Chapter 5, There was forever in those eyes.

397 12 0
                                    

Synna's Point of view

It's 11:10 a.m. nang makalabas ako ng bahay.

Daming batang naghahabulan sa labas ng bahay namin, dami ding basura na winawalis ng kapitbahay namin na nagkalat dahil sa mga asong gala na kinakalkal ang basurahan. Dumagdag pa sa ingay ang mga nagba-basketball sa court at ang tilaok ng mga manok.

"Ma, alis na 'ko" Bulong ko kay mama habang kausap niya 'yong ahente sa bahay ng ninang kong pinapabenta na.

Ilang hakbang ay nalagpasan ko na sila mama nang marinig ko ang kwentuhan no'ng buyer at kasama niyang lalaki.

"Try mo din i-alok kay Rose kasi konti lang naman gamit nila" Sabi no'ng lalaki.

"Ay nako hindi niya magugustuhan 'yong ganitong environment" Maarte niyang sagot. Puno ng alahas ang katawan, may katabaan at ka-itiman.

"Anong environment po ba ang ineexpect niyo sa squatters area? Kasing tahimik ba sa ilalim ng lupa? At kasing linis at ganda ng Seda Residences sa Makati? HAHAHAHA" Natatawa kong aniya. Kita ko namang nag-ngitian ang mga chismosang nasa labas.

"Pagkano ho ba kasi ang budget n'yo at kung makademand po kayo parang kaya n'yo naman bumili ng bahay sa Village?" Dagdag kong aniya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Huy, Sysy. Magtigil ka nga d'yan" Aniya ni mama, napatingin naman ako sa direksyon nya.

"She speaks rudely and gives off the sense that she's clueless of the squatters' area's environment. Why don't go in Manila and look for a pleasant environment? She piss me off in midday." Tugon ko kay mama, napangisi naman siya sa sinabi ko.

"Ang bastos mo naman, hindi ka ba naturuan ng maganda asal? Hindi naman Ikaw ang kausap pero nakikisabat ka" Irita niyang sabi saka inirapan ako.

Humarap ulit ako sa babae, "Bastos po talaga ako sa mga bastos."

"Tyaka, ate. Hindi ka ba nagtaka kung bakit ang baba lang ng presyo no'ng bahay? Ta's magrereklamo ka kasi maliit lang at 'di kakasya ang mga gamit niyo? Anong gusto mo? 500k na bahay, tatlong palapag?" Tugon ko saka inirapan siya pabalik. Naglakad na ako paalis dahil baka mapaaway na naman ako sa mga taong walang common sense at puro yabang lang ang alam sa buhay. Nakahawak lang ng maliit na halaga akala mo iba na ang level niya.

"Halika na nga! Napakabastos!" Irita niyang sigaw.

"Ah, nga pala. Advice ko lang, tumira ka naman na siguro sa squatters area baka kasi paglagpas mo ng kanto d'yan, wala na 'yang tenga't leeg mo dahil hinalbot 'yang alahas mong hindi naman orig." Dagdag ko saka nginitian siya. Hindi ako papayag na siya lang mang-iinis sa'kin. Dapat ako din.

Sumakay ako ng tricycle papuntang school, ilang sandali lang, nakarating na 'ko. Pagpasok ko ng klasrum, lahat sila nakatingin sa'kin na abot tenga ang ngiti.

"Why?" Tanong ko kay Sev na nagbabasa.

"The gossip spread quicker than splash, just like 5G." Nakangisi niyang aniya saka ibinaba ang libro. Inilapag ko ang bag ko saka umupo.

"Sy?" Tanong niya saka humarap sa'kin.

"Oh?" Tanong ko saka humarap din sakanya.

"What if tayo pala talaga?" Seryosong tanong niya. Tangina, bakit naman nanbibigla magtanong ng ganito 'to? I glance into his eyes as my heart skips a beat once again,. just like on the first day of class. Why on earth are his eyes like this? His eyes are so lovely and sincere that words can't even begin to describe them.

Sy & Sev: Eyes TalkWhere stories live. Discover now