BARANG vs AswangUbusan ng lahi.
Sa panulat: ni better known
Si aleng dorina ay sikat sa kanilang baryo.
Bilang isang mang hihilot at hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na isa rin syang mang babarang.
Ngunit kanyang tinalikdan ang pagiging mang babarang ng sya ay mag karoon ng pamilya.
Masayang na mumuhay si dorina si pedro at anak nitong si hanna.
At patuloy parin ang oag tangkilik ng mamayan ng kanilang baryo sa pag papagamot kay dorina.
Hanggang isang araw ay dumating itong si azon na kasama ang boung pamilya galing ng mindanao.
Biglaan ang pag sulpot nito sa kanilang baryo.
At tila ba may mga kakaiba itong gawi.Bukod sa matalas nitong mga mata kung tumingin ay ilag din ito sa mga tao.
Isang hapon ng mag ka engkwentro ang asawa ni dorina at ni azon.
Sa kadahilanang pag kamkam ng lupang sakahan ng bagong salta.
(Leo) ako na nag mamay ari ng sakahang ito
(Pedro) nag kakamali ka dahil matagal na itong ibnenta sa amin ng may ari .
Bago pa man kayo dumating dito sa aming baryo.
At nag patuloy ang bulyawan at sigawan ng mga ito hanngang sa mag pang abot ang mga ito.
Ngunit dagli ay inawat ito ng mga tao.
At kinampihan ng taong bayan ang kanilang kababaryo nasi pedro.
Doon nag umpisa ang masidhing alitan ng pamilya.
(Azon) aking bana hayaan mona ang lupaing iyon sa pagkat marami naman tayong lupain na pwede pang pag sakahan.
(Leo) hindi ako makakapayag dahil ang lupaing iyon ay pamana sa akin ng aming mga ninuno.
At di nag laoy tumigil ang dalawa.ng biglang dumating si nica ang anak nitong babae.
(Nica) nanang papang bakit kayo nag tatalo?
Sa mainosente nitong tanong.
(Azon) nak bihis kana at kakain na tayo.
Agad na pag putol nito sa tanong ng bata.
Ngunit sa hapag ay hindi parin ma pigilan ang pag palatak.
ng bibig ng haligi ng tahanan sa pagkat ayaw nitong pa daig.
(Leo) lintik lang ang walang ganti.
(Azon) huwag mo nang ituloy ang iyong balak. Nais mo bang muling mag palipat lipat tayo ng lugar.
Kapag nalaman nila ang ating sekreto.
(Leo) wala akong paki alam hindi ko mapapalagpas ang kalapastanganan ng taong iyon.
At lumipas ang gabi na may tila nilulutong masamang plano ang lalaki.
Sa kabilang banda naman ay masayang nag aagahan ang mag anak ni Dorina.
At tila ba nakalimutan na ni pedro ang naging alitan nila ng bagong salta.
Nang hapong ding iyon ay abala si pedro sa pag gapas ng kanyang taniman.
Upang agad itong matapos ay nag pagabi na ito sa pag gapas.
Ngunit sa dikalayuan ay may masidhing naka titig dito na ano mang oras ay handa na itong dumugin.
Ala-sais ng gabi ng matapos ang pag gapas ni pedro.
At nag hahanda na itong umuwi.
Ng biglang makaramdam ito ng kakaiba sa paligid tila ba may nakamasid sa kanya sa dikalayuan.
Binalot ng kaba at takot si pedro agad nyang dinampot ang kanyang pang gapas.
At agad na nilisan ang kanyang palayan.
Habang sya ay nag lalakad ay hindi parin tumitigil ang kung sino mang nilalang ang sa kanya ay gumagambala
Lakad takbo na ang ginagawa ni pedro. Dahil talagang kinikilabutan na ito sa sumusunod sa kanya.
Ng makarating ito sa bandang gubat ay biglang lumukso ang isang malaki at maitim na aso sa kanyang harapan.
Na nginginig man ang kalamnan sa takot ay iniumang nito ang kanyang panggapas sa nilalang na iyon.
At binantaan na kilala nya iyon.
sa pag kat matatakot daw ang aswang pag binantaan na kilala ito.
Ngunit imbes na umalis ay lalo pa itong nagalit at agad na dinakma ang lalaki.
Ngunit agad nitong iwinasiwas ang hawak nitong pang gapas.
At tinamaan ito sa balikat ngunit hindi ito nag patinag muli ay sumagpang ito sa lalaki.
At nakagat ito sa parteng leeg.
At dooy nilantakan ng halimaw ang kaawaawang si pedro.
Ng gabi ring iyon ay binalot ng takot ang buong baryo. Dahil sa sa sinapit ni pedro.
At isang madilim na balita ang bumungad sa masayang masaya na si dorina sa kanyang pag hahanda ng hapunan para sa pamilya.
Tok....tok...tok...
"DORINA SI PEDRO DALI"
At agad namang lumabas si dorin Upang tunghayan ang asawa.
At ng maabutan nya ito ay kalunos lunos ang inabot nitong kamatayan.
Dahil wakwak ang leeg nito maging ang parte ng tyan. At na wawala ang lahat ng lamang loob nito.
Hinagpis ang pumalahaw ng gabing iyon.
Agad namang inilibing si pedro.
At puro pag tataka ang bumalot sa buong baryo. Kung sino ba ang salarin Sa pagpatay.At may balitang nakarating kay dorina na kung sino ang pusibleng pumatay sa asawa nito.
At dagli nya itong tinungo.
At yun ay walang iba kung hindi si Leo na nakaalitan ng kanyang asawa.Ng puntahan nya ito at kausapin ay isang matalas na tingin at ngising demonyo lang ang ipinabatid nito.
at na pansin ni dorina ang sugat sa kaliwang balikat ng lalake kaya mas tumindi ang hinala nito sa kanya.
Dahil ng matagpuan ang kanyang asawa ay hawak nito ang knyang pang gapas.
na may bahid ng dugo.
Ng gabi ring iyon ay isinumpa ni dorina na mag babayad ang may gawa ng walang awang pag paslang sa kanyang asawa.
YOU ARE READING
Barang vs. Aswang
HorrorIsang istoryang gigising sa atin na hindi lang tayong mga Mortal ang na bubuhay sa Mundo.