Chapter 02: Storm

1 1 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo rito sa shower room. Mukhang umalis na rin ang lahat ng tao rito kaya naisip ko na walang masama para mag-stay sa loob ng shower room. 

Kanina ko pa iniisip yung mga binitiwan kong salita kay Alison. Bakit ganoon ko lang kadali pakawalan ang pangarap ko? Yung mga pinaghirapan ng Tita ko para lang makapasok ako rito sa school na ito...mawawala lang dahil gusto ko na sumuko?

Napasandal ako sa pader at napakagat sa mga daliri. Why am I even acting like this in the first place? I wasn't like this when my grandparents died, or when both my parents went into a tragic plane accident.

"Sophia, you really did a number on me." Napabulong ako sa sarili ko. 

Napunta naman ang atensiyon ko sa sahig at nakitang malapit na umapaw yung tubig papunta sa labas kaya sinarado ko na ang shower na hindi ko namalayang kanina pa pala nakabukas. Pagkasara ko nito ay nabalot ako ng katahimikan, kahit isang tunog mula sa labas ay wala akong narinig. 

Kinuha ko ang twalya na nakasampay sa pinto at walang gana na pinalibot ito sa katawan kong nanlalamig na. It really didn't bothered me because I am used to showering with cold water. Binuksan ko na ang pinto ng shower room at muntik pa ako madulas dahil sa tubig na natapon  dito sa labas.

"There you are. I was about to call for help-"

"Alison? What are you doing here?!" Napapraning ko siyang tinanong. Did she hear all the words I said to myself while I was in the showers??

"What? Wala akong narinig kungdi yung umaapaw lang na tubig. What took you so long to-"

Hindi nalang ako nakinig sa kaniya at naglakad nalang ako sa harapan niya para pumunta sa locker ko at kunin ang mga extra kong damit. "It's alright. Puwede ka na umuwi baka hinahanap ka na sa inyo."

"But...Fine. I better hope that you show up early tomorrow for our game." Mahina niyang sinagot at naglakad na paalis ng locker room.

Shit, bukas na pala ang final game. I mentally slapped myself para magising ako sa katotohanan. Kapag na-late na naman ako bukas, tatanggalin nila ang scholarship ko dahil isa sa mga pinaka-importanteng laro ang event bukas.

Sa sobrang pag-aalala ko sa kalagayan ko ngayon ay hindi ko napansin ang pagtunog ng cellphone ko. Si Tita Jen pala ang kanina pang tumatawag.

"Yes po, tita?"

"Perry! Anong nangyari?? Bakit tinawagan ako ni Alison at sinabi niyang may nangyari raw..."

That bitch. She always makes a way to make my blood boil. Ano na nangyari sa usapan naming huwag na huwag niyang i-contact si tita in every minorities na nangyayari sa akin??

"Ah, ayon po pala. Huwag niyo nalang po pansinin yung sinabi ni Alison, ta. Pauwi na rin naman po ako." Mahinahon kong sinabi upang hindi na masyadong mag-alala para sa akin si Tita. Ayaw ko pa namang medyo naistre-stress si Tita dahil may mga kondisyon na siyang nararamdaman.

"Buti naman, hija. Sige, tatapusin ko na itong niluluto ko para may makain ka agad."

Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi ni Tita. "Salamat po, Tita."

Ibinaba na niya ang tawag at napahinto muna ako nang saglit. What happened earlier was just one of my episodes. Tomorrow, hindi na dapat ulit 'yon mangyari dahil gusto ko ulit maipanalo ang team namin. 

All of these are for you, Mom and Dad.

Clover Street: Troubled Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon