Taong 1946.
Sa isang gabi kung kailan kabilugan ng buwan, dalawang lasing na lalaki ang makikitang naglalakad sa gitna ng kalsada sa gilid ng bundok. Alas-dose na ng gabi nang mga oras na iyon.
Pasuray-suray na naglalakad ang mga ito habang sumisigaw.
"Ako ang Diyos!" Sigaw ng isang lalaking nasa edad trenta na. Kalbo ito, malaki ang katawan at hugis-lobo ang tiyan.
"Mali ka pare! Hindi kalbo ang Diyos, ikaw si Hudas pare!" Sabat naman ng kasama nito na may hawak na bote ng alak.
Napatigil sila sa paglalakad nang may nakita silang babaeng nakaputi na naka-upo sa isang bato hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan.
"Pare, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Tanong ng lalaking may hawak-hawak na bote.
"Babae pare, babae!!" sambit ng kasama niya. "Naiisip mo ba ang naiisip ko"
Nagkatinginan ang dalawa at tila iisa ang iniisip na nilapitan nila ang babae.
"Halika, puntahan natin"
"ahuhuhuhu huhuhuhuhu"
Umihip nang malakas ang hanging malamig na nanuuot sa kanilang damit.
"Brrr"
"ahuhuhuhu" hagulgol ng babaeng nakaputi.
"Pare, ayokong nang tumuloy"
Sabi ng isang lasenggo sa kadahilanang tuwing lalapit sila sa babae, mas lumalakas ang ihip ng hangin kasabay ng panaghoy nito na parang nanggagaling sa kailaliman ng balon.
"pare relax...Miss, okay ka lang" hinawakan nito ang balikat ng babae
Lumingon sa kanila ang babaeng ....
dukot ang dalawang mata
kasabay ng isang matinis, nakakatakot at nakakapanindig balahibong
sigaw!
"Aaahhhhhhhh"
————-
Mas magandang basahin to pag gabi niyayayahahaha...
BINABASA MO ANG
SIGAW!!(Short Horror Story)
Horror"Totoo po ito! Walang halo, walang biro! Nasaksihan ko mismo! Kung wala kang iniindang sakit sa puso, basahin mo!"-Tiff