" Binibini "

51 0 0
                                    

Binibini, Ika'y imahe ng marikit
sa tagalay mong halimuyak
ako'y naakit.

Iyong matang sumasalamin
katapatan at mga labing
matimyas sa pag-amin.

Binibini, Ika'y bulaklak
namumukud-tangi
nasaan man di masisibak.

Papuri ng iba'y di ninais
nalalaman ang halaga
mong taglay na labis.



-----
inspired 💕

spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon