Horizon- The Line Where The Sky and Land Meet
Dali- dali akong bumaba mula sa helicopter. Natigilan ako nang masilayan ang pamilyar na lalaking naghihintay sa gilid ng kotse. Kumaway siya sa akin at nilapitan ako.
“Let's go, it's been a long time.” Saad niya.
Sumakay na kami ng kotse at pina- harurot niya ito papunta sa kumpanya ko. Kinuha ko ang tablet ko at doon tiningnan ang mga data na na- hack sa system namin. Napamura ako sa sobrang dami nang nakuhang data mula sa amin.
“IT graduate ka 'diba?” Tanong ko sa kanya.
“Oo, kaya nga nandito ako.” Sabi niya. “I'll fix that for you.”
“Siya ba ang nag- sabi sa'yo?” Tumango siya.
“But she just asked me if I was available, and I asked her why—”
“Then?”
“Then, I volunteered to fix thoes bugs. I rushed to your office, magla- land down ka pa lang daw. I rushed again to you.”
“Thank you.” Saad ko at ngumiti naman siya.
Bumaba kami agad sa kotse nang makarating kami sa kumpanya. Agad kaming sinalubong ng ilan sa mga empleyado at pinaliwanag nang maayos ang nangyari. May ilan na ring na- retrieve na data ang IT team namin pero hindi pa rin iyon sapat. Pinakilala ko sa kanila ang kasama ko at doon lamang nila napagtanto kung sino iyon. Napa- awang ng bibig ang ilan sa kanila. Ngunit, nakangiti lamang ang kasama ko.
“This way po, Ma'am and Sir.” Saad ng isa at inilahad ang conference room.
Nandoon ang lahat ng nasa IT team at PR team. Bumakante sila ng isa pang upuan at doon umupo ang kasama ko. Ako naman ay nasa tabi niya. Inilabas niya ang laptop na dala at doon na dali- daling nagtype ng kung ano.
Napa- angat ako ng tingin nang marinig ang pangalan ko. Inilibot ko ang tingin sa mga kaibigan ko at ngumiti sa kanila. Kumaway ako sa kanila at ganon rin sila sa akin. Lumapit ako at umupo sa tabi nila. Inilatag ang mga board games at nagsipilian. Sumulyap ako sa kanya at nakitang nakatingin rin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at hinintay magsimula nag laro.
Ilang laro ang ginawa namin bago lumubog ang araw. Napatingin ako sa langit at pinanood ang dahan- dahang paggalaw ng mga ulap, kasabay nang paglubog ng araw. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan iyon ng litrato.
“Mag- aaral ka sa university na yun?” Rining kong tanong niya sa isa naming kasama.
“Oo, mag- aaral ako doon pero mas maganda ba sa school ninyo?”
Bumuntong- hininga ako at uminom ng tubig. Habang umiinom ay nag- vibrate ang cellphone ko. Napangisi ako nang makita ang sunod- sunod na gawain ko. Akala ko ba ay bakasyon, bakit marami pa rin akong gawain? Binasa ko ang mga mensahe na natanggap.
Nawala ang ngisi ko at agad kong kinitkit ang daliri ko. Isinulat ko ang mga kailangang gawin at hinati- hati iyon sa bawat araw. Inaya nila akong mag- laro muli ngunit tumanggi na ako. Naglakad ako papunta sa dalampasigan at pinanood ang sunset na nasa harapan ko.
Inilabas kong muli ang cellphone ko at kinuhaan iyon ng time- lapse video. Nakangiti kong pinanood ang magandang tanawin. Napatingin ako sa mga kasama.
Ibang- iba ang estado nila sa akin. Ibang- iba ang buhay na nararanasan nila kumpara sa akin. Ibang- iba ang kanilang mga kilos at pananalita kumpara sa akin.
Nang matapos kumain ng gabihan ay inilabas ko na ang laptop ko. Napagpasiyahan ko na sa labas na lamang ng hotel gumawa ng gawain para sa school. Inilapag ko ang laptop sa lamesa, at umupo sa harap ng dagat. Ginamit ko ang aking earphones at nagpatugtog ng aking playlist.
BINABASA MO ANG
Horizon (One Shot Tragic Story)
Short StoryHorizon- the line where the sky and land meet