Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Prologue

260K 5.7K 3.7K
                                    

AFTER pressing the key fob, a tall, handsome man approaches his midnight black sports car. Napahinto siya nang may gumulong na bola at tumama sa kanyang sapatos. He picked it up.

Isang maliit na batang lalaki ang humahangos na lumapit sa kanya. "Kuya, puwede po paabot ng bola?"

Tumingin siya sa bata habang hawak ang bola. Then he threw the ball away from the boy.

The boy was surprised by what he did. "B-bakit niyo po binato sa malayo?" Napahikbi ito.

The man just looked at the boy without emotion and got into his sports car. Ni hindi niya pinagkaabalahang sulyapan ulit ang bata na ngayon ay umiiyak na sa labas. Pinaharurot niya ang sasakyan palayo.

... And that man is Lion Foresteir. He's not a good man, by the way. He's the villain in his own story.

***


Nina Aranda's POV

"I'M GOING TO MEET HIM TODAY!!!"

Palabas ako ng Don Eusebio Mariano University, isang malaking private college sa North, kung saan ako nag-aaral ngayon ng BS Psychology. Nanlalamig ang mga palad ko sa kaba. Bakit hindi? Ngayong araw ay makikita ko na si 'Daddy'! OMG!

Matagal ko'ng hinintay ang pagkakataon na ito na akala ko ay hindi na darating pa. Thirteen years ago noong ako ay isang 7-year-old orphan sa isang bahay ampunan, isang misteryosong lalaki ang dumating sa kalagitnaan ng gabi, at inampon ako nito.

It had been thirteen years since the day of my adoption, but I still didn't have any idea what my adoptive father looked like. I also had no idea what kind of person he was. Everything about him was mysterious.

Dalawang unipormadong lalaki lang ang inutusan niyang sumundo sa akin noon sa bahay-ampunan para ihatid ako sa condo na aking titirahan. Those uniformed men had no names. Ako na lang ang nagpangalan sa kanila. Dahil dalawa sila, tinawag ko silang B1 at B2.

After the two bodyguards took me to the condo where I was going to live, they left me alone. And the rest was history.

Sa tapat ng gate ng university ay huminto ang isang itim na limousine. Bumaba ang isang bodyguard mula sa passenger's seat at pinagbuksan ako ng pinto sa backseat. Ang isa naman na bodyguard ay nasa driver's seat. Sila ang mga bodyguards ko mula noon, sina B1 at B2.

Sila rin ang service ko. Dito nila ako sa university sinundo kaya naka-school uniform pa ako. White blouse and black pencilcut skirt. Pumasok na ako sa loob ng Limo. Ngiting-ngiti ako sa kanila. Close ko na kasi sila. I had been with them since I was seven.

Bodyguard No. 1 was a big guy with a beard while Bodyguard No. 2 was small and thin. Alam ko ay parehong nasa mid-forties na sila. Confidential na ang iba pang impormasyon tungkol sa kanila. Sila ang halos tumayo ko'ng magulang mula nang pitong taon ako. I knew that they were good guys and I loved them. Sila ang nag-e-enroll sa akin at uma-attend ng mga PTA meetings sa school. Sila ang naghahatid at sundo sa akin. Sila rin ang tumutulong sa akin sa mga projects ko sa school.

Kahit sa mga okasyon, sila B1 at B2 lang din ang palaging kasama ko, habang si 'Daddy' na tunay na umapon sa akin ay always missing in action. Sa graduation ko mula elementary, high school, at senior high school, and even during my birthdays, never siyang nagpakita.

Ni hindi ko rin alam ang pangalan ni Daddy. Hindi ko kasi makita ang adoption papers ko. Ang ginagamit ko pa rin ngayon na apelyido ay 'Aranda', at hindi ang apelyido niya.

Ever since I was in grade school, I always wrote a letter to Daddy. Pinapadala ko kina B1 at B2. Halos limang yellow paper yata lagi noon ang sulat ko sa kanya, harap at likod pa. Pero ang reply niya lang sa mga sulat ko ay 'k'. Kapag birthday ko ay 'hbd', 'pag graduation naman o kaya may award ako sa school ay 'grats', kapag may kasama namang photo ko ang letter, 'nice' o kaya naman ay 'ggss'.

He Sucks At Love (Lion Foresteir's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon