VIVA HOT CHIKABABES 🔥
10:45 PM
Emma:
Shutangina
Anong nangyayari?
Sinong admin don sa ECU Confessions?
Drie:
Oh no di ko kilala kung sino
I'll ask sa student council
Ry:
Kaya bang i-turn down yung post na yun?
20 minutes pa lang naman nakakalipas
Chie:
ang daming nagrereshare amp
pano gagawin
oks ka lang ba bebe @Mesha
Emma:
Tanga pano yan magiging okay
e puro hate comments at messages
natatanggap nyan
Iblock mo lahat
Or magdeac ka muna ng FB
Mesha:
Bakit kailangan kong magdeac?
Wala naman akong kasalanan
Di naman talaga ako kabit
Ry:
Pero yun ang kumalat sa tao
Anong sabi ba ni Vance sa issue?
Mesha:
Hindi nagrereply
Wala ding seen
Emma:
Tangina nung Sonia
Nagname drop eh fake news naman
Chie:
yun talaga goal niya
ang mabash si mesh
Ry:
Napakadali talaga sa mga tao
gumawa ng issue
Drie:
Report na natin to sa SAO @Mesha
Emma:
Nareport ko na rin
Waiting lang sa admin
para iturn down post
Mesha:
Thank you sa inyo
Mesha:
Idk what is happening to me rn
Deserve ko ba tong hate comments
Masama ba akong tao? Haha
Drie:
NO BABE
You didn't deserve this
People are so cruel
Mesha:
Hanggang ngayon hindi pa rin ako
naniniwala sa sinasabi ng Sonia na yun
Kasi alam kong totoo sakin si Vance
At hindi niya magagawa ang bagay na yun
I'm just waiting to talk to Vance
Mesha:
Pero tangina
Sobrang nakaka-anxious
Ayoko ng ganitong feeling
Para akong sinasaksak sa sakit
Pinipilit kong tatagan ang sarili ko
kasi may tiwala ako kay Vance
Pero pano nga kung totoo?
Makakaya ko ba?
Tanginang yan
Emma:
Gusto kong sabihin na
wag mo masyado yang isipin
pero hindi naman maiiwasan e
Na-try mo na ba tawagan si Vance
O puntahan sa kanila?
Mesha:
Wala akong lakas
At mag-aalas onse na ng gabi
Emma:
Gusto mo samahan kita?
Para masagot na yang mga tanong
sa isipan mo? For your peace of mind?
Ry:
I think that's a good idea
Kausapin na agad para magkaliwanagan
Chie:
puntahan niyo ba sa bahay niya?
Emma:
Oo, pasama tayo kay Othie?
Mesha:
Gising pa ba yun?
Ry:
I-contact ko
Pero sure kang kaya mo @Mesha?
Nandito lang naman kami para alalayan ka
Mesha:
Basta alam kong nandyan kayo
sa likod ko, kaya ko
BINABASA MO ANG
When He Lied (VHC #3)
Teen Fiction[COMPLETED] Tourism student Mesha Austria almost flunked her grades after a devastating break-up with her ex, so she asked for the help of her indifferent yet smart block mate, Vance Earl Magahis, to pass her subject. VHC #3 | an epistolary #WHL
