Venus Versus Mars

90 2 0
                                    

“Pwede ba Atobe? Tantanan mo na nga ako at hindi lang ulit ang isasagot ko sa’yo.” Galit na sinabi ni Haruyo habang papasok sa kanyang classroom. “At hindi dito ang room mo. Kaya pwede ka ng lumabas. Ngayon din if you don't mind. Ah of course you really mind, pasensya na.”

Taas kilay na tinignan ni Atobe ang small girl sa harap niya, “Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko. And hindi mo ba kilala ang kinakausap mo?” Pagmamatigas ng King of Hyotei. Haruyo rolled her eyes at inirapan ang lalaki.

“Eh di manigas ka dyan. Ano naman ang pakialam ko kung tumayo ka dyan ng isang siglo. Sabi ko sa’yo, kung matigas ka, mas matigas ako. And correction, ikaw ang kumakausap sa akin at I don't care kahit na ikaw ang emperador.” Yun lang at umupo na si Haruyo at tuluyang naignore si Atobe. Ano ba naman kasi ang masama sa hinihingi niya at kaya siyang tiisin ng babaeng ito? Pasalamat nga siya at special attention pa ang binibigay niya. Maraming babae ang nagkakandarapa na mapansin lang niya tapos etong duwende na ito eh hindi siya binibigyan ng attention na nararapat para sa kanya?

“Fine. Hindi na kita kukulitin. For now.” Banta niya at sabay walk out. Haruyo sighed at inuntog ang noo sa mesa. Kung ano man ang nakita sa kanya ng magaling na si Atobe Keigo, wala siyang clue. At ayaw niyang isipin kung ano man yun. Hindi siya takot sa mga crazy fangirls nito, ang kanya lang, wala siyang interes na mapabilang sa inner circle. Pumasok siya sa Hyotei para mag-aral at hindi para makipagbonding at makipagtaasan ng ere  sa mga socialites na tulad ni Atobe.

"Mahabaging tagalikha ng langit! Bakit ba asungot magnet ako? Had I done something wrong in my past life na pinaparusahan mo ako ng ganito?!"

---Venus Versus Mars---

"ANO?!!!" Pasigaw niyang tanong kay Ootori Choutarou, "There's some kind of a mistake Ootori-kun. Wala akong maalalang nag-apply ako for that particular position, worst sa Boy's Tennis Club pa!"

Napabuntong-hininga si Ootori. Inaasahan na niya ang ganitong response... His team mates believed na hindi mareresist ni Haruyo ang kakyutan nito kaya siya ang pinadala nilang representative para ihatid ang desisyon na tinatawag ni Atobe na 'order'. But on the current turn of things, mukhang papalya sila sa ineexpect nila. Dapat si Jirou na lang ang pinadala nila.

"Pero Himura-sempai, think of this as an opportunity." Explain ni Ootori, trying to walk her on track. "Hindi naman kami ganun kapesky siguro para ayawan mo di ba?"

Napasimangot lalo si Haruyo. Kawawang Ootori. Alam niya kung bakit ito ang kumakausap sa kanya ngayon. Napakamalas din kasi siya ang kinontrata ng mga magaling niyang seniors para lang mapagbigyan ang walang kakwenta-kwentang kapritsuhan ni Atobe.

"That's not what I meant, sorry kung ganun ang pagkakaintindi mo. But you see, wala talaga akong hilig magsideline kahit saang club as an extra curricular activity." She softly explained sa best na paraang alam niya. Ayaw naman niyang sungitan ito pero...

"Kasi marami akong after school activity sa labas, jampacked ang sked ko. Besides, di ba I am working under Sakaki-kantoku already? Parang ganun na rin yun," Explain niya ng mas mahinahon. "Besides, about your question, hindi ka pesky. Ganun din ung iba. Except for one."

Napayuko na lang si Ootori as a sign of defeat, "Uhm sige, sasabihin ko kay Atobe-sempai ang desisyon mo." With that, nagpaalam ito at iniwan siyang mag-isa.

"Talagang tinotorture mo si Atobe no?" She turned around to see her friend Chiaki na natatawa. "Ganun na ba kasahid ang galit mo sa taong yun at talagang pahabol effect ka pa diyan?" Pabiro nitong sabi na lalo lang nagpasimangot sa kanya.

"Ioffer ba sa akin yung managerial position sa team nila? At ano, para ibully niya ako? I am so certain mascot ang kalalabasan ko. Asa pa siya."

Napailing si Chiaki, "Because you are exactly his type of girl. Palaban at kayang makipagsabayan sa kanya. Alam mo yun, lalo siya naaattract habang lalo kang nagagalit sa kanya?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Venus Versus MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon