KABANATA 2

230 14 0
                                    

Lucca's POV

"Saan ang punta mo Lucca?" tanong ni Dad habang may hawak na makapal na files.

"Sa Demons Club po Dad."

Tumingin siya sa akin saka ngumisi. "Aba! Mommy! Binata na ang Anak natin!"

Napangiti na lang ako kahit kailan hindi ako tinuring na iba ni Daddy alam kong hindi siya ang tunay kong Ama at hindi naman nila tinago sa akin ang bagay na yon sabi ni Mommy nasa tiyan pa lang niya ako ng mamatay ang tunay kong Ama si Lucho Salvatore medyo masalimuot ang kwento ng love story ng mga magulang ko kaya hindi ko na lamang gaanong iniintindi baka mamuti pa ang mga buhok ko basta alam ko na kung sakaling buhay si Papa sigurado akong gaya ni Daddy aalagaan niya kaming mabuti ni Mommy.

Mula sa kusina ay sumilip si Mommy. "Talaga ba? May Girlfriend ka na ba Lucca?"

"Mommy naman. Naimbitahan lang ako ng isa sa mga kaibigan ko-."

"Lucca. Pinapayagan kitang sumali sa fraternity na yan ha pero ayokong susubok ka ng labag sa Batas ha." babala sa akin ni Dad.

Natawa ako. "Naku hindi po ako ganon isa pa wala naman po akong mapapala sa mga ganon e." katwiran ko.

Tumango si Dad. "Mabuti na ang malinaw Anak. Ayokong mainvolve ka sa mga ganong bagay. Maliwanag ba?"

"Opo. Dad." lumapit ako sa kanya saka ako humalik sa pisngi nito ganon din kay Mommy.

"Alis na po ako.". paalam ko sa kanila.

"Sige Anak. Ingat sa pagmamaneho ha. Love you."

Natigilan ako sa paghakbang. Kahit kailan talaga ang lambing ng Mommy ko.

"I love you din po Mommy."

***

"LUCCA PARE! DITO!" sigaw ni Cali kahit malakas ang tugtog sa loob ng Club e wala nang maslalakas pa sa bunganga nitong si Cali.

Kumaway ako nasa bandang gitna ang table nila at marami ng tao kaya siksikan na. Bitbit ko ang helmet ko saka ako dahan-dahang naglakad palapit sa kanila.

"Kanina pa kayo?". tanong ko ng makalapit na ako sa table namin.

"Hindi naman sadyang inagahan lang namin." sagot ni Greg na may hawak na isang bote ng Beer.

Tinapik ni Milo ang bakanteng upuan sa tabi nito para doon ako umupo. Sumunod naman ako sa gusto nitong iparating, umupo ako at ipinatong sa ibabaw ng mesa ang helmet ko.

"Beer?" Alok sa akin ni Jhonie.

"Salamat pero hindi ako nainom alam nyo yan diba." tangi ko nagtawanan naman sila sa sagot ko.

"Sabagay hindi mo na kailangan ng pampalakas ng loob kasi marami ka na non Pare!" sabay tawa ni Milo.

Ngumisi lang ako. "Bakit para saan ba yang pampalakas ng loob nyo ha?"

Nagkatinginan ang apat.

Nagkibit-balikat ako. "Ano na?"

Tumikhim si Cali. "Kasi Pare plano naming magpakalalaki ngayong gabi alam mo na para maiba naman ng trip.

Natawa ako. "Ano? Magpakalalaki? Bakit mga bakla ba kayo?"

"Hindi ha! Ang ibig sabihin ni Cali ay One night st*nd. Ikaw ayaw mo pa bang subukan?"

Umiling ako. "Naku Greg wala pa sa isip ko yan kayo na lang kung gusto niyo. Ingat lang baka maka buntis kayo mawawala ng pagiging binata nyo."

"Naku. Ready na kami sa ganyan. Ito o may baon ako tatlo!" pagyayabang ni Jhonie habang hawak ang tatlong pakete ng c*ndom.

"Bahala na nga kayo sa gusto niyong gawin sa mga alaga nyo basta ako labas ako diyan."

"Bakit Lucca? Wag mong sabihing lalaki ang gusto mo sa gwapo mong yan!" sabay tawa ni Milo.

"Baliw! Wala lang akong hilig na makipag-s3x sa mga Babaeng hindi ko kilala isa pa baka makakuha pa ako ng sakit saka makakapag-antay pa naman ako sa tamang babae. Hindi ako nagmamadali pagdating sa mga ganyang bagay." paliwanag ko.

"Wow naman Lucca! Masyado kang old fashioned ha di ko akalain na yung astig na image mo e may ganyang side ka pala. Naku baka tumandang Binata ka niyan kakaantay kay Miss Right." kantyaw ni Greg.

Nagtawanan silang lahat.

Nakitawa din ako. "Bahala kayo sabihin niyo na kung anong gusto niyong sabihin basta ayaw ko ng mga ganyang bagay. Kung makikipag-s3x ako e sisiguraduhin kong sa iisang Babae lang."

"Pano ka nga makakaranas ng s3x thing na yan e ni Girlfriend nga wala ka. Teka may nililigawan ka ba?" bara sa akin ni Milo.

Ngumisi lang ako.

"O wala ka namang commitment eh Tara join ka na!" aya ni Jhonie sabay tayo saka kumaway sa grupo ng mga Babae.

"Oi! Excited na ako!" nanginginig pang bulong ni Greg. Natawa na lamang ako. Talagang gustong-gusto na nilang maranasan yung climax ha.

"Hi! Kanina pa kayo?" tanong nang Babae medyo makapal ang make-up halos lahat sila pare-pareho ng suot talagang luluwa ang mata mo.

"Sakto lang naman. Ang gaganda nyo naman. Upo muna kayo." aligagang sagot ni Jhonie.

Nagsipag upo sa kani-kaniyang pwesto ang mga Babae. Pati ako Meron?

Napatingin ako bigla Kay Jhonie. Tumawa lang sita. "Counted ka kahit ayaw mong sumali sa gagawin namin after the party."

"What hindi ka sasama sa amin Pogi?" naglalambing na komento ng Babaeng tumabi sa akin. Maganda siya medyo curly ang buhok nito na halatang pina-parlor pa ata. Magkano naman kaya ang ibinayad ng mga loko na to sa mga ka-date nila ngayon.

Umiling ako. "Yup! Wala akong hilig sa mga ganyang bagay."

Lumingkis ang mga braso nito sa bewang ko saka komportableng isinandal ang ulo sa dibdib ko. "Don't worry akong bahala sayo, sayang naman ang gabi kung hindi mo susubukan."

"Oo nga Pare! Tama siya walang mawawala Virginity mo lang!" dagdag pa ni Calix.

I rolled my eyes on him saka ako kumuha ng kapisarong Nachos at ibinato sa kanya. Nagtawanan silang lahat pati ang mga Babaeng ka-table nila nakitawa na din.

"Oh my god! Sa gwapo mong yan wala ka pang nai-kama? Alam mo bang gusto nang mga Babae ang mga lalaking magaling sa Kama." sambit ng ka-table ni Milo sabay hagikhik nito.

"Hindi kabawasan sa pagkalalaki ko kung wala pa akong naikamang Babae. Isa pa ayokong tumulad dyan sa mga ka-table nyo." bumaling ako sa Babaeng nakapulupot sa bewang ko. "Miss, makisiksik ka na lang sa kanila. Uuwi na ako. Mukhang out of place kasi ako."

Tumayo na ako para umalis ng magsalita ang Babaeng katabi ko. "Bakla ka ba?"

Umingay ang mga kasama namin. Humarap ako sa Babaeng nagsalita. "Isipin mo na kung anong gusto mong isipin Miss pero hindi ko ipapakita ang katawan ko kung kani-kanino lang lalo na't hindi ako many*kis para maglaway sa mga Babaeng gaya mo manamit at magsalita, kung tingin mo e bakla ako then be it. I don't care. Bye."

Kinuha ko ang helmet ko saka ako naglakad palabas ng Demons Club.

Nasa parking lot na ako nang may mahagip ako ng tingin si Lexx at may kasama itong babae. Napangisi ako, alam kaya ni Miss Sungit na may Babae ang Boyfriend niya.

Maganda ang kasama ni Lexx ah, matangkad at balingkinitan ang katawan malayo sa Girlfriend niya na medyo chubby pero cute naman siya. Hmp! Cute? Wow pinuri ko pa kahit sinampal ako ng walang dahilan. Loka-loka ata ang isang yon e.

Medyo intense na ata ang nangyayari sa loob ng Kotse ni Lexx kaya pinaandar ko ang Motor ko palapit sa sasakyan nito.

Sinilip ko muna sila, masyado silang busy sa ginagawa nila kaya gulat na gulat sila pareho ng katukin ko ang bintana ng Kotse.

Kumaway ako sa kanila. Ganun na lamang ang pagkabigla ni Lexx na ang Image sa School ay kabaliktaran ko dahil Bad influence daw ako sa mga kaedaran ko. Agad naman nagtakip ng dibdib ang Babaeng kas*ping nito. Tumawa lang ako saka ako umalis. Pinaharurot ko palayo ang Motor ko.









ako si... LuccaWhere stories live. Discover now