KABANATA 6

196 19 1
                                    

Lucca's POV

Inalalayan ko si Jamaica sa paglalakad hanggang marating namin ang bahay ko.

"Wow ang ganda talaga nitong bahay mo Lucca! Maliit pero komportable." pabagsak itong umupo sa double seaters na couch.

Isang tawa lang ang sinagot ko sa kanya saka ako pumasok sa kwarto ko para kumuha muna ng pamalit na damit. Isa lang ang banyo ng bahay ko at nasa labas yon ng tinutulugan kong kwarto kaya kailangan ko pang magdala ng pamalit kong damit para makapaligo.

Nanonood na ng T.V si Jamaica paglabas ko ng kwarto kahit pano malakas pa din makasagap ng signal ang Black box ng T.V ko. Pumasok na ako sa Banyo.

Isasara ko na ang pinto ng may pumigil dito mula sa labas. Si Jamaica.

Bahagya lamang akong ngumiti kahit na hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. "Maliligo ako Jamaica."

"Lucca. Gusto talaga kita bakit ba ayaw mo akong pansinin?" mangiyak-ngiyak niyang sambit habang nakaharang ang buong katawan nito sa pinto para hindi ko maisara.

"A-ano ka ba ang Bata pa natin para sa Relasyon-."

"Try me, Lucca please...." humakbang ito palapit sa akin saka ako mahigpit na niyakap. Hindi ko alam kung ano ang ire-response ko sa ginawa niyang yon ang totoo niyan siya pa lang ang nakayakap sa akin bukod kay Mommy.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya saka ko siya bahagyang inilayo sa akin. "Eighteen lang ako at Seventeen ka lang. Sige nga sabihin mo sa akin kung ano ang kahihinatnan ng magiging Relasyon natin?"

Tinitigan niya ako may munting luha ang umagos mula sa mga mata nito. "M-mahal kita Lucca. Magiging tapat ako sayo. Nag-aaral naman ako ng mabuti para mataas lahat ng Grades ko saka h-hindi magagalit si Papa kung sakaling malaman niyang may Relasyon tayo- please I'm begging you Lucca."

Umiling ako. "I'm sorry mga Bata pa tayo-."

"Hindi na ako Bata! Ganon ka din kung tutuusin nga kaya na nating gumawa ng Bata!" bulyaw nito.

"See ito ang sinasabi ko Bata ka pa nga hindi yan ang katuwiran na gusto kong marinig." mahinahon kong sagot.

Tinabig niya ang mga kamay ko na nakakapit sa balikat niya. "At ano naman ang katwiran na gusto mo ha Lucca? Mahirap bang intindihin ang gusto kong mangyari? Gusto kong maging Boyfriend kita kasi mahal kita at nabab@liw ako kaka-isip lang sayo kung kumusta ka na sa Maynila. Mahirap bang intindihin yun ha!"

Ang totoo gusto ko nang magalit sa kanya pero masnananaig ang pagiging pasensyoso ko. Matagal ko siyang tinitigan wala naman akong isasagot kaya hindi na lang ako umimik isa pa ayokong masaktan siya sa mga sasabihin ko. Talagang wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon ang pag-aaral ko at ang Resort ang importante sa akin ngayon.

"Wala ka man lang bang sasabihin? Ganon ba Lucca?" tatango-tango siyang umatras. "Okay fine basted ako. Gusto ko nang umuwi."

"Ipagluluto pa kita ng Tinola diba."

Tinalikuran ako ni Jamaica at dali-daling lumabas ng bahay ko kaya ang ending nagmamadali akong humabol sa kanya ni hindi ko na nai-lock ang pinto ng bahay ko.

Malapit na siya sa dalampasigan. Kinabahan ako ng nagderederetso siya sa dagat.

"JAMAICA!" sigaw ko saka ko tinakbo ang distansya naming dalawa.

Niyakap ko siya mula sa likuran saka ko hinila pabalik sa dalampasigan sige ang pasag ni Jamaica mas malakas pa ata siya kesa sa mga isda na nahuhuli ko ah!

"Bitawan mo ako! Ayaw mo sa akin diba?! Kaya pabayaan mo na lang ako!" Isang kagat sa braso ang dahilan kaya nabitawan ko siya.

Wow ang sakit mangagat ng isang to ah! May sa Aso ata to. Natigilan naman siya nang makita ang maliit kong sugat mula sa mga ngipin niya.

"Nabab@liw ka na ba!? Magpapakamatay ka dahil lang sa Lalaki! Alam mo kung gusto mong magpakam@tay wag dito sa Lugar ko! Humanap ka ng ibang Lugar