Chapter 2: New Beginning
Morning na morning ang ingay ingay ng kuya ko! Lagi nalang siya maingay tuwing umaga! Sumasayaw pa siya ng gangnam style ngayon! Ang lakas lakas pa ng speaker niya, nakakairita sobra! May times nga na gusto ko sirain yung speaker kapag wala siya eh! Pero wala eh. Lagi nalang siya malapit sa speaker namin, hay.. Life naman oh! Hindi mo ba talaga ako tutulungan? Dahil sa kuya ko, sobrang aga ko gumising nanaman at sobrang aga din kumain ng breakfast, mama ko ang nagluluto saamin, yung pagkain niya talaga ang the best sa lahat! Walang makakatalo sakanya kahit si chef Gordon Ramsey pa yan! Pagkatapos kong kumain, naligo ako at inayos ko ang sarili ko, aalis daw kami ng pamilya ko dahil may business trip si papa sa baguio, overnight lang naman daw kami dun, kaya kanya-kanyang empake na kaming lahat, sabay tweet at instagram ako tungkol sa baguio, ang tagal ko na kasi hindi nakakapunta sa baguio eh.
Sumakay na kami sa car namin at umalis papuntang baguio! Excited na excited na ako sa Baguio, hindi ko alam kung bakit, pero excitement talaga yung nararamdaman ko ngayon. Habbang papunta kami ng baguio, natulog ako sa car at nagstostop over muna kami sa mga stopovers. Napapagod na rin kasi tatay ko sakaka drive, pero okay lang yun sakanya, para rin ito sa business niya. Pag dating namin sa hotel room namin, inayos na namin gamit namin at inayos rin namin itsura namin para naman formal tignan sa client. Pumunta na kami ng pamilya ko sa isang sosyaling restaurant, kung saan i-memeet namin yung pamilya ng client ni dad. Pag dating namin sa restaurant, hinintay namin dumating yung client ni dad para magstart na sila magusap. Ayan na at dumating na ang client kasama ang pamilya niya, laking gulat ko pa kasi yung anak ng client ay si Mike Lee! Yung gwapo kong kaklase sa school! Yung nagtransfer sa school namin na chinitong chinito ang itsura niya! Sa sobrang gwapo niya, hindi ako makatingin ng maayos sakanya. Hindi niya siguro ako makikikala dahil isa lang akong simpleng tao na pinipisa lang ng kaklase ko. Siguro kung kakain ako ng marami, hindi na flat yung itsura ng muka ko na parang napisa? Siguro aayos na itsura ko noh? Ang galing talaga ng dad ko, nakakuha siya ng client na mayaman! Nagshake ng hands sila dad and si Mr. Lee. Pinakilala ni Mr. Lee ang pamilya niya, at pinakilala din kami ni dad sakanila. Sabay kaming kumain ng dinner habbang nagmemeeting sila ni dad. Wow! The best yung pagkain dito! Hindi ko maexplain yung taste ng steak! Parang nasa heaven ang feeling kapag tinitikman ko ito. Siguro, once in a blue moon ko kang makakain itong steak! Parang mamahalin din kasi ito eh, pang mayaman yung price ng pagkain dito. Pagkatapos kong kumain, umalis muna ako ng sandali para makakuha ng fresh air sa garden, sa labas lang ng restaurant, sobrang lamig sa garden, parang naninigas na ako sa lamig dito. Lumabas din si Mike papuntang garden! Hala! Anong gagawin ko! Omg! Kinakabahan ako. "Hi Pisa! Do you remember me?" Sabi ni Mike sakin, omg hindi ako makasalita sakanya! Kinakabahan ako! "Hey Mike! Of course i remember you! You're the transferee of our class."ang sagot ko sakanya. "Yup! That's right!" Sabi ni Mike habbang nag-nonod. Hindi ako makaisip ng topic sa sobrang hiya ko sakanya, pero nagsalita siya ulit sakin "pwede mo naman akong kausapin ng tagalog kung nahihirapan ka na eh, I'm good in speaking Tagalog", " haha! Ano ka ba! Mataas kaya grade ko sa English, no worries! Hindi ako nahihirapan mag english!" Ang sabi ko sakanya. "Haha ok! Ikaw na bahala!" Sabi ni Mike with a cute smile. Grabe! Judgmental lang pala ako kahapon, hindi naman pala siya bad boy eh! Sobrang friendly niya sakin kahit mukang pisa yung mukha ko. Tumahimik kaming dalawa for 5 minutes. Bigla akong tinanong ni Mike "Why are you so ugly? Your face is like napisa ng truck", grabe itong demonyo na ito ah! So unang una palang bad boy na talaga siya ha?! "Excuse me? Ganyan ka ba talaga? Akala ko pa naman ang bait bait mo! Yun pala parehas lang kayo ng mga tao sa school!", nagsad face si demonyo " Oh! Sorry! Nahurt ka ba sa sinabi ko? Sorry. I didn't mean to hurt your feelings.","sorry ka dyan? Hindi ka nga sincere sa sinasabi mo eh!" Pagalit ko sakanya sinabi sakanya, kinawayan ako ni Mike at sinabing "okay sweetiee pretty, bye~" umalis siya at pumasok sa loob ulit, at ito ako, parang ewan na naka upo sa bench, nalulungkot sa sinabi niya sakin, hindi ko inexpect sakanya na ganun siya magsalita, ang bobo ko talaga! Bakit pa ako nahiya sa katulad niya na ang kapal kapal ng muka at makasalita parang demonyo! Pagkatapos ng meeting nila dad and ni Mr. Lee, tumingin si Mike sakin at nag wink, may sira ata sa ulo yun noh? Parang siraulo kasi eh! Sumakay na kami sa car namin at bumalik sa hotel. Naisip ko bigla yung nangyari kanina, hindi ako makapali sa ugali niya! Ang sakit eh! Ang hirap umexpect sa iba lalo na sa taong ineexpect mong iba. Sana hanggang sa panaginip ko, hindi ko na siya makita.
BINABASA MO ANG
Mr. Chinito Guy
Teen FictionMay isang babaeng pinanganak sa isang masayang pamilya, siya ay si Pisa Mae Ford, nakatira siya sa napakaganda niyang bahay dahil ito ay galing pa sa grand grand grand mother niya na ipinamana sa tatay niya, simple lang bahay niya pero kasya na sa f...