MARIELLE'S POV
"Wag sanang umulan. Please lord. Kahit mamaya nyo na po paulanin. Basta wag muna ngayon lord. Please" siguro mukha akong tanga habang naglalakad sa kahabaan ng kalye. kulang nalang eh mag sundance ako para lang wag umulan. Bakit naman kase kung kailan nagmamadali ako eh walang mga jeep na dumadaan? Ang hirap pa namang sumakay kapag ganitong kaaga.*bagaaaaam! boooogsh!* (tunog ng kulog at kidlat yan -__-)
"Ayy juicecolored patatawarin! ayy ano ba yan." pesteng kulog at kidlat. kamuntik muntikan nakong matapilok. Maya maya pa eh bumagsak na ang mga traydor na patak ng ulan. Mukang galit na galit ang langit. Sobrang lalaki ng patak eh at parang walang balak tumila. :3 Wala na kong nagawa kundi tumigil sa tapat ng isang waiting shed habang isinusumpa ang lahat ng pwedeng isumpa sa paligid ko.
"Hala 10 minutes nalang at late nako sa interview." Pano na ang Senior High? Pano nako makakahanap ng trabaho, waaaah pano na ang future ko kapag hindi ako nakapuntang interview. Nag apply kase ako as a scholar sa isang sikat na University dito. At himalang nakapasa ako sa mga exams kaya naman kailangan kong makapunta ngayon sa interview. Maganda naman dun sa school ko dati. Kaso badtrip mga tao dun -,- kaya sinabi ko kela Auntie na magtransfer nalang ako sa CU since dun nag aaral si Airah, childhood buddy ko. Atsaka kaya naman akong pag- aralin nila Auntie pero mas pinili kong mag take ng scholarship para naman hindi masyadong mabigat sa bulsa. Atleast makabawas manlang sa mga gastusin.
No choice ang kagandahan ko. Tinakbo ko nalang ang distance papuntang sakayan ng tricycle. Worst eh sa kabilang kanto pa yun. Jusmiyo marimar mukha na kong basang sisiw sa itsura ko ngayon. Bahala na justice league.
*CALDERWOOD UNIVERSITY*
Pagdating ko sa tapat ng school, hindi ko alam kung university ba talaga to o Malacañang. Dinaig pa kase yung gate ng bahay ng Mayor namin sa probinsya. Tiba tiba ang mga magbobote kapag binenta nila to mwehehe.
"Uhmm miss, may kailangan po ba kayo?" Tanong nung SG saken. Mukhang nagtataka pa nga yata sya kasi basang basa ang kagandahan ko. Huhuhu kasalan to ng ulan na yun eh T^T
"Ayy anakngtinapaynamayamag! kuya naman eh. Masyadong nanggugulat." bigla ba namang sumingit sa eksena yung SG na kahawig ni Fafa Richard G. Putekk SG ba to o model?
"Ahh---- naka schedule po kase ako for interview ngayon. Para po sa scholarship kuya ^_____^" nagpapacute pa ko habang sinasabi ko yan. *landi alert***
"Ahh ganun ba miss, diretso nalang po kayo sa may Admin Office. Diretsuhin nyo lang po yung pathway then unang pinto sa kaliwa." Emeghed ang pogi talaga ni koyang SG.
"Sge po! thanks Kuya :D"
Habang naglalakad ako papuntang Admin Office, kulang nalang eh tumulo laway ko sa sobrang mangha. Sobrang lawak ng university na to. Yung mga damuhan puro bermuda grass. Mahihiya ang tig 100 pesos na sandals ko na tumapak :3 Pati yung covered walk nila eh di tiles at aircon pa! Hindi talaga mangingitim mga stupidyante dito eh mwehehe. Hindi ko alam na ganito pala kalaki yung school na to. Sa picture kase eh hindi naman dinetalyado yung mga ammenities ng school. Mapupudpod yata sapatos ko kapag nilibot ko to -____-
Sa sobrang mangha ko, nakalagpas na pala ako sa Admin Office. Amfufu. Balik. Balik. Balik. Pahiya ang kagandahan ko.
Pagpunta ko sa Admin Office, iilan ilan lang ang mga tao. Bakasyon pa kasi eh. Umupo nalang ako sa isang steel chair yung parang sa mga ospital, yung dikit dikit katabi nung mga ilang estudyante na nag apply din yata ng scholarship. Pucha nilalamig nako. Anlakas pa ng aircon dito. Konting consideration puhlease. Wa epek.