Chapter 1: My Life
Hi! Ako nga pala si Pisa Mae Ford, sosyal ng pangalan ko noh? Pero hindi ako sosyal sa totoong buhay, isa lang akong average girl na lumaki sa average family. Apat kaming lahat sa pamilya, si dad, mom, kuya at ako. Businessman ang dad ko, mom ko naman housewife, si kuya naman programmer sa isang sikat na company at ako estudyante lang. Hindi kami mayaman at hindi din kami mahirap, masaya naman ako sa pamilya ko, lagi kami nakangiti pero sympre minsan nagkakaproblema rin naman. Senior High School student ako sa Britt International School, oo, maraming mayayaman dun, kaya nga inaasar nila ako lagi sa istura ko eh, kasi pisa daw face ko, kaya pinipisa nila lagi muka ko, ewan ko ba sakanila, porket ang gwagwapo at gaganda lang nila, lalaitin na nila ako, i don't care. Haha. Nasanay na ako kasi since elementary palang ako, inaasar na nila ako ng "Pisa!Pisa!" Pero hinahayaan ko nalang sila. May bestfriend ako since nung baby pa kami si Matt Chua, magbestfriend din kasi ung mga magulang namin, half chinese kaya mukang chinito, pero gwapo kaya yun! Sarap din kasama. Crush nga daw ng bayan yun eh, lalo na at varsity basketball player yun. Lagi siyang hinahanap hanap ng mga clasamates kong babae, kaya ayun, minsan... nastu-stuck nalang ako sa crowd. Kaya naiipit nalang ako. Actually nung elementary palang kami ni Matt, nililigawan ako nun, tuwing Valentine's day, dindalhan niya ako ng bouquet at ng favorite kong chocolates, hindi ko naman sineseryoso siyempre kasi loko-loko naman yun eh! Sa pisa kong muka na ito, ako? Magugustuhan niya? Haha! Sa dreams lang kaya mangyayari yun! Hanggang ngayon ginagawa niya yung tradition niya sakin tuwing valentine's kahit na maraming babaeng magaganda na ang humahabol sakanya. Alam mo bang hindi pa siya nagkagirlfriend sa itsura niyang yan! Kahit ako! Hindi din kaya ako makapaniwala! Sa perfect guy na yan, mabait, gwapo, mayaman, at maka-Diyos pa. Sinong hndi magkakagusto sa katulad niya? Ako, naisip ko din yan sa sarili ko kung bakit hindi ko siya nagustuhan? Siguro hanggang bestfriends forever nalang talaga ang tingin ko sakanya, ayaw ko rin naman masira friendship namin noh.
Ayan na! Pasukan nanaman namin ngayon, first day na first day, late ako nagayos para sa school! Yan nanaman ako as always late gumising. Papunta palang ako ng school may nakita akong new student palabas sa Mercedez Benz na color black sa tapat ng school, ayan nanaman, another rich spoiled kid sa school namin. Dumiretso nalang ako sa pintuan at umakyat papuntang classroom. Pag pasok ko sa classroom, grabe! Yung lalaking nakita ko sa baba kanina, nasa likod ko pala siya! Nakaka shocking talaga grabe! Sabay kami pumasok ng classroom, wow ngayon ko lang nakita full view niya, ay ang gwapo! Artistahin ang muka, chinito din ang muka niya katulad ni Matt pero yang lalaki na yan to the next level na talaga, sa sobrang gwapo niya, parang may umiilaw sa paligid niya, parang may shining effects sa katawan niya, kaya lang muka siyang bad boy. Umupo sa guy sa harap ko, omg! Yan lang kasi yung bakanteng upuan eh, kaya no choice siya. Dumating na ang guro sa classroom at nagintroduction sa class, "Hi class! I'm Mr. George, I'll be your adviser until the end of school year, so we have a new student? Mr. Lee?" Itong si bad boy naman bad ass, hindi sumagot, tinanong ulit ni sir "stand up Mr. Lee." Ayun buti naman at tumayo siya, yaman yaman parang walang respeto sa guro, buti at naisipan niyang tumayo. Sumagot si Mr. Lee kay Mr. George "I'm Mr. Lee, sir George" sabi naman ni sir "Please introduce yourself" sagot naman ni transferee "Hi I'm Mike Lee, half korean and half chinese, but I know how to speak tagalog and English very well. Please take care of me." Pumalakpak ang mga classmates ko lalo na ang mga babae, oh no.. Ayan na ang bago naming heartthrob sa school, siguro kung sasali yan ng varsity basketball, magiging kaagaw na ni Matt yan sa position sa pagiging number one heartthrob. After ng class namin, nag bell na at uwian na namin. Kasama ko yung girl bestfriend ko na si Anne Fajardo, cute siya at dancer pa. Marami din nagkaka crush sakanya kasi perfect na perfect siya, sinong lalaking hindi magkakagusto sakaya? Maganda na nga, talented at matalino pa! Kaya ang dami niya talagang manliligaw, pero kahit isa sakanila, wala parin siyang sinasagot. Sabay kaming kumain ni Anne sa labas ng school namin, kumain kami ng fishball na napaka sarap! Hahanap-hanapin mo talaga itong fishball lagi once na natikman mo na ito, master na master na kasi ni kuya tsup yung fishball, simula nung bata palang siya, nagluluto na siya ng fishball o kung ano anong balls. Pagkatapos naming kumain ni Anne, sinundo na siya ng driver niya, kaya umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay.
Kinumusta naman ako ng pamilya ko kung ano nangyari sa eskwelahan kanina, tumulala ako ng sandali "omg mama papa! May gwapong chinito na new student kanina sa classroom namin! Kaya lang bad boy kainis" sabi naman ng mama ko "bakit hindi ka nalang sa kababata mo? Si Matt? Perfect na nga yung lalaki na yun eh at kilalang kilala ko pa! Bakit ayaw mo pa?" Napaisip ako ng saglit "eh ma, kapag tinutukoy mo yung nililigawan niya ako pero hindi ko pa siya sinasagot.. Eh loko-loko lang niya yun sakin eh! Hindi yun seryoso kaya. Ang perfect perfect niya kaya bakit naman siya magkakagusto sa tulad ko?" Sabi naman ng tatay ko "anak, hindi kita pipilitin kung sino magugustuhan o magiging boyfriend mo, basta tandaan mo anak, piliin mo yung mamahalin ka ng tunay at hindi ka papahirapan, ipakilala mo din saamin yung pipiliin mo at titignan namin ng nanay mo kung aalgaan ka ba niya talaga." Dagdag ng nanay ko "anak, tama ang tatay mo, piliin mo yung lalaking mamahalin ka ng tunay at yung mamahalin mo din ng tunay." Niyakap ko ang mama at papa ko ng mahigpit dahil sobrang thankful ako sa pagiging supportive nila saakin sa kung ano anong bagay.
BINABASA MO ANG
Mr. Chinito Guy
Teen FictionMay isang babaeng pinanganak sa isang masayang pamilya, siya ay si Pisa Mae Ford, nakatira siya sa napakaganda niyang bahay dahil ito ay galing pa sa grand grand grand mother niya na ipinamana sa tatay niya, simple lang bahay niya pero kasya na sa f...