Prologue

351 6 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events in purely coincidental.

This story or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

Note: Hi! To celebrate my 10th year in Wattpad I decided to revise all my other previous stories. In those years since I started here, I believed that I have improved as a writer to give my stories the execution that it deserves. Rest assured that the main plots and the scenes that you all loved in this story will be kept, though it may be given a new flavor.

I hope you would support the revised version as much as you supported the original version.

To the new readers, I hope you would enjoy this story as much as I enjoyed writing it.


MY HIRED GIRLFRIEND 

PROLOGUE 


"Are you nervous?"

Huminga ako ng malalim at umiling, "Okay lang ako." Pagsisinungaling ko dahil ang totoo kanina ko pa gustong maihi sa kaba.

Hindi ko sigurado kung naniwala siya sa sagot ko, but still, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, assuring me that everything will be fine.

Kahit papaano ay nabawasan ang nerbyos ko. Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago huminto ang sasakyan at marinig ko ang ingay mula sa labas. It's was our cue.

Kelvin took one quick glance at me bago buksan ang pinto ng sasakyan. Narinig ko ang malakas na sigawan mula sa labas. Nauna siyang bumaba at inalalayan naman niya ako.

"Kelvin!" rinig kong tawag ng mga tao sa kaniya.

Noong parehas na kaming nakatapak sa mahaba at pulang carpet ay binalik ni Kelvin ang hawak sa kamay ko at narinig ko na naman ang malakas na sigaw ng mga tao.

Halos masilaw ako sa sunod sunod na ilaw mula sa mga spotlight at camera. Sa lahat yata ng anggulo ay bigla kang gugulatin ng flash ng camera ng iba't-ibang tao.

Pinilit kong ngumiti kahit na pakiramdam ko mahihilo ako sa liwanag at sa dami ng mga tao.

"Smile for the camera, patoots." Bulong ni Kelvin at inilagay niya ang kamay sa bewang ko. Alam kong hindi ako photogenic pero ngumiti na lang rin ako.

I heard Kelvin chuckle pagtapos kaming kuhanan ng litrato kaya tinitigan ko siya. Kung wala lang maraming tao siguro ay nahampas ko na 'to dahil parang pinatatawanan niya ako.

Noong mapansin niyang sumeryoso ang itsura ko ay pinigil niya ang tawa niya, "What?"

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na ako ng lakad. Narinig ko na naman siyang tumawa. "Moody patootie."

Itinuon ko ang atensyon ko sa venue at hindi na pinansin ang pang-aasar ni Kelvin. Muntik na akong malula sa ganda ng loob. Sobrang liwanag dahil sa malalaking chandeliers at mga sosyal na muwebles, mga taong nakapostura, mahinang tunog ng music na hindi ko alam ang genre.

"Our seats are over there," bahagyang hinila ni Kelvin ang kamay ko papunta sa hilera ng mga upuan. Malapit sa harap ng isang mahabang stage.

Kelvin greeted a few friends along the way at hanggang sa makarating kami sa upuan namin.

"Is this her?" tanong ng isang sa mga kaibigan niya, isang babae na matangkad at balingkinitan. Mukha siyang foreigner dahil sa light brown niyang mata, matangos na ilong at maninipis na labi. Bigla akong nakaramdam ng kaunting insecurity.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hired Girlfriend, (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon