01

12 2 2
                                    

"I'm Alexandra Nicole Dela Vega , 17 and I love painting and sketching. And I'm a swimmer.

Pagkatapos kong magsalita sa harap ay agad akong bumalik sa kinauupuan ko dahil naiilang ako kapag pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid.

"Thank you Alexa! Agad na sabi ni ma'am at pumunta na sa desk nya sa harap at nagsimulang magsulat ng schedule namin sa board.

Kinuha ko na agad ang notebook ko at nagsimulang isulat ang schedule na nakalagay sa whiteboard. Nang bigla akong natamaan ng tumalsik na ballpen sa paa.

"Oh shet sorry ate apaka gulo kase netong katabe kong parang si Jollibee"
Mahinang sabi nya. Agad naman syang tumayo sa kinauupuan nya at pinulot ang tumalsik na ballpen sa tapat ko.

Walang naging reaction sa mukha ko hindi ko sya nginitian, tinignan ko lang sya nang saglitan.

Habang tinutuloy ko ang pagsusulat, napapansin ko parin na  pabalik balik ang tingin nya sa akin dahil sa peripheral vision ko.

Hindi ko maitatanging maganda sya.
Hindi ako madaling magandahan sa isang babae lalo't kapag hindi naman pamilyar sakin pero sa unang tingin ko sa kanya namangha ako sa ganda ng mga mata nya at ngiti nya.

"Dismissed". Maaga nag dismiss si ma'am dahil first day of classes palang naman puro orientation, class rules at mga schedules lang ang nangyari.

Nagsialisan na ang mga kaklase ko as usual ganyan naman halos lahat ng estudyante kapag dismissal na, inoorganize ko pa ang loob ng bag ko dahil gulo gulo na at ayoko non. Inilabas ko ang cellphone ko at nagsalamin lang para icheck ang itsura ko baka haggard na.

Tumayo na agad ako at sinukbit ang bag ko sa likod ko at naglakad na papalabas ng room. Pag lagpas ko sa may doorknob biglang...

"Aaahh ouchie" humawak sya sa balikat nya sa sakit ng impact ng pagkakabunggo nya sa akin.

Oo, sya nanaman. Kanina ballpen na tumalsik ngayon naman sya na tumalsik sakin! Haynako oo maganda nga sya pero nakakainis actions parang basta basta lang e.

"Hala! ate hi ulit ... Sorry talaga" nag peace sign pa talaga sya at naka ngiti pa, tinignan ko lang sya na para bang tagos na sa kaluluwa nya, ngayon nalang ulit ako napikon nang ganito.

Nilagpasan ko nalang sya, babalik ata sa room mukhang may naiwan e well feeling ko lang naman at ano bang paki ko kung anong pakay nya doon.

Nang pababa ako ng hagdan nakasabay ko sya, bakit ba lagi kaming nagkakatagpo nakakainis naman e!! May pagka bagal akong maglakad at kumilos kaya siguro nagkakaabutan kami kahit saang parte pero pati ba naman sa pagbaba?

Napalingon ako sa kanya dahil sa hikbi na narinig ko , bumagal ang paghakbang ko at patuloy na nakatitig sa kanya.

bakit ka umiiyak? Mahinang sambit ko.

Tumingin sya sa akin habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata nya gamit ang likod ng kamay nya.

"Ah kasi nawawala cellphone ko, kaya ako bumalik sa room nagbabakasakaling baka andun nahulog ganon." Nanlalambot na sabi nya.

Hindi na ako nakasagot pagkatapos nyang sabihin ang dahilan, dinukot ko sa bulsa ko ang handkerchief ko at lumapit nang kaunti sa kanya para iabot. Nakangiti syang tinanggap ang  panyo ko.

"Thank u gorg!"

Nakababa na kami sa first floor at palabas na din ng gate binati naman kami ng school guard at sinabing "ingat wonderpets!" Wth!! Mukha ba kaming character sa wonderpets kuya guard! Napatawa naman sya sa likod ko, gusto ko sanang tanungin pangalan nya kaso wala pang tyempo para doon.

"Uhm una na ako ah dito kasi yung daan ko pauwi!" Ngumiti nalang ako sa kanya at sinundan parin sya ng tingin hanggang sa makasakay sya sa tricycle. Natanaw ko na din si kuya anton sa may tapat, nang nag green na ang stop light tumawid na ako.

"Hi ma'am akin na po yung bag nyo"
Inabot ko na kay kuya anton ang bag ko at sumakay na ako sa backseat, nilagay naman nya sa tapat ko ang bag ko kaya inabot ko ito at kinuha ang phone ko sa loob.

"How's your first day ma'am ? "
Tinanong nya ako habang iniistart nya ang sasakyan.

Okay naman kuya wala namang bago.
Matamlay kong sabi sa kanya. Kahit naman nasa ibang school nako bumabalik parin sakin yung sakit na iniwan ni Clarence. Wala akong balak makihalubilo sa iba kung hindi naman kailangan, natatakot akong maiwan muli.


.

The Rainbow in the Cloudy SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon