LIHAM
"Oh! Gabby? Nakarating na pala kayo." Ngumiti si Lola Gabriella nang buksan niya ang pinto at tsaka sumalubong ang dalawang apo nito na si Gabby at Gabriel.
"Halina't pumasok na kayo sa loob ng bahay." Anyaya nito.
Umalingaw ngaw ang ingay ng pinto habang papasok ang magkapatid. Gawa sa lumang kahoy at Antique ang bahay ni Lola Gabriella.
Ang lamesa niya ay napamana pa ng ninuno ni Lola Gabriella. Itong lamesa at mga upuan ay simula pa nuong 1890's nuong nakuha nang ninuno ni Lola Gabriella. Luma na ang kanyang bahay ngunit malinis at mapayapa naman ito. Spanish ang design ng bahay na ito ngunit maaliwalas at magaang sa pakiramdam.
Ito ay si Alderidge Consolación at Valintina Lucia De Jesus. Kung saan naninirahan sa Cavite na purong Caviteño. Ang bahay ni Lola Gabriella ay luma na. May luma nang paintings din na napaimana si Don Alderidge at Donya Lucia nuong panahon nila. Nakakabit ito sa dingding, na may isang pirma ng Pintor.
Binilin ito na alagaan at wag ibenta ng mga anak ngunit naging gahaman sa pera kaya wala silang na gawa kundi ibenta ang Original na bahay nila sa QC nuong 1898.
"Lola, saan niyo po nalaman ang Love story ni Lolo Alderidge Consolación at Lola Lucia." Tanong ng Apo ni Lola Gabriella nang ikwento niya ang Buhay ng kanyang Lolo noon. Sa bahay na gawa sa kahoy mas lalong nakakaaliwalas nang umilingaw ngaw ang ihip ng hangin mula sa labas.
Sa bawat tunog ng Rocking chair ni Lola Gabriella ay mas ramdam ang probinsya sa Pampanga. Ngumiti si Lola Gabriella. Kulubot na ang kanyang balat. Pero puro at puno ng mistisa ang kanyang balat dahil isa siyang katutubong Cabitenyo. Kahit nasa edad 85 na ito ay walang kupas ang pagiging elegante niya.
"Ang inyong Lolo ay ubo't ng bait at matipuning lalaki ngunit malaki ang kahinaan." Garalgal na boses ni Lola Gabriella. Hindi kumibo ang kanyang mga apo tahimik lamang itong nakinig sa kanya. Hindi kumibo si Gabby ay tahimik lang itong nag aayos ng mga damit sa lapag.
"Nanlalambot pagdating sa kanyang mahal."
"Don Alderidge!" Tawag ng isang consehal ng Cavite. Mukhang malalim ang iniisip ni Don. Alderidge habang nakatingin sa malayo. Nakahawak ang dalawa niyang palad sa bintana. Nakatanaw mula sa malayo ang bahay ng isa niyang matalik na kaibigan na si Emilio Aguinaldo.
Napalingon sa kanya si Don. Alderidge. Nakangiti si Consehal. Rodolfo habang may sandata ito sa kanyang gilid.
"Tumawag po sa akin si General. Russmon."
Nagtiim ang bagang ni Don. Alderidge. Si General. Russmon ay ama ni Valintina Lucia De Jesus.
"Gusto ka niyang imbitahan sa celebration ng kanyang Unija iha."
Hindi kumibo si Don. Alderidge sa kanya. Nag iwas siya ng tingin para bang lalim ng iniisip. Ang tanging naramdaman niya ay kaba at nyerbos.
Wala nang nagawa si Don. Alderidge ay sumama na siya sa bayan ng Aguinaldo. Napanahon na ito ay dapat nakasuot ng pang sundalo ang mga lalaki.
Nakasuot ng mga simpleng filipino na may nakatayo o naka-roll na kwelyo at mga bulsa sa palda, sa puting tela o rayadillo. Mayroon din kaming ilang modelo ng mga dyaket na rayadillo na may tiklop sa dibdib at likod at mga bulsa sa palda, na inspirasyon ng guayabera na ginamit ng mga Espanyol sa Cuba ngunit may nakatayong kwelyo.
Paulit ulit kong pinahiwatig kay General. Russmon, gusto ko lang naman mag silbi sa ating bayan. Isa na din para protektahan ang kanyang teritoryo.
Habang nasa kalesa ay nakarating na kami sa bayan. Maraming tao sa ilabas at tilang masayang nagtitipon tipon. Tilang lahat ng mga tao ay nakasuot ng barong tagalog at saya.