Muntik na akong ma-late sa practice dahil busy kaming naguusap kanina ng kaibigan kong si Adri kasama yung bago niyang girlfriend na si Kali. Hindi na himala sa akin na naging sila dahil halata yung chemistry nila simula noong unang araw pa lang namin sa boot camp nakaraang linggo.
Naglalakad na ako papunta sa locker room para makapagpalit ng jersey, mahigpit pa naman si Coach sa mga hindi sumusunod sa proper attire. Habang naglalakad ako ay para bang may nakita akong tao na medyo pamilyar sa akin, pumasok siya sa loob ng classroom kaya naisipan kong silipin siya roon sa salamin na nasa pinto.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Akira, yung councilor namin sa boot camp na tinulungan akong makabalik sa bahay namin dahil nga wala akong sundo noong araw na iyon. Hindi pa yata sapat yung pagsasalamat ko sa kaniya nung nakaraan kaya nagtangka akong kumatok sa pinto ng classroom.
May isang estudyanteng bumukas ng pinto at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.
"Ma'am! Si Perry! OH MY! FAN NIYO PO AKO!" Masiglang sinabi ng estudyante kaya naman nagpasalamat ako, pero naka-focus lang ang mga mata ko sa babaeng tumulong sa akin noong araw na iyon.
"Who was at the door...Ms. Santiago?"
"H-Hi."
Did I just stutter? Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya kaya inimbitahan ko nalang si Akira sa labas ng classroom. Tumango naman siya at nag-excuse sa buong klase, which meant that she's a teacher here. Small world.
"Why are you interrupting my class, Ms. Santiago?"
"Akira-"
"It's Ms. Lopez to you, we're under the school's roof."
Napayuko naman ako dahil isa nga pala siyang teacher dito at hindi isang camp councilor. "Gusto ko lang ulit mag-thank you, Ms. Lopez."
Narinig kong napahinga nang maluwag si Akira. "Like what I have said before, it was my responsibility, Now, if you'll excuse me, I still have a class to attend to and you...you have a practice."
Para bang lumiwanag ang paligid ko dahil sa huli niyang sinabi. "Thanks. I'll see you soon, Ms. Lopez."
Pagkasarado ng pintuan ay agad din akong tumakbo papunta sa locker room, pero kahit alam kong late na late na ako at lagot na naman ako kay Coach ay hindi ako nakaramdam ng dismaya dahil ngayon alam ko na rito pala nagtatrabaho si Akira, and that only means one thing...
Araw-araw ko siyang makikita.
BINABASA MO ANG
Clover Street: Troubled Love (ONGOING)
RomanceSi Perry Santiago ay sikat sa kanilang eskwelahan bilang isang varsity player. Kasama ang kaniyang co-captain na si Alison Lopez, naipapanalo nila ang halos lahat ng kanilang mga laro. Ngnuit sa likod ng kasikatan ni Perry ay ang nanlulumo niyang pa...