0926*******I leaned my back on my swivel chair while looking at the number.
If the phone is on the culprit's possession, pwede ko siyang I-message at makipagkita.
But who I am kidding? I'm sure he won't show up. Sinong kriminal Ang makikipagkita sa taong huhuli sa kanya?
I sigh. But I should give this a try.
I got interrupted when someone knocked on the door. I sigh. "Come in" the door opened.
The face of Lauren Beischel greeted me. Oh no.
"I'm busy." I quickly said. Yumuko ako at tiningnan ang mga papel na naka-pile sa mesa dahil ayaw kong makita ang nakakairita niyang pagmumukha.
Tumawa lang siya."Grabe ka naman. Wala pa nga akong sinasabi." Lumapit siya sa akin at at umupo sa kaharap kong upuan.
Aside from pestering me, wala naman siyang ibang ambag sa buhay ko. Pampa-dagdag stress.
"Sasama ka samin."
"No"
She held my arm and pinch it. Ouch.
"Come on. You looked stress. You need rest" pagpupumilit niya. Mas lalo akong hindi makakapagpahinga kung mukha niya ng aking nakikita."I'll just sleep." I boredly replied. "Leave" I said and motioned the door. Umiling lang siya at patuloy akong niyuyugyog. Gosh.
"Sasama ka. Pupunta kami sa Hillside." Hillside is a resort owned by the Warren's. Maraming pumupunta roon dahil aside sa magandang hotel kung gusto mong mag- overnight at magandang accomodation, the view is also a sight to behold. Kung pupunta ka roon, hindi puwedeng hindi mo makita ang napakagandang tanawin doon.
Pero teka, sa dami ng reports ng krimen araw- araw, nagagawa pa nilang mag resort?
"I have plenty of works to do." I said and looked at the pile of papers on my table.
"Ngayon lang naman. Sige na." Napahilot ako sa aking sentido dahil sa kakulitan niya. Aish. Alam kong hindi siya titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto niya kaya tumango ako ng pilit.
"Yes! Mamaya ah, 2: 00 p.m." tumayo na siya at naglakad palabas ng opisina.
We know each other since college. Nang makuha na namin ang aming degree ay sabay din kaming nag- enroll sa police academy.
Nang makaalis na siya ay ibinalik ko na Ang atensyon ko sa trabaho.
Bumalik ulit siya para sunduin ako.
1:45 p.m, I checked the time."Sinong mga kasama natin?" I asked as we made our way to the parking lot.
"Tayo lang dalawa." Tumigil ako sa paglalakad at tinitigan siya.
"What? Sabi mo may kasama tayo? Kung ganoon, hindi ako sasama." Maglalakad na sana ako palayo nang hinila niya ako pabalik.
"Sige na, ngayon lang naman" she looked at me with pleading eyes.
"I just want to be with you." She muttered something but I didn't hear it clearly.
"May sinasabi ka?" Agad siyang umiling at umiwas ng tingin. I let out a sigh, hold her hand, and set off once more towards the parking lot. Fine.
2:45 p.m
HillsideThe trip took forty-five minutes to get to our destination. I looked around. I still can't help but admire the spaciousness and beauty of this resort.
Pumunta kami sa reception area para magcheck-in dahil magoovernight daw kami rito. Tumanggi ako noong sinabi niya iyon ngunit nagpumilit siya. Minsan lang din naman kaming gumala dahil busy sa trabaho kaya pumayag na rin ako. Pagbigyan.
"How many rooms ma'am?" the receptionist asked.
"Two please"
"Only one." sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami.
"What? Puwede namang isa lang." I just looked at her. She returned her attention to the receptionist and reserved one room for the both of us. Hinayaan ko nalang siya. Desisyon.
" Room 168 ma'am, do you need help with your bag?" She politely declined. We thank the receptionist and made our way to our room.
Pagkapasok palang namin sa kuwarto ay humiga ako agad at pinikit Ang aking mga mata. Gusto ko ng matulog. Siya naman ay inaayos ang mga dala niyang gamit. Ako? Hindi ako nagdala kahit ano. Nandito lang naman ako para samahan siya pero ngayong magoovernight kami rito, nagsimula na akong mag-alala. Anong gagamitin ko?
Napaupo ako. I opened my eyes and looked at her only to catch her staring at me. Anong tinitingin- tingin neto?
I gave her a questioning look. Umiling lang siya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Tinitigan ko siya habang nagaayos siya nang gamit.
"Wala akong dalang damit." I said. She turned her head then smiled.
"Don't worry. I brought clothes for you." I just nod and humiga ulit sa kama. I closed my eyes and take a nap.
I woke up when I felt a hand wrapped around my waist. Tumingin ako sa aking gilid at nakita ang aking kasama na mahimbing na natutulog. I checked the time, it's already 4:00 p.m.
I glanced at her again. I can't deny that she's good- looking. She have long eyelashes, not so thin eyebrow, pointed nose, and thin pinkish lips that's slightly parted.
As I was staring at her, I can't help but remenisce the first time we met.
Naglalakad ako sa hallway ng criminology building. Today is my first day in college. Papunta ako ngayon sa aking classroom.
Crim 1-A. As I stepped inside the room, kaunti palang ang mga estudyante. Pumili ako ng mauupuan at napili ang nasa hulihan sa gilid ng bintana. 6:25 a.m palang. Introduction to Criminology ang una naming subject na magsisimula nang 7:30 a.m kaya kumuha nalang ako ng libro at nagbasa.
Hindi nagtagal, maramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan. I glanced on my side. Babae. Maganda. Sandali ko lamang siyang tiningnan at ibinalik ulit ang atensyon sa libro.
But I could feel her gaze. So I turned my head to fight the stare she's giving. Matagal kaming nagtitigan hanggang sa ngumiti siya at tumingin nalang sa harap. Kumunot Ang noo ko. Weird.
"Lauren Beischel. You?" Hindi ako sigurado kung ako ang kinakausap dahil nanatili ang kanyang tingin sa harap. Hindi ko nalang siya pinansin at nagfocus nalang sa pagbabasa.
"I'm talking to you." I throw a glance at her, she's also looking at me with a smile crept on her lips. Ang hilig niyang ngumiti.
"Rashida Williams, pleased to meet you" tumango- tango siya.
"Odd but pretty" I heard her muttered.
Ilang sandali lamang ay pumasok na ang propesor namin. Wala ng nagsalita sa aming dalawa at nag focus nalang sa harapan.
YOU ARE READING
Amidst The Darkness
RandomIn a town that is full of mystery, crime every now and then, will you be able to survive a madman?