Chapter 1

108 7 5
                                    

Chapter One

Promises

"Hey, where are you going?" tanong ni Suho sa'kin. Tinignan ko siya at bumuntong hininga.

"May bibilhin lang ako." Bumuntong hininga muna siya bago tumango.

Alam kong nag-aalala sila sa'kin. Last week nung umalis si Luhan sa banda, wala siyang kinausap ni isa sa miyembro ng EXO. Hindi niya pinaliwanag kung bakit siya umalis. Nabigla nalang kami nung kinabukasan ay tumawag ang manager kay Suho at sinabing nag file ng lawsuit si Luhan. Hindi alam ng manager namin kung bakit dahil hindi daw sinasabi ng CEO namin.

Pumunta ako sa isang Café at bumili ng bubbletea. Naalala ko pa dati na kasama ko si Luhan na uminom ng bubbletea.

Hindi ko ini-expect na aalis siya, dahil nung umalis si Kris ay nag promise kami na walang aalis. Pero binali niya iyon. Maiintindihan ko naman kung kailangan niyang umalis pero sana naman, ipinaliwanag niya muna kung bakit.

Masakit umasa na babalik pa siya. Gusto kong umasa na babalik siya, gusto kong maniwala na bukas ay nandito na siya.

Sinusubukan kong tawagan siya kaso palaging out of reach ito.

"Sehunna.." napatigin ako sa taong nasa harapan ko.

"Luhan?" nagulat siya sa lamig ng boses ko.

Nakadisguise siya, nakasuot siya ng shades at cap, meron rin siyang mask kaya hindi halata na siya si Luhan. Konti lang ang tao rito kaya safe para sa'ming idols.

"I knew you would be here..." umupo siya sa harapan ko at nakatoon lang ang tingin niya sa'kin. Malamig ko siyang tinignan. "I'm sorry. I'm sorry for leaving you. Please, Sehun. Don't be mad at me." Hinawakan niya ang kamay ko pero di ko iyon pinansin.

"You promised, Luhan. You promised to us." Hindi ko maiwasan ang tabang sa boses ko. Oo, gusto ko siyang makita pero hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanya. Gusto kong ipaliwanag niya kung bakit kailangan niya pang umalis.

"I know, Sese. I know. That's why I'm sorry. Please, forgive me. Sehun, please." Nanginig ang boses niya habang sinasabi iyon. Nag-iwas ako ng tingin at binawi ko rin yung kamay ko sa hawak niya.

"Why?" Hindi niya naintindihan iyon kaya dinugtungan ko iyon.

"Why did you leave?" Nag iwas siya ng tingin. Napairap ako sa ginawa niya. Don't tell me he won't tell me the reason? Crap.

"Sehun.. I can't tell you right now. But I promise, I would tell you soon.." Promise? What?

"You promise? I'm tired of the promises, Lu! And why can't you tell me right now? You don't trust me?" Medyo tumaas yung boses ko kaya tumingin yung ibang customer sa'min pero agad ding bumalik sa kanilang ginagawa.

"Sehunna. P-Please. I beg you. I really promise.. Please." Nag-iwas ako ng tingin. Naaawa ako sa kanya pero hindi mawala ang galit ko sa kanya.

"Promises tend to be broken, Luhan. At napatunayan mo na iyon." Tumayo ako at agad niyang hinawakan yung kamay ko para mapigilan ako pero hinawi ko iyon.

Umalis ako at narinig kong tinatawag niya ako. Nung nasa labas na ako ay tinignan ko ulit siya, nakaduko na siya ngayon. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o natutulog. (lol)

May luhang tumulo sa pisngi ko kaya agad kong pinunasan iyon. Bumalik ako sa dorm namin at dumiretso sa room namin ni Tao.

Wala si Tao sa room at hula ko nasa sala iyon. Dumapa agad ako sa kama at sinubsob ang mukha ko sa unan. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako.

Ginising ako ni Tao para kumain na. Nung nakita ni Tao yung mga mugto kong mata ay nag-alala agad ito.

"Are you okay?" Tanong niya sa'kin. Tumango ako at naghilamos muna bago bumaba.

Nandito na lahat ng members at napatingin sila sa'kin habang umuupo ako. Tumingin ako sa kanila at nag-taas ng kilay.

"You cried again?" Tanong ni Chanyeol sa'kin. Hindi nako sumagot dahil obvious naman na ang sagot.

Umiling si Kai at tinanong kung tungkol iyon kay Luhan.

"We met earlier." Sagot ko na nakapagpabigla sa kanila.

Tinanong nila kung saan at kung ano ang nangyari. Kwinento ko sa kanila ang pagkikita namin at napailing silang lahat. Halata sa mukha nila na naaawa sila sa'kin.

"Are you okay?" Tinignan ako ni Lay at ineksamin ang mukha ko. Tumango lang ako at nadismaya sila sa sagot ko.

"I'm really fine. Don't worry." hindi sila umimik at nagsimula ng kumain. Alam nilang hindi ako okay pero wala silang magagawa. I don't want to be pitied. Ayaw ko ring mag-alala sila sa'kin pero kahit na sinabi kong okay lang ako ay alam kong nag-aalala sila.

Pagkatapos naming kumain ay tumawag ang CEO namin na si Kim Young Min.

"Hindi ko kayo pipilitin na maging okay after all that happened pero sana maging okay na kayo. Hindi ko man masabi sa inyo ang dahilan kung bakit kailanan nilang umalis ay sana maintindihan niyo iyon. May concert kayo sa susunod na araw kaya magpahinga muna kayo. Magp-practice kayo bukas kaya mas mabuting magpahinga kayo. Okay? Bye."

Napabuntong hininga kaming lahat. Alam kong iniisip din nila kung bakit kailangan pa nilang ilihim ang rason sa pag-alis ni Luhan.

Nagsiakyat na kami sa aming rooms upang magpahinga. Chineck ko muna yung cellphone ko at nakitang may isang text doon. Binasa ko iyon at nalamang galing kay Luhan iyon.

Luhan:
Please hold on to my promise, Sehun.

Hindi ko siya nireplyan at natulog na. However, I'll hold on to that promise. Bahala na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Promises and Reasons[EXO HunHan FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon