KABANATA 4

165 16 0
                                    

Lucca's POV

"Good morning Papa!" bati ko sa puntod nito. "Dinalhan kita nang bulaklak, pasensya na kung hindi ko naisasama si Mommy kasi natatakot daw siyang umangkas sa Motor at si Daddy naman— mahal na mahal po niya kami ni Mommy."

Umupo ako sa gilid ng puntod ni Papa gaya nang lagi kong ginagawa. "Tignan mo Papa, unti-unti ko pong napapalago itong Wanda's Resort nyo tinutulungan naman po ako ni Daddy kaya wala kayong dapat ipag-alala."

Bigla akong may naalala. Tumayo ako. "Kamuntik ko ng makalimutan. Ngayon ko nga po pala ang dadalhin sa pamilihan yung mga Manok natin saka yung mga gulay aanihin ko na po ang iba ibebenta ko sa pamilihan ang iba naman dadalhin ko sa Resort pang rekado."

Tinitigan ko ang lapida ni Papa. "Alis na po muna ako, babalik din po ako pagkagaling ko sa pamilihan. Mahal ko po kayo kahit hindi kita nakita man lang mahal ko po kayo."

Mula dito sa libingan ni Papa kitang-kita ko ang Resort na ipinundar niya noong nabubuhay pa siya palalaguin ko pa ito para maging proud sa akin sila Papa at Mommy at syempre si Daddy na rin.

Bumaba na ako at agad na nagtungo sa Manukan isa-isa kong nilagay sa kulungan ang mga ibebenta kong Manok ganun din ang mga itlog, nang matapos ko na ang lahat saka ako nagtungo sa loob ng bahay ko bungalow lang yun na may dalawang kwarto pero kumpleto sa gamit at higit sa lahat malinis.

Kumuha ako ng pamalit na damit saka ako nagtungo sa banyo para maligo. Sigurado akong nag-aantay na doon ang mga suki ko.

***

Fatima's POV

"Speed boat ba yon?!"  turo ni Marla.

"Tama po Speed boat nga po."  magalang na sagot ni Russell.

Nakatingin kaming lahat sa paparating. Hindi ko gaanong maaninag ang sakay kasi medyo malayo pa.

"Mayaman pala talaga ang may-ari nito ano."  sambit ni Brenan habang naka-akbay kay Kim.

Tumango si Russell.  "Opo. Mayaman nga po pero lahat po ng gastos dito sa Resort hanggang sa pagpapasahod po sa aming mga Empleyado ay galing po lahat sa sariling bulsa ni Sir Lucca."

"Lucca?"  ulit ni Lexx.

Nagkatinginan na lamang kami. "Baka kapangalan lang.". untag ni James.

"Bakit po, Sir?"  nagtatakang tanong ni Russell.

Si Loreen ang sumagot. "Kasi may Schoolmate kaming kapareho ng pangalan ng Boss mo e. Lucca din kaso barumbado ang kilala naming Lucca."

"Ah. Ganon."  kibit-balikat ni Russell.  "Mabait po ang Boss ko at masipag saka madiskarte kahit mayaman sila hindi siya naasa lang gumagawa po siya ng ibang paraan para may maipangdagdag sa pambili ng mga kailangan dito sa Resort."

"Wow naman! Nakaka-inlove pala iyang Boss nyo. Anong full name niya?"  tanong ni Marla na halatang interesadong malaman kung iisang tao lang ba ang Lucca na tinutukoy namin at ni Russell.

"Ah, Lucca Sta. Ana Cru po ang buong pangalan ni Sir. Bakit?"

Sakto naman ang pagdaong nang Speed boat sa pampang agad itong sinalubong ng ilang Staff may mga binaba silang mga kulungan na naglalaman ng mga Manok at meron ding mga gulay at itlog.

Natahimik kaming lahat. Si Lucca nga! Pero parang hindi siya dahil malayong-malayo sa image niya sa School ang itsura niya ngayon nakasuot lamang siya ng White V-neck shirts at Black pants at medyo matured siya kung kumilos ngayon kumpara sa tuwing naka-School uniform siya.

Abala sila sa pagbaba ng mga dala niya mula sa Speed boat kaya hindi niya kami napansin.

"Sir Lucca. Good morning po!"  tawag ni Russell. Agad naman itong lumingon. Nagulat pa siya nang makita kami pero agad din namang nakabawi saka ito ngumiti at bumaba ng Speed boat niya.

"Wow ha, talagang mayaman nga sila. Saka akala ko loko-loko talaga ang isang yan."  mahinang turan ni James na halos pabulong lamang.

Naglakad patungo sa amin si Lucca ang lakas nga nang dating ng loko. Parang bumagay sa kanya na medyo madumi ang damit dahil sa pagbuhat ng mga dalang kulungan at mga gulay.

Bahagya itong tumango sa amin nang makalapit na ito.  "Welcome to Wanda's Resort. Bakit andito kayo?"

"Ahm Sir. Sila po yung nagpa-reserve ng mga Cottage for the whole weekend po."  tumingin dito si Lucca saka ito tinapik.

"Ah, Ganon ba? Okay."  namewang ito at bumaling sa amin.  "Enjoy your stay here. Sige may mga gagawin pa ako e."

Akmang tatalikod na siya ng magsalita si Lexx.  "Ang dumi mo ata ngayon Lucca Cru?"

Mahina kong hinampas ang braso ni Lexx. Nagtawanan naman ang mga kasama naming mga lalaki. Habang si Russell nanatiling nakikinig lamang.

"Ah ito ba?". hinawakan ni Lucca ang laylayan ng damit.  "Oo nga madumi ang sabi ng Daddy ko kapag daw madumi ang damit ng isang tao hindi ibig sabihin na gusgusin siya kundi  masipag ito at hindi umaasa sa pera ng iba. Ah, oo nga pala Lexx tutal Schoolmates ko kayo Libre na yung mga activities nyo dito sa Resort ko."

Bumaling ito kay Russell.  "Ikaw nang bahala sa kanila ha lalo na diyan kay Mr. Stanford baka mainip yan dito baka humanap yan ng ibang Resort diba Lexx. Parang babae lang diba."

Nakita kong namutla si Lexx at agad itong bumawi ng tingin. Bakit kaya?

"Nga pala. Girlfriend mo ba siya Lexx?"  tukoy ni Lucca sa akin.

"Oo.". agad na sagot ni Lexx.

Ngumisi naman si Lucca. "Okay. Parang malayo ang itsura niya sa kasama mo kagabi ah."

"Ano? Kagabi? Lexx?"  tanong ko.

Nagtangis ang mga bagang nito saka tumingin sa akin. "Wag kang maniwala sa isang yan sanay yan manloko ng kapwa niya."

Tumawa si Lucca.  "Okay, my bad. Sige nauubos lang ang Oras ko sa mga walang kwentang bagay. Bye."

Mahinang nagmura si Lexx.

"Ang cool talaga ni Lucca!"  hindi napigilan ni Loreen ang paghanga dito. Sabagay nakakahanga nga naman.

"Anong cool doon? E para nagbuhat lang naman siya ng mga kulungan ng Manok at mga gulay—."  asar na turan ni George.

"Sir. Hindi ko po alam kung anong problema nyo sa Boss ko pero yung mga binuhat niyang yon ibebenta niya pa po yon sa pamilihang bayan para magkapera sa sarili niyang sikap saka kada weekend andito po si Sir Lucca hindi po siya gaya ng ibang kaedaran niya na umaasa lang sa Pera ng mga magulang nila. Nagtatanim din po si Sir Lucca ng mga gulay at prutas. Para sa akin gaya ng sabi ni Ma'am cool nga si Sir.". nakangiting paliwanag nito.

"Wala na akong ganang mamasyal! Tara na Fatima!"  hila sa akin ni Lexx. Pero nagmatigas ako.

"Lexx. Let me go. Gusto kong maglibot-libot saka bakit ba asar na asar ka kay Lucca? Meron ba akong dapat malaman?"

Huminto sa paghakbang si Lexx saka niya binitawan ang palapulsuhan ko. "Do what you want but don't flirt with him! It's that clear."

Hindi na ako nakasagot ng bigla siyang tumalikod at ang mga kasama niya saka sila naglakad palayo hindi ko alam kung bakit ang mainit ng dugo nila kay Lucca.

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now