02

9 2 1
                                    

Nakarating na agad kami sa bahay dahil wala namang traffic , mabilis ngunit maingat naman magmaneho si kuya Anton pinagkakatiwalaan na namin sya kasi limang taon na syang nagseserbisyo samin as our driver.

Pagka bukas ko ng pinto sinalubong agad ako ng aso ko na si Cinnamon, sumampa sya sa legs ko at agad ko naman syang binuhat para halikan, nakakatuwa 'tong si Cinnamon dahil mabilis matuto sa mga tricks na tinuturo ko sa kanya. Binaba ko na sya at tinesting ko kung natatandaan pa nya ang tricks na itinuro ko.

"BENG BENG!" Agad namang humiga at pumikit si Cinnamon nang marinig ang sinabi ko, labis na nakakatuwa 'tong bebe corgi ko, nagiging escape ko sya sa realidad.

Pagkatapos non ay hinayaan ko muna sya sa Sala para maglaro, umakyat na agad ako para mag ayos ng sarili.

Pagpasok ko sa kwarto ko bumungad nanaman sakin si panpan ng we bare bears na regalo ni Clarence sakin noon, hindi ko alam bakit hindi ko matapon tapon 'to hindi dahil may sentimental value kundi favorite ko lang talaga si panpan pero yung nagbigay hindi.

Binaba ko na ang bag ko sa gilid ng kama ko at nagbihis na ako , I'm just wearing a black dolphin shorts and black fitted sando at itinali ko lang ang buhok ko and it turns to be what they called "messy bun".

Naupo lang ako sa study table ko para mag check ng social media ko baka mamaya kasi may importanteng nag chat o kaya ng dm.

"Hi ate
"Tenks sa pa panyo mo
"So bango!
"Amoy baby
" Ko
"Chariz!!!!!
" Lalabhan ko muna 'to tapos iaabot ko nalang bukas hehe!

Nagulat ako nang makita ang pitong messages nya sakin sa messenger, nagulat ako kasi ngayon nalang ulit ako nakakatanggap ng ganito simula nung nag deact ako for 2 years.

"Amber Stephanie Jones "

Ahhh amber, okay amber moments
Bagay sa kanya ang pangalan nya bagay sa ganda nya. Inistalk ko lang sya saglit at hindi naman pala post ng mga pictures unlike me before na puro selfies and all. She's like a quiet type of person sa socmed nya ah pero kabaliktaran naman sa personal hays.

Hindi ko na sya nireplyan dahil ayoko. Ang importante naseen ko na para alam nyang nabasa ko naman, tyaka wala akong paki kung isipin man nyang snobber ako. Naawa lang ako sa kanya kasi nawalan na din ako ng gadget dati laptop pa nga kaya alam ko yung pakiramdam.

"Psst ganda ?
"Rosas ka ba?
"Kasi sa spaceship isasakay kita
"B00M

Hay. Nag pop up nanaman ang mga messages nya sakin ano bang gusto netong babaeng to este Amber. Hindi ko na clinick pa ang mga nagppop up at binitawan ko na ang phone ko para mahiga.

Ang sarap sa pakiramdam kapag nasa labas ka maghapon tapos hihiga ka bigla sa kama aaa nakaka relax. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko at hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Apat na taon , sa lungkot at saya kasama kita, pero bakit ngayon ako nalang mag isa? 

Paulit ulit kong naaalala ang lahat kapag mag isa lang ako, lahat bumabalik sa isipan ko, nararamdaman ko nang paulit ulit yung sakit , maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko , mga tanong na hindi man lang nya sinagot nang maayos bago nya ako iwan, punyemas na lalaki yun.

Pinunasan ko ang luha ko at tumagilid ng higa. Niyakap ko nang mahigpit si panpan at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Anak kain na!

Nagising nalang ako nang marinig ko ng boses ni mommy mula sa ibaba nakauwi na pala sya galing sa office , napasarap ata tulog ko dahil hindi man lang ako naalimpungatan sa tunog ng gate.

Bumaba ako at sinalubong ako ng halik ni mommy sa pisnge.

"Anak tikman mo ang kare kare ko diba favorite mo 'to inimprove ko na yan with so much love ni mommy para sayo!". Nakakatuwang pakinggan si mommy kung paano sya magsalita sa akin na para bang nagkukwento sa  isang kinder na anak. Hayst mommy grade 11 na ako lagi mo nalang akong tinuturing na baby.

Umupo ako sa dining chair at agad na kumuha ng kain at ng improved kare kare ni mom. Pagka subo ko, nagulat ako dahil oo ang sarap talaga, at nakatingin lang sakin si mommy nagiintay ng sasabihin ko.

"Ano anak??

So good mom good job! , Pagpupuri kong sabi sa kanya, ngumiti ito at sinaluhan na ako sa pag kain.

Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan lang kami saglit ni mommy pagkatapos non , nagpaalam na akong aakyat na sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto nag wash up na agad ako at nag skin care, pagkatapos ay nagbihis na ako ng pantulog na damit, kinuha ko na ang phone ko sa study table ko at humiga na ako sa kama. Best feeling ever!.

Nag scroll lang ako saglit sa TikTok para maaliw at puro good vibes naman ang napanood ko. Napagpasyahan ko nang matulog dahil iniiwasan ko nang magpuyat.

"Good night ganda see u tom! "

From Amber again. Hinart ko lang ang message nya at chinarge na ang phone ko. Sinet up ko lang din ang warm lights at aircon para sa comfortable na pagtulog ko.


.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rainbow in the Cloudy SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon