Chapter-I

19 3 0
                                    

Please vote, comments and share this story thank you !

÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷

Unknown POV

Minamasdan ko sila sa di kalayuan habang maayos na nag-uusap.

"Nandito kana pala?" Masayang sabi nya sa kausap nya.

"Oo kani-kanina lang dahil nagkaroon ng traffic congestion sa daan eh"  halatang pagod at  animoy hinahanap ang higaan nang magsalita ang isang babae na natatakpan ang mukha dahil sa sumbrero.

"Osige mag pahinga ka na muna at pagod ka sa biyahe" halatang may sinseridad sa kanyang sinabi.

Hindi na ako nag tagal at umalis na rin ako sa kinatatayuan ko

'nandito na pala ulit s'ya'

bulong ko sa aking sarili.

Pag dating ko dito sa aking bahay ay ginawa ko na agad ang plano.

Xavier's POV

'Eto ang araw ng interview ko kaya sana maayos yung mga sagot na masasabi ko mamaya'

Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad sa harap ng building na kung saan ay iinterview-hin ako

Pagpasok ko palang dito sa building maynakita akong security guard

"Good morning Sir, Blind-audition ko po ngayon sa ang room po ako pwedeng pumunta?" Bungad kong bati at tanong sa manong guard

"Daretsohin mo yang hallway tapos lumiko ka tapos may tatlong pintuan dyan pasok ka dun tapos may hallway ulit pangalawang pinto yun na yun"  pagkakaturo sa akin ng manong guard
"Naintindihan mo ba yung sinabi ko iho?
Dagdag pa nya

"Naintindihan ko naman po, Maraming salamat po!" kumpiyansa akong umalis ng may ngiti sa labi dahil excited na ako sa interview ko

Sinimulan ko na ang paglalakad at nakita ko naman ang isang pinutuan na itinuro saakin ng security guard.

"Aray! Ano ba naman yan hindi mo tinitignan ang dinadaanan mo!" Sabi sa akin ng isang babae na sa unang tingin ay parang binagsakan ng langit at lupa sa sobrang pagkalukot ng kanyang mukha dahil sa inis.

"Sorry po maam sorry po!" Pagpapaumanhin ko at sabay pulot sa nalaglag na papel.

"Sa susunod na maglalakad ka dito tignan mo ang dinadaanan mo! Para hindi nangyayari ang mga ganitong kaganapan! Nag mamadali kaya ako" halatang galit etong si manang dahil sa tono ng kaniyang boses.

Agad naman kaming nagkahiwalay dahil siguro narin naghahanap ako at sya nagmamadali rin,

'mukha importante nga siguro'

Sabi ko nalang sa sarili ko

Nakarating na ako dito sa tinuro sa akin ni manong guard pero nakalimutan ko yung pintuan kung pang-ilan hays. Mukhang malelate na rin ako dahil sa nangyari kanina kaya pumasok nalang ako dito sa unang pintuan.

"Good morning po dito po ba yu--" putol ng isang lalaki na nag me-make-up sa isang babae

"Ang tagal mo naman! kanina pa kita hinahantay, halika dito't tulungan mo ako para matapos na itong si Bea" bungad sa akin ng isang nag memake-up sa isang babae na hindi ko kilala. "Ito oh! Ikaw sa buhok at ako naman dito sa make-up, marunong ka naman siguro sa buhok diba?!" May halong inis at galit yung make-up artist ng babaeng nakaupo na tinatawag nyang Bea.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya tango nalang ang ginawa ko.

Inilapag ko ang mga gamit ko at nag simulang ayusin ang buhok ng babae

Curly na medyo angat ang buhok ang ginawa kong ayos sa buhok ng Bea . Bagay kasi. dahil mabuti nalang at may alam akong kaunti sa pag-aayos ng buhok dahil may salon ang kapatid ko.

Nang matapos na namin si Bea ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may hawak na box ng plantsa sa buhok. Malaki ito kaya makikita agad kung anong itsura ang nasa loob ng kahapon.

"Ikaw sino ka?" Tanong ng make up artist na kasama kong nag-ayos kay Bea.

"Ikaw po ba si sir Gilbert?" Tanong ng lalaki na pumasok

"Oo ako nga, bakit?" Mabilis na sagot at tanong ng kasama kong make up artist

"Ako po yung pinapunta ni sir Wilbert para daw po tulungan kayo" sabi nya kay Gilbert ba yun? Basta itong kasama ko.

"AY ANAK KA NG TOKWA, EH IKAW SINO KA?" nanlaki ang mata nyang tumingin saakin na tila kakainin ako.

"Ako po si Xavier Mendez isa po ako sa sasali ng Blind-audition para sa Announcer today  kaso mukhang maling pinto po ata napasukan ko" mabilis kong sabi at agad namang nanlaki ang mata nitong si sir Gilbert dahil mukhang napagtanto nya na hindi dapat ako dito.

"Kabilang room yun! Anak naman ng tokwa hindi ba sinabi sayo ng guard sa entrance ng building?" Halatang inis nyang sambit saakin

"Hindi naman po sa ganon, nasabi naman po ni manong guard pero nakalimutan ko po kung pang ilan na room hihihi" explain ko kay sir Gilbert.

"Pumunta kana dun sa kabila at malapit nang mag simula yung Blind-Audition! Jusko ka hindi ka pala dito eh at ikaw kanina pa kita hinahantay ang tagal mo tapos na naming ayusan si Bea!" sabi nya saakin

"Sorry po sir"  sabi ng lalaking pumasok.

"Salamat po alis na po muna ako" sabi ko naman habang palabas ng pinto na nakayuko.

'shit kabilang pinto nga pala yun'

Sabi ko sa sarili ko habang pailing-iling na naglalakad sa kabilang pinto.

"Good morning po... Dito po ba yung sa interview?" Magalang na sabi ko sa mga nakapila

"Ay oo dito yun may number kana ba? Punta ka dun hingi ka number at magparegister ka na rin para sa blind-audition" sabi ng babaeng nakapila

"Salamat po" ayan nalang nasabi ko at kumuha ng number at mag pa register

#49 ayan ang number ko sa pila

"Magsisimula na ang Blind Audition in just few minutes, get ready for..." Announce saamin ng lalaking naka mega phone hindi ko na maintindihan kasi may halong kaba ako ngayon.

'Araw araw ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka
Sa tabi ko o aking giliw di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na
Ikaw ang tanging inspirasyon
At basta't nandito ka ako'y liligaya
Dahil sa'yo ako'y matapang
Dahil sa'yo ako'y lalaban
Para sa'yo pagmamahal na walang katapusan
Dahil sa'yo merong pangarap
Pagmamahal ko sayo'y tapat
Para sa'yo pagmamahal na higit pa sa sapat
Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo sinta
At basta't nandito ka ako'y liligaya woh'

Biglang tumugtog ang kanta ni Iñigo Pascual kaya medyo naging okay ang pakiramdam ko.



End of chapter I
=======================================

Comment and vote nyo'to haha

Share nyo na din para masaya diba?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My First And LastWhere stories live. Discover now