Ako!

51 4 1
                                    

Sila ang pinaka sikat na loveteam ng generation na to. Kaliwa't kanan ang mga interviews at projects nila. Lahat gustong malaman kung ano bang real score sa kanila. Palaging tanong sa mga interview at prescon nila kung nagliligawan na ba o kung sila na nga. Binabatikos at linalagyan ng malisya ang mga Instagram posts nila at kilig moments sa mga BTS nila.


Sabay sabay lang naman kaming nagsimula e. Pero loveteam nila ang nag click at dali-dali silang kinuha ng kabilang network. Samantalang kami ng loveteam ko, naiwan. Miss na miss ko na silang kasama. Pero ang pinaka mahirap, yung mawalay sa mahal ko.


Ako ang tunay na girlfriend. Pero tuwing nag kakaroon ng mga interview, syempre hind dapat nagpapahalata. Pati sa backstage hindi kami pwedeng magkaroon ng alone time dahil sa mga BTS shoot, at mga press na pilit gustong makakuha ng live scoop sa pinakamalaking loveteam ngayon.


Minsan iniisip ko kung makakapag survive pa ba tong relationship namin. Ang tanging safe place para saamin ay sa privacy ng aming mga bahay. Pero napakatagal na nag huli kaming magkaroon ng alone time. Dahil sa busy schedule niya, palagi nalang siyang wala. Lagi silang magkasama ng ka-loveteam niya. Wala naman akong hinanakit sa ka-loveteam niya. Katunayan, magkaibigan kami. Pero ang sakit sakit lang talaga. Magkakasama man kami, silang dalawa parati ang center of attention.


Ano ba, Nala. Malamang, sila nga ang sikat e. Sila ang magka-loveteam.


Minsan gusto kong mag-interup ng interview nila kapag tinatanong sila kung sila na ba o anong real score sakanila. Sasabihin ko na, "Ako! Ako ang girlfriend ni Justin! Ako at hindi si Yasmin. Ako!".


Pero hindi ko kaya.







Pero hindi pwede, dapat ipaglaban ko!

On The SidelinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon