KABANATA 5

151 13 0
                                    

Lucca's POV

Marami nang tao sa Pamilihang Bayan pinarada ko ang pick-up ko sa dulo ng parking lot na nirereserve ng mga tao para daw sa akin.

"Lucca! Tinanghali ka ata?" masayang bungad ni Jamaica habang isa-isa kong binababa ang mga dala ko.

"Ah. Oo. Medyo ginabi na kasi ako kagabi kaya tinanghali na ako."

"Tulungan na kita." nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko para kunin ang basket ng mga gulay na ibinababa ko. "Baka isinama mo ang Girlfriend mo kaya ka napuyat." may halong pagtatampo sa boses nito.

Ramdam kong gusto ako ni Jamaica pero ayaw kong maging unfair sa kanya isa pa wala pa sa isip ko ang manligaw masyado pa akong abala sa pagpapatakbo ng Wanda's Resort ni Papa pati sa pag-aaral ko at lalong hindi ako nagmamadaling magkaroon ng Girlfriend.

"Salamat na lang Jamaica pero kaya ko na ito." tanggi ko pero kinuha pa din nito ang basket.

"Asus nahiya ka pa sa akin. Sabi nga pala ni Papa bibilhin daw niya lahat ng Manok mo."

Nasorpresa ako sa sinabi niya. Bakit biglang-biglang lahat ata bibilhin ng Tatay nitong si Jamaica. "Ganun ba? May handaan ba sa inyo?"

"Wala. Sinabi ko lang kasi kay Papa na bilhin niya lahat ng tinda mo para makabalik ka kaagad ng Resort mo alam mo namang ayokong napapagod ka diba." may pagmamalaki niyang sagot Anak ng Mayor si Jamaica at lahat nang gusto niya sinusunod ng Tatay niya.

"Ah. Okay kaso hindi mo na dapat gawin yon—."

"O eto na ang bayad ko pati yang mga gulay mo bibilhin ko na din." dagdag pa nito.

Magkakilala na kami ni Jamaica simula mga Bata pa kami masasabi kong para ko na siyang Best friend kaso mukhang iba ang gusto niyang mangyari. Maganda siya, s*xy, morena at malakas ang s*x appeal lahat halos ng lalaki dito sa Lugar namin e nahuhumaling sa kanya maliban sa akin, hindi kasi talaga ako interesado sa kanya.

"S-sure ka? Ang laki ng ibinayad mo sa akin ah?" iiling-iling kong sagot.

She gave me her most precious smile and wink at me. "Yes!"

Napailing na lamang ako bago ko kinuha ang bayad nito. Isa-isa na naming kinarga sa pick-up na dala niya ang mga produkto ko meron siyang kasamang dalawang tauhan tinulungan ko na sila para mas mapadali ang pagkarga nila.

"O, yan okay na. Ang bilis natapos!" masayang turan ni Jamaica.

Nagpagpag ako ng mga kamay ko pati t-shirts ko. "Salamat nga pala sa pagpakyaw ng mga produkto ko ha alam mo naman kailangan kong kumayod para may pandagdag sa Resort."

Natigilan ako ng punasan ni Jamaica ang pawis sa noo ko gamit lamang ang kanyang mga palad. "Kaya gusto kita kahit noon pa kasi napaka responsable mong tao."

Hindi ako naka-imik. Si Jamaica lang ang namumukod tanging Babae na nakakakilala sa akin ng lubos ang iba kasi gaya ni Fatima ang tingin sa akin ay isang basagulero at sakit sa ulo. Matagal ko siyang tinitigan hinahanap ko mula sa kaloob-looban ng pagkalalaki ko ang salitang 'gusto' pero wala talaga o baka hindi pa lang ako handa sa isang Relasyon.

Bahagya akong umatras para iwasan ang mga palad nito. "Salamat uli. Sige babalik na ako sa Resort."

"Lucca. Pwede ba akong pumunta sa Isla?"

Napangiti ako. "Oo naman bakit hindi—."

Pero hindi ko inaasahan ang isinagot niya.

