PINAPAUBAYA KO NA SA KANYA

4 1 0
                                    

*"*

"Clarisse, hindi kaba sasama?" Tanong ni Nika sa akin at umikot pa sa harapan ko.

Natahimik ang lahat dahil sa tanong na iyon ni Nika. Bumuntong hininga naman ako.

"Nika..." saway ni Tita sa kanya ngunit 'di niya ito pinansin at kinilatis lang ang suot niya. Tumingin si Tita sa akin kaya nginitian ko siya. I even mouthed the word "okay lang po" to her. Hindi lingid sa kaalaman nila ang nangyari sa akin kaya sa tuwing may mga bagay na nagpapaalala sa nakaraan ko ay palagi silang nag-aalala sa magiging reaksyon ko.

"Ateeee! I really love this dress!" Tumili pa ang pinsan ko.

Umismid ako. Alam kong sasama lang siya kila Tita na magsimba para ipangalandakan ang bagong dress niya. Hindi parin talaga siya nagbago.

Napansin ko ang paglapit ni Ate Grace sa akin. Nakatatandang kapatid ni Nika.

"Clarisse, pasensya kana kay Nika ha? Alam mo naman 'yon..." nahihiyang paumanhin ni Ate sa akin. Nginitian ko lang siya. "A-ayaw mo ba talagang sumama?" Naiilang na tanong pa niya. "Okay lang kung hindi. P-pasensya kana. S-sige mauna na muna kami." Akmang aalis siya nung biglang hinawakan ko ang kamay niya.

"Sasama ako." Nagpilit ako ng ngiti sa kanya. Nagliwanag ang kanyang mukha at napatakip pa siya sa kanyang bibig. Inirapan ko lang siya bago ako tumayo sa pagkakaupo at nagtungo sa aking kwarto sa itaas.

"Finally Clarisse! After how many years!" Dinig kong sigaw niya mula sa baba. Ngumiti ako at umiling bago namili ng susuotin. Kinuha ko ang isang puting dress na isang beses ko lang na nasuot. Mapait akong ngumiti at niyakap ito ng mahigpit.  

Hindi nila ako niyayaya kapag pagsisimba na ang pag-uusapan. Hindi rin naman ako sumasama, hindi sa ayaw ko kundi ayaw ko lang talagang maalala....siya.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas.

"Yan ang susuotin mo!?" hindi makapaniwalang sigaw ni Ate Grace habang pinapasadahan ako ng tingin. Gulat na gulat talaga siya. Mahina akong tumawa bago nakangiting tumango at tumabi sa kanya sa tricycle.

"I'm happy for you, Clarisse." Naiiyak na wika niya. Ngumiti ako at niyakap siya.

"Ako rin Ate. Finally..." bulong ko.

Humiwalay siya sa yakapan namin at hinaplos ang pisngi ko kaya napapikit ako sa lambot ng palad niya.

Siguro...panahon na para tanggapin ko na ito na talaga ang nangyari at hindi ko na ito mababago kahit gaano ko man kagustong pabalikin ang oras.

Pagtapak ko sa labas ng simbahan ay umihip agad ang malamig na hangin. Napapikit ako at  kasabay no'n ay ang pagbalik ng mga alaala na hindi ko kayang kalimutan kahit nilumaan na ng panahon.

"CLARISSE!"

Gulat akong napatingin kay Rez dahil sa sigaw niyang 'yun. Lumapit siya sa akin at niyugyog ang aking balikat.

"May pagpupulong na gaganapin ngayon sa simbahan para daw sa nalalapit na fiesta. Sama ka!"  Nagpuppy eyes pa siya kaya wala akong nagawa kundi isarado ang librong binabasa at paunlakan ang imbetasyon niya. Kasali kasi ako sa youth ministry kaya kailangan ko talagang pumunta.

Pagkarating namin sa simbahan ay nandoon na ang lahat ng mga kabataan na kasali sa pagpupulong. Maingay sila habang nakatingin sa altar. Tumitili pa 'yong iba.

"Owemjie! Nandito siya! Halika Clarisse! Do'n tayo!" Hinila ako ni Rez patungo sa harap. Sumingit kami sa mga babaeng naghagikhikan.

"Anong meron?" Naguguluhang tanong ko at bumaling kay Rez pero busy siya sa pagsingit sa mga babaeng parang mga uod na binudburan ng sabon. Kumunot ang noo ko at napatingin sa may altar kung saan nakatuon ang kanilang atensyon.

Pinapaubaya ko na sa Kanya (One-shot story)Where stories live. Discover now