PROLOGUE

18 3 0
                                    

LIFE IS SO HARD

Bakit kung kailan abot kamay mo na ang lahat, doon mas lalong humihirap. Nangangarap lang naman ako, gusto ko lang maging maayos ang buhay namin. Sawa na ako sa ganitong buhay, Ang hirap maging mahirap.

Akala ko nung una madali lang, 4 years nursing?? Sus easy!  
Potek! akala ko lang pala. Nasa ika apat na taon na ako, malapit na pero gusto ko nang sumuko.

"PUTANG*NA MO JAY-AR! DEMONYO KA!"

"ARAY KO! ANO BA..."

Nahinto ang pagmumuni-muni ko habang naka tingin sa kisame ng kwarto ko nang marinig ko ang komusyon sa labas. Pero parang di lang ako ang nabulabog kundi maging ang buong compound namin sa lakas ng sigawan sa kabilang bahay, parang nagbabatuhan pa yata sila ng mga gamit. 

Teka parang si Auntie Anne yon ah

Dali-dali akong sumilip sa bintana para makita ang komusyon sa labas, si Auntie nga!

"Ginawa ko ang lahat para sayo Jay-ar tapos ganito lang ang gagawin mo sa akin? DEMONYO KA!"  umiiyak na turan ni Auntie sabay tapon ng mga damit ni Uncle na hindi ko namalayang hawak-hawak pala niya.

"Hon, wag dito please... pag-usapan natin to sa loob" pagmamakaawa pa ni uncle habang pinupulot ang mga damit na tinapon ni auntie.

"Pag-usapan? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya sabay sampal kay uncle.

"Pitong taon Jay-ar! Pitong taon mo na pala akong niloloko. limang anak sa ibat-ibang babae?!"  umiiyak na turan ni auntie habang naka yuko lang si uncle.

" Hindi ko pa malalaman kung hindi sinabi ni ate Aileen"

Si auntie Aileen ang nagsabi? Kung nag tataka kayo kung sino yon, siya lang naman ang panganay na kapatid ni Uncle. Nakapagtataka hindi naman yun gaanong nakikisama sa amin. 

"Hindi ka na nahiya may mga anak tayo Jay-Ar!"

Matagal na talaga naming alam na may kinakalantaring iba si Uncle, papalit-palit siya ng babae. Sa katunayan kalat na sa buong barangay ang mga ginagawa niya, kahit ang mga anak nila auntie at uncle na si Jillian at Jella ay alam ito. It's like an open secret.

Open sa lahat pero secret kay auntie, tama ba yun? aish basta ganon. 

Sa katunayan nitong taon ko lang nalaman ang sekretong ito nong nabangit ni mama habang binubunutan ko siya ng uban. I am never a fan of cheaters kaya naman simula noon ay kinukumbinse ko na talaga si mama na kausapin ang kapatid niya, si uncle. Pero palaging walang ginagawa si mama, nagsasawalang kibo. 

'Ay buhay nila yan, wag na tayong makialam'

'Hindi naman yan nakikinig sa akin'

Yan ang palaging sagot niya, kung alam ko lang... ayaw niya lang kasi gawain niya din.
Simula nung mastroke si papa anim na taon na ang nakakaraan.

Kaya ngayon desidido na ako, Magtatapos ako! Aalis ako sa lugar na ito.

Hindi na ako mag-aasawa at mag aalaga nalang ng Limampung pusa... pwede ring aso.

Mag-aabroad ako at magpapayaman

I WILL BE A RICH TITA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rich Tita 1: Amalia Quinn GarciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon