya tinuloy ang pagkuha ng bag dahil hindi na sya nag aksaya ng oras at agad nilapitan ang bata na kasalukuyang kausap ang isa kanyang mga bodyguards.

Dali dali syang nagtungo sa kinaroroonan nito nang biglang lumingon ang isa sa mga bodyguards sa kanya. Nanlalaking matang tumingin ito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla at pagkabahala . At bago pa man sya makalapit ay agad kumilos ang mga ito na para bang may tinatakasan  at kinarga ang anak nya.  Kumalabog muli nag ouso nya dahil alam na nya ang mga susunod na mga mangyayari , mauulit na naman ang dati, ilalayo na naman nito ang anak nya sa kanya at iyon ang hindi nya hahayaan ngayon .Magkakamatayan man , she swear  she will get her daughter no matter what happen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DARK LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon