"Alam kong biktima kayo ng aking anak.." natakot si Tiff sa isinaad nito.
"Halika rito, upo ka" walang imik niyang sinunod ang sinabi ng matanda. Tumingin siya sa larawan. Nagulat siya at nangilabot nang kamukha ng babaeng nasa larawan na iyon ang babaeng pumara kagabi.
"Anak ko siya. Labin walong taon na siya noon nang siya'y mamatay."
Nakinig lamang si Tiff at hindi nagsasalita, dala ng kaba at takot na nararamdaman.
"siya si Ana. Galing siyang palengke noon nang isakay ng isang hapon. At matapos gahasain ay pinatay at walang awang dinukot ang mga mata" walang kaemo-emosyong saad ng matanda.
Halos hindi na humihinga ang nakikinig na si Tiff.
"may nakakita raw sa kanya. Dalawang lalaki, ngunit hindi siya tinulungan. Bagkus, tinawanan pa siya" pagpapatuloy ng matanda.
Hindi na nagtanong si Tiff sapagkat sinabi na ng matanda na kumakausap ito ng mga patay.
"May nabiktima na ang anak ko. Ang dalawang lalaking iyon. Ngunit kahit ilang ulit ko siyang pinatahimik, bumabalik pa rin siya. Hindi raw siya matatahimik kapag hindi siya lubusang nakahiganti sa taong pumatay sa kanya!" hindi parin nagbabago ang boses ng matanda. Nanatili iyong walang emosyon.
Kahit natatakot si Tiff ay nagpatulong siya sa matanda na bigyan ng marangyang libing ang dalawa niyang kaibigan.
Kinuha nila ang dalawang bangkay at inilagay sa hukay sa itaas ng bangin kung saan namatay si Jane. Binigyan nila ang mga ito ng maayos na libing.
Mag-gagabi na nang matapos nila iyon.
"Lola Meng, may hihilingin ho sana ako sa inyo" sabi ni Tiff.
"ano yun?"
Kasunod ng tanong ng matanda ang isang pagsigaw.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH"
Hindi na napigilan ni Tiff ang pag-ihi sa kanyang pantalon.
"Lola Meng, ipagdasal po natin ang anak niyo, na sana matahimik na siya" kahit natatakot ay pilit paring binubuo ni Tiff ang kanyang boses.
Nagsimula na silang magdasal. At sa bawat salitang binibigkas nila ay kasabay ng sigaw ng parang nghihingalo.
"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"
Humangin ng malakas na nagdulot ng isa nanamang kilabot kay Tiff. Nakapikit lang ang dalaga habang taimtim na nagdarasal.
Maya-maya, kumalma ang hangin. Kasabay nun ang pagmulat ni Tiff sa kanyang mga mata. Ngunit laking gulat niya nang nasa harapan niya ang matanda. Nakangisi. Palapit nang palapit sa kanya. Napaatras siya. Mabuti nalang, malayo siya sa bangin.
"Lola Meng..." nanginginig sa sabi niya.
Hindi naalis ang pagkakangisi ng matanda at unti-unti'y nagbago ang anyo nito. Napalitan ang mukha nito. Naging isang dalagang maputlang maputla, sabog ang mahabang buhok, nagdurugo ang bibig at WALANG MATA!
"Ana.." natatakot na sambit ni Tiff.
"Ako nga Tiff" Humangin ng malakas na malakas.
"Matahimik ka na!!!!" kinuha niya ang lalagyan ng holy water sa kanyang bulsa at iwinaksi sa kaharap na espirito.
"Hahahaha" Napahalakhak at babae. Nakakapangilabot na halakhak. "hindi ako matatahimik ng agua bendita mo!" Nakakakilabot ang boses nitong parang nanggaling sa ilalaim ng balon.
"Matahimik ka na Ana!" iwinawaksi niya parin ang agua bendita.
"BUWAHAHAHAHA"
Natapilok si Tiff at napaupo sa lupa. Ginamit niya ang mga kamay para makalayo dito. Ngunit, napahinto siya ng mahuhulog na siya!
"Ana, bakit mo ginagawa sa akin to! Wala akong kasalanan sayo! Anong kasalanan namin ng mga kaibigan ko!" pilit niyang pinapatatag ang boses sa kaharap na multo.
"Malaki ang kasalanan ninyo ng kaibigan mo! Magbabayad kayo!"
Humangin ng malakas kasabay ng pagsigaw ng babae. Nadulas si Tiff at nahulog sa bangin.
Habang nahuhulog ay nagsisigaw pa ito. "Ano bang kasalanan ko sa iyo!!! Matahimik ka na!!!!!!!!"
*TOGGSSHH
Tumama ang likod niya sa bato. Nahihilo siya dulot ng maraming dugong nawawala sa katawan niya.
"maawa ka..." sambit niya.
"AWA!" sigaw ng babaeng nakaputi. "naawa ba sila sa akin ng akoy kanilang patayin!"
Naramdaman ni Tiff ang pagbaon ng mga matutulis na kuko sa kanyang mga mata. At sa huling sandali ng pagkabuhay ay humingi siya ng tawad sa Panginoon at hiniling na matahimik na,
ang babaeng walang mata.
Matapos pakawalan ni Tiff ang pinakahuli niyang hininga, lumiwanag ang kaluluwa ng babaeng walang mata. Sa wakas! Matatahimik na siya. Natupad ang kahilingan ni Tiff.
Nakamit ng babaeng walang mata ang katahimikan, sapagkat hindi man ito nakapaghiganti sa pumatay sa kanya, nakahiganti naman siya, sa mga anak ng lalaking gumahasa sa kanya.
El Fin
---------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/38771736-288-k617594.jpg)
BINABASA MO ANG
SIGAW!!(Short Horror Story)
Horror"Totoo po ito! Walang halo, walang biro! Nasaksihan ko mismo! Kung wala kang iniindang sakit sa puso, basahin mo!"-Tiff