"Okay! Sama ako sayo pagbalik sa Resort!" excited siyang umangkla sa braso ko. Tipid ang ngiting isinagot ko sa kanya, nakakakuha na kasi kami ng atensyon ng mga taong nagbebenta at bumibili dito sa Pamilihang Bayan at isa pa may inaalaga ang Reputasyon si Jamaica bilang Anak ng Mayor ng Bayan namin.

"Ay akala ko ba pwede akong pumunta sa Isla e bakit parang ayaw mo ata?" nakanguso niyang sambit  ganito lagi siya kapag naglalambing. Sabagay ngayon lang uli kami nagkita medyo busy kasi talaga ako.

Natawa ako saka ko marahang pinisil ang pisngi nito. "Okay. Tara na nga baka umiyak ka pa diyan eh."

Para siyang batang naglululundag habang nakakapit sa braso ko. Naiiling na lamang ako habang natatawa. Ang alam ko masmatanda ako sa kanya ng isang taon lang naman. Nagpaalam muna siya sa mga kasama niya saka kami nagtungo sa pick-up ko.

***

Tanghalian na nang makabalik ako ng Resort. Kasama ko na si Jamaica. Ipinarada ko sa parking lot ang dala kong Sasakyan.

Aba medyo marami kami ngayong bisitang Turista ah. Masaya akong napabuntong-hininga inilang hakbang lang ni Jamaica ang kinatatayuan ko saka muling umangkla sa braso ko at sabay kaming naglakad papasok ng Resort.

Binati kami ng ilang mga Empleyado ko kilala nila kung sino ang Babaeng kasama ko. Masaya naman silang binati ni Jamaica.

Dumeretso kami sa Speed boat.

"O dahan-dahan lang ha." inalalayan ko itong makasampa at baka mahulog malalagot ako sa Tatay niya.

"Asus parang hindi naman ako sanay kung makapagpaalala ka ah."

"Jamaica, masmaganda nang pinapaalala ko sayo baka kasi matalisod ka sugurin pa ako dito ng Papa mo. O di maiiskandalo ako. Masmaganda ng nag-iingat."

Ngumiti ng pagkalaki-laki si Jamaica.

"Bakit ganyang ka makangiti ha?" tanong ko.

Umiling naman ito. Saka may kinapa sa bulsa ng suot niyang pantalon.

"Bakit? May makati ba?" tanong ko uli.

"Wala. Tara na sumampa ka na nagugutom na ako e." reklamo nito.

Natawa ako. "Okay, sasampa na po." pumuwesto ako agad sa manibela ng Speed boat pagkasampa saka ko iyon marahang pinaandar. "Ano nga palang gusto mong kain sa pananghalian?"

Nakaupo lamang ito. Alam kong natatakot siya pano hindi siya marunong lumangoy talagang naglakas loob lang siyang sumama dito.

"I-ipagluluto mo ba a-ako?" nanginginig niyang tanong.

"Yup! Bisita kita eh." sabay sulyap ko sa kanya. Hatalang napilitan lang siyang ngumiti kahit na namumutla na kaya hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya.

"B-bakit ka natatawa?"

"Wala. Ang cute mo pala kapag namumutla ka. Para ka na kasing iiyak e." pang-asar ko.

"Cute talaga ako Lucca! Bakit ngayon mo lang ba napansin?"

Lalong lumakas ang tawa ko. "Wow! Ang yabang naman oh. O di WOW!"

"WOW talaga! Bakit nai-inlove ka na ba sa akin Lucca?!" excited na tanong nito.

"Ha? Inlove ka dyan. Mga Bata pa tayo isa pa mag-aral ka muna bago yung love thing na yan. Sige ka mapapagalitan ka ng Papa mo."

Sumandal ito sa kinauupuan at humalukipkip. "Ikaw lang naman ang gusto ko Lucca. Ayaw mo ba sa akin?"

Pinatay ko na ang makina ng Speed boat ko. "O andito na tayo, tara baba na tayo. Magtitinola na lang ako para sa pananghalian natin."

Hindi ko talaga sinagot ang tanong na yon ni Jamaica ayokong makasakit ng damdamin ng iba lalo at Babae sigurado ako na mapapagalitan ako ni Mommy at ni Daddy kapag ginawa ko iyon.

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now