Tumunog na Ang bell hudyat na recess na. Kumukulo na Ang tiyan ko pero nasasayangan akong gastusin Ang natitirang 30 pesos dahil alam Kong Minsan lang Ako bigyan Ng Pera ni mama.
"Tania gusto mo sama tayo Kay ate Ketchie mamaya dun sa may tabo-tabo?" Tanong ni Karen.
"Bakit Naman? Anong gagawin natin dun?"
"Tulong tayo magbenta Ng kendi sa paradahan tsaka magpunas Ng mesa sa tabo-tabo"
"Sige" malaking tulong na siguro Yun.
Kahit kumukulo Ang tiyan ay di na Ako nag recess at pinagpatuloy Ang buong araw na tubig lang Ang panlaman tiyan.
Nang sumapit ang hapon ay dali-dali kaming lumabas ni Karen para Hindi mapasama sa mga cleaners. Kahit Naman naka with honor Ako ayaw ko paring maglinis Ng classroom. Maiiwan Kasi Ako Kasama Sina Mabelle kaya wag nalang.
"Daanan nalang natin si ate Ketchie sa bahay nila" suhestyon ni Karen.
"Sige,pero paano kung Hindi Tayo isama ni ate Ketchie?"
"Hindi Yan! Isasama niya tayo no. Tsaka mabait Yun kaya alam ko na maawa sya saatin" Taas noo niyang Sabi at tinapik tapik Ang kanyang dibdib.
"Sigurado ka ha?"
"Oo Naman tsaka si Lenlen nga dati nagpunas lang Ng mesa sa tabo-tabo e Meron na kaagad upa"
"Kung sabagay". Pinagpatuloy namin Ang paglalakad. Maga-alas kwatro na Ng hapon kaya Naman ay mainit parin sa daan.
Habang naglalakad ay Nakita namin Ang magpipinsang Joaquin,Alvino,at Haniel na papaalis na at may nakahandang kotseng naghihintay sa kanila. Biglang napatingin sa Gawi namin si Joaquin, kaya Naman napakunot Ang noo ko sa kanya.
Kanina pa'tong lalaking to ah?
Kanina pa sya napapatingin sa Gawin namin. Nung recess, lunch break tsaka Nung may inutos si ma'am samin ni Karen kanina. Di kaya type nito si Karen? Ay ewan.
"Tignan mo oh"turo ni Karen sa magpipinsan. "Ang po-pogi na nga tapos may kaya pa. Kailan kaya tayo aangat sa buhay no?"
"Malapit na wag ka lang masyadong atat".
"E Kase Naman pangarap ko talagang yumaman."
"Ako din Naman, sino bang Hindi"
"Tsaka pinapangarap ko yang si Haniel"
"Pinapangarap mo nga pero Hindi Naman Ikaw pinapangarap"
"Teka nga" pigil niya sakin kaya huminto kami sa paglalakad. "Bakit ba Ang pilosopo mo Ngayon?"
"Hindi Yun pamimilosopo kundi katotohanan. Tsaka ano ka ba grade 4 palang tayo tapos kung ano-anong pangarap na yang pinagsasabi mo" pinagpatuloy ko na Ang paglalakad at tsaka humabol siya sa akin.
"Alam mo dapat suportahan mo nalang Yung kasiyahan ko"
"Suportahan? Pano kung may nakarinig Sayo tapos sabihing ke-bata Bata mo palang e crush crush pinagsasabi mo? Edi sinabihan Kang malandi?" Narating na namin Ang gate.
"Crush lang Naman tsaka bat ba Ang nega mo?"
"Kase kailangan Kong maging matured! Nagprapractice akong maging matured"
"Hmp! Basta Ako crush ko si Haniel"
"Bahala ka"
Lumabas na kami Ng gate kung saan ay papaalis na Ang sasakyan Ng mga magpipinsan. Dineretso namin Ang lakad Hanggang sa makapunta kami sa bahay ni ate Ketchie. Doon ay sinabi naming sasama kami para may pagkakitaan at pumayag Naman sya.
YOU ARE READING
Cross the Line
RandomWill someone love a broken and shattered soul? Will someone console you and cross the line just to save you? It's hard to know but just wait and see if he'll cross the line