A light piece.
Not a love story,
but a story about love.---
Simula
Whatever happens, happens.
But.. have you ever ask yourself, what will you do after it happens?
Anong magandang gawin para sa bagay na hindi pinaghandaan? Kung hinayaan lang natin ang mga bagay-bagay at nagpadala lamang tayo sa agos ng buhay, anong mangyayari?
What should we do?
"Nasaan ang asawa mo, hija?" tanong ng isang tindera nang ako ay mapadaan ako sa tindahan nya.
"Nasa bahay, ho.."
Ngumiti na lamang sya at nagpatuloy sa pagtawag ng mga mamimili. Nandito ako ngayon sa palengke para bumili ng mga pangangailangan namin sa bahay.
Marami na ang nakapagtanong kung nasaan ang asawa ko dahil siguro nasanay sila na kasama ko sya sa tuwing mamamalengke ako.
Habang namimili ako, I felt someone tugging at my hand.
It was a kid. A girl.
Ngumiti ako, "Hi."
"Pang-kain lang po," nilahad nya ang maliliit nyang kamay sa harap ko.
"Halika, papakainin kita."
Ngumiti sya at tumango. Agad syang humawak sa kanang kamay ko kaya't mas napangiti ako.
Dinala ko sya sa isang maliit na kainan dito sa bayan. Nginingitian ko ang mga nakakasalubong dahil halos lahat sila ay kilala ako. Sa maliit na isla na ito, hindi maiiwasan na maging magkakilala na ang lahat.
Masyadong maliit ang isla para hindi mo matandaan ang mga mukha at pangalan ng iba.
"Ate, kayo po ba 'yon?" tanong ng bata habang kumakain. Tinuro nya ang isang lumang poster sa likuran ko. Napangiti ako nang mapait sa nakita.
It was our group photo. Kinuhanan ito halos pitong taon na ang lumipas. I was 24 years old back then. Isa ako sa mga volunteer para sa fiesta dito sa aming bayan at ang litratong ito ang isa sa mga in-organisa namin noon ng aming grupo. Luma na ito at halos mabura na ang mga mukha namin. Mabuti at nakasabit pa nga ito dito sa maliit na kainan. Hindi pa pala naitapon.
Napawi ang ngiti ko nang may mapansin akong pigura sa bandang likuran. Kung titignan ang litrato, wala namang makakapansin sakanya. Ngunit dahil kilala ko ang tindig nya.. nakita ko sya.
He was there.
"Ate.. Ayos lang po ba kayo?"
Napaayos ako ng upo, "H-Ha? Oo naman!"
Ngumiti lamang sya at nagpatuloy na sa pagkain nya. Maya-maya lamang ay natapos na rin sya. Busog at malaki na ang ngiti nya.
"Sa susunod, huwag ka basta-basta sasama sa hindi mo kakilala." pangangaral ko pa.
"Eh, Ate.. paano po yung pagkain na ibibigay nya?"
BINABASA MO ANG
live with you
Non-FictionA man seeking peace. A woman who is at peace. Both of them in a small island far from suffering and reality. What will happen? One thing is for sure-- this is not a love story, but a story about love.