Chapter 10 - Horror Building (Boys Pov - Part 2)

137 21 1
                                    

Baekhyun's Pov

Well nasa isa kaming Monitor kung saan pinapanood namin ni Xiumin sina Taeyeon at Sunny. Well, tawa lang kami ng tawa dahil sa epic reactions ng dalawa sa isang abandonadong room. Walang ibang ginawa si Sunny kundi ang umiyak lang ng umiyak.

"Pre, sure ka ba na walang mangyayaring masama sa kanila ?" Tanong sakin ni Xiumin

"Oo, at isa pa huwag kang maawa sa kanila kasi kaya nga natin ginawa ito diba ?" Sabi ko naman sa kanya

Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng room ay pinindot ko ang isang button para sumara ang pinto at doon ay nagsisisigaw sila.

Inactivate ko narin ang ilaw na magpatay-sindi ito at dahil sa ginawa kong iyon ay mas lalo silang natakot. Si Xiumin naman ay niready na ang props ng babaeng nakalambitin para sa susunod na plano. Inistart na ni Xiumin patuluin ang dugo sa props na babaeng nakalambitin sa ulo nina Taeyeon at hindi nga kami nagkakamali, dahil nakikiramdan na sila.

Unti-unti nilang inangat ang ulo nila at mas lalong lumakas ang sigaw nila. Tumakbo sila sa pintuan para mabuksan iyon kaya naman pinindot ko na ang button para tuluyan na silang makalabas dahil start na ng huling plano. May mga inutusan kasi kaming ilang grupo ng lalaki na magsoot ng itim na cloak at may hawak na karet para takutin nila sina Taeyeon.

Nang nakita na nila Taeyeon ang mga lalaki ay tinawagan na ni Xiumin ang isa sa kanila sa pamamagitan ng Earpiece para hindi kami mabuking.

Maya-maya lang ay nagsimula nang magsitakbuhan ang mga lalaki at ganoon na rin sina Taeyeon. Sigaw lang sila ng sigaw at aksidenteng natanggal ang cloak ng isang lalaki kaya naman tumigil naman siya sandali para ayusin iyon.

"Jongina naman oh ! Paano nalang kapag nahuli nila tayo ?!" Sabi ni Xiumin

Mas lalo akong kinabahan nang mapatigil sina Taeyeon sa pagtakbo at lumingon sa mga lalaking naka-itim na cloak and then boom ! Nahuli na nila na lahat ng ito ay planado. Nagpatuloy nalang sila sa pagtakbo at siguro ay hinahanap na nila ang mga kasamahan nila.

"Pre, paano kapag nabuking tayo ?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Xiumin

"Edi sabihin nating si Kris ang may pasimuno" Sabi ko sa kanya

"Kung si Kris lang ang ituturo natin, parang napakasama naman nating kaibigan. Dapat damay-damay tayong lahat dahil nag-suggest lang naman siya eh !" Sabi ni Xiumin

"Edi si Suho nalang kasi siya ang bumili ng mga Props !" Ako

"T*ngnang yan ! Basta lahat tayo damay-damay na at wala ng atrasan kung sakaling mabuko tayo" Sabi ni Xiumin

Nasa kalagitnaan kami ng kawalan nang biglang mag-ring ang Cellphone ni Xiumin.

"T*ngna ! Istorbo eh !" Xiumin

"Yoboseo ? ... Kris napatawag ka, bakit nga ba kayo umalis ni Suho ? ... Ano ?! Naaksidente si Jessica ?! ... Paano na tayo niyan ! ... Sige-sige susunod kami Bye !"

Naaksidente si Jessica ? Uh-oh lagot kami sa buong SNSD nito pag nagkataon !

"Pre, naaksidente si Jessica dahil hindi sinasadyang nahulugan siya ng Flower Vase sa ulo !" Sabi sakin ni Xiumin

"Kaya pala tumakbo na papalayo sina Taeyeon kasi tinawagan siya ni Tiffany na pumunta nga ng ospital dahil sa nangyaring aksidente ..." Pagpapatuloy niya

"Kaya dapat maunahan na natin ngayon sina Taeyeon na pumunta roon para hindi nila idiin si Kris at tulungan sila sa pagpapaliwanag" Sabi ni Xiumin

Hindi ko na alam ay kumakaripas na kami ng takbo at dumaretsyo sa likod ng Abandonadong Building dahil doon namin pinark ang kotse. Mabilis kong pinaandar ang kotse at wala pang 15 minuto ay nakarating na agad kami.

Pagkapasok namin sa room ay,

*SLAP*

Isang napakalakas na sampal ang natanggap ko kaya naman napasigaw ako ng wala sa oras.

"BAKIT MO KO SINAMPAL ?!" Sabi ko kay Taeyeon

Yes, andito na agad sila ang bilis nga eh !

"B-bakit ?! dahil nararapat lang sa inyo iyan ! Kung tutuusin nga kulang na kulang pa iyan sa inyo eh ! Dahil sa mga walang kwenta niyong pakulo ay naaksidente ang isa sa mga kaibigan ko ! Mga wala kayong puso !" Sabi sakin ni Taeyeon sabay sampal nanaman ng pagkalakas-lakas

"Arouch !" Mahinang bulong sa akin ni Xiumin na parang nang-aasar pero narinig ata iyon ni Taeyeon kaya bumalik ang tingin niya sa amin, kay Xiumin pala at sinampal rin ng pagkalakas-lakas.

"May gana ka pa talagang magbiro ano eh no ?!" Sabi niya

"Umalis na kayo dahil hindi namin kayo kailangan !" Maawtoridad na sabi samin ni Sunny kaya wala kaming nagawa kundi ang umalis kasama sina Kris at Suho na kanina lang nananahimik sa isang tabi.

Natampal na siguro sila ni Taeyeon dahil pulang-pula na yung mga mukha nila lalo na kay Kris.

Habang nakatanga kami sa labas ay nagulat kami ng makita namin sina Kai, Luhan at Tao na kasama sina

*Gulp*

S-sina Yoona, Sooyoung at s-si Yuri na duguan pero buhat-buhat naman siya ni Kai.

Hayyyyyssssst ! Napakalaking gulo ang ginawa namin !


==============================================================

(a/n : Hello po ! Sorry sa mga FOUL WORDS pero konti lang naman eh, Hahahaha !)

EXOSHIDAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon