"Valeria." Tawag uli sa pansin ko ni Clerk, ang kasintahan ko.
Kanina pa kami nandito sa cafe ng kaibigan niya. Well, wala naman kami dito kung matino ang trato niya saakin nitong mga nag daan na araw. Napudpod lang talaga ang pasensya ko dahil hindi niya ni rereply-an ang chat ko. Mabuti sana kung isa o dalawang araw na walang update update, aba si gago umabuso, hindi ba naman ako kausapin ng dalawang linggo.
Isa pa, sampung beses na akong dumaan sa bahay nila pero wala siya doon. Sinasabi lang parati ng nanay niya na wala doon ang anak niya. Kaya nga sa kanya ako lumapit dahil malaki ang posibilidad na alam niya ang pinaroroonan ng anak niya, pero hindi, o tinatago lang saakin.
"VAL!" Sigaw niya.
Tapos ngayon sinisigawan na niya ako. Tingnan niyo nga naman, iba talaga pag matagal na ang relasyon.
"Val, ano ba? May sasabihin kaba?"
Bakit naakto siya na parang wala siyang kamuang-muang sa kasalanan niya?
"Tangina, tititigan mo na lang ba ako buong araw?" Napipikon na aniya.
Ewan ko bakit siya ba may ganang magalit sa oras na ito.
"Bahala ka sa buhay mo." Bulong niya at agad na tumayo sa inuupuan namin.
"Wait, gusto sana kitang makausap tungkol sa pinaggagawa mo nitong mga nakaraang linggo." Paliwanag ko habang hawak hawak ang braso niya.
Mabuti naman at umupo siya uli.
"Ano? Sabihin mo na."
Hindi na nga namansin sa chat ang cold pa sa personal.
"Bakit hindi ka nag rereply saakin? o tawag manlang?" Ani ko sabay higop ng kape.
"Busy ako." Napakunot ang noo ko sa sagot niya.
"Gaano ba kahirap pumindot sa cellphone mo? At ano naman ang pag kakabusyhan mo? Bakasyon ngayon at wala ka namang trabaho, Clerk?" Kuwestyon ko sa kanya.
"Ano bang pakielam mo?" Natameme ako saglit sa sinabi niya bago tumawa.
"Talaga? Anong pakiealam ko? Gago kaba? Ano ba tayo, Clerk? Kung hindi ka updated, girlfriend mo ako at mahigit dalawang taon na tayong mag kasintahan." Sunod sunod na sabi ko.
Nag iwas siya ng tingin, nang mag sasalita na sana siya ay agad ko siyang pinutol.
"Ayaw ko na, mag break na lang tayo kung ganyan ka." Putol ko sa kanya.
Napanganga siya at bago pa man siya makapag salita ay padabog na akong tumayo at lumabas sa cafe.
Napapansin ko rin naman na nag iba na ang trato niya saakin since nag 2nd anniversary kami. Dumalang na ang pag daan niya sa bahay para makipag bonding sa mga kapatid ko na napalapit na din sa kanya.
Masakit, oo, pero hindi kasi ako yung tipo ng tao na ipipilit parin ang sarili sa taong ayaw naman saakin. Kung ayaw mo, edi wag.
Mataas din ang pride ko kaya hindi ako papayag na siya ang makikipagbreak, dapat ako.
-
Don't expect fast updates but expect errors.
If you can't take heavy scenes or words please don't proceed to read. Thanks!
BINABASA MO ANG
Roses Are White
Romance"Gaano siya ka cold sayo?" Sobrang cold to the point na nag break kami at nag bakasyon ako sa Baguio na dapat ay 'moving on trip' ko pero nauwi sa iba.