Chapter 7

1.7K 23 4
                                    

I sat on the sofa near the window and watched the people passing by. When suddenly what Heinz and I talked about last week came back into my mind.

It's like something stabs my heart every time I think back to what we talked about last week, and how he reacted to what I said. How the tears fell from his eyes. How he felt sad all of a sudden.

Ilang linggo na din simula noong muli kaming mag kita, at sa araw din na iyon ay nalaman niyang may anak kami.

Mag mula noong araw na iyon araw araw siyang nag pupunta na sa bahay para dalawin si Tristan. Naging maayos din ang lahat sa pagitan nila (nila) papa at kuya.

At sa araw araw na nandito siya sa bahay namin nakita ko kung gaano siya ka responsableng ama kay Tristan. At kung gaano niya kamahal si Tristan.

At sa loob ng isang linggo na nandito siya sa bahay ramdam kong naging mailap siya sa akin. Hindi niya ako kinakausap at iniiwasan niya din ako, nag uusap nga lang yata kami kapag ipapaalam niya si Tristan o basta tungkol kay Tristan. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ako iniiwasan ehh.

"Momma!!" naputol ang iniisip ko ng tawagin ako ng anak ko

"Yes baby?" mahina akong natawa ng ngumuso siya sa akin

"Momma!"

"Yes baby? Why?"

"Nag away po ba kayo ni daddy?" natigilan ako sa itinanong niya sa akin

Gulat akong nakatingin sa aking tatlong gulang na anak.

"H-huh baby hindi naman kami nag fight ni daddy mo ehh." wika ko at ngumiti sa kaniya atsaka ko kinurot ang ilong niya

"Ehh why po kayo hindi nag uusap ni daddy? Tapos po napapansin ko kapag tumitingin siya sayo may lungkot sa mata niya. Momma minsan po kapag kay daddy ako natutulog nagigising po ako umiiyak siya." wika niya dahilan para mapasinghap ako

Seryoso 3 years old pa lang ba talaga itong anak kong ito. May parte sa akin na ayaw maniwala sa sinabi ng anak ko, pero may parte din na nalungkot dahil sa sinabi niya.

O baka nalulungkot siya lang siya dahil may iba ng mahal si Macey.

"Momma, i miss daddy already. Hindi pa din siya dumadalaw hanggang ngayon, it's been 3 days momma." wika niya at bahagya pang ngumuso

"Okay, pupuntahan natin si daddy mo sa bahay niya hmm." wika ko at hinalikan siya sa pisngi niya

Napangiti ako ng lumayo siya sa akin ng kaunti at nag tatatalon dahil sa saya. Bigla ulit itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay

"Momma tara na po bihisan mo na ako sa kwarto." naiiling akong tumayo at binuhat siya paakyat sa kwarto namin.

Binihisan ko siya ng damit at pinag baon ko na din siya ng dede at gatas dahil alam kong gusto niyang makatabing matulog ang daddy niya.

Ilang minuto lng ang binyahe namin papunta sa dati naming bahay ni Heinz. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na kami sa loob ng kabahayan, nag papasalamat ako at kilala ko ng mga katulong.

Wala si Heinz sa bahay pag dating namin doon, baka nasa kompanya pa at hindi pa naiisipang umuwi. Mag aalas- singko na ng hapon pero wala pa siya, baka overtime.

Pinapanik ko muna si Tristan sa kwarto ng daddy niya habang nag luluto ako ng makakain. Narinig kong parang may nag doorbell sa pinto kaya iniwan ko na lang muna kay manang ang niluluto ko.

"Macey a-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko ng siya ang mapag buksan ko ng pinto.

"Ahh w-wala dito si Heinz." wika ko

Siya si Macey ang kasintahan ni Heinz bago kami ikasal. Ang babaeng mahal niya, ang babaeng pangarap niyang pakasalan. At ang babaeng gusto niyang maging ina ng mga anak niya at gustong makasama sa habambuhay.

Pero yun nga lang ng dahil sa kagustuhan ng magulang namin na ikasal kami muntik na sila mag hiwalay. Ng dahil sa akin muntik ng mag hiwalay si Heinz at si Macey.

"Alam ko. Actually hindi naman talaga siya ang sadya ko dito kundi ikaw."

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa atsaka bumalik ang tingin niya sa aking mukha.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" nakataas ang kilay ng tanong niya sa akin

Napatikhim ako at nilakihan ang bukas ng pinto. "P-pasok ka."

Isinarado ko ang pinto ng makapasok na siya. "M-maupo ka muna. A-anong gusto mo juice, tubig, softdrinks?" tanong ko

Nilibot niya ang tingin sa buong bahay namin. "Your house is beautiful huh."

"Ahh anong kailangan mo pala?" takang tanong ko

Tumingin siya sa akin. "Kailangan ko? Tinatanong mo kung anong kailangan ko?" tanong niya sa akin

Bahagya akong tumango sa kaniya bilang tugon.

"Kailangan ko ang boyfriend ko. Si Heinz ang kailangan ko maibibigay mo ba siya sa akin?" nakataas ang kilay na tanong niya

Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Hindi. Hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang gusto niya, gusto kong maging masaya si Heinz pero paano ako. Mahal ko din siya.

"Hindi ka makapag salita. Cat got your tongue."

Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at nag lakad palapit sa akin.

"Remember this. Heinz is mine. Sa akin lang siya, ako ang nauna sa kaniya kaya akin lang siya. Aagawin ko siya sayo. Mark my words."

"Wala akong pakielam kahit na asawa ka pa niya."

Lumapit siya sa akin at binulungan ako. "Asawa ka lang niya sa papel Khalisha."

"Papel na madaling basain, papel na madaling punitin, papel na madaling itapon sa basurahan kasama mo." wika niya at lumayo sa akin

"At kahit anong gawin mo ako lang ang mahal niya at hindi ikaw na asawa niya." nakangising sabi niya

Kinuha niya ang sling bag niya at tumalikod na sa akin. Akmang mag lalakad na siya palabas ng bahay ng mag salita ako.

"Hindi na ikaw ang mahal niya, ako ng mahal niya. At kahit na anong gawin mo ako pa din ang legal na asawa niya, at sa mata ng batas at ng maraming tao kabet ka lang."

Humarap siya sa akin at ngumise. "Don't worry hindi din naman mag tatagal ang pagiging kabet ko. Dahil sooner or later mag hihiwalay na kayo. Hihiwalayan ka na niya para sa akin na mahal niya." nakangising wika niya at tuluyang lumabas ng bahay

Nanghihina akong napaupo sa sofa. Para kong nanlambot sa sinabi niya, alam kong isang araw mangyayari ang sinabi niya. Ahh mali matagal na nga palang nangyari ang sinabi niyang yun.

Baka tama lang ang naging desisyon kong wag paniwalaan ang sinabi niyang mahal niya ako. Baka tama lang ang desisyon kong hindi na siya bigyan ng ikalawang pag kakataon, baka tama lang na mag paka magulang na lang kaming dalawa kay Tristan.

Pero what did she mean na hihiwalayan? Matagal na kaming hiwalay ni Heinz, 3 years na nga ehh.

The Ceo Secret wife ( CEO SERIE 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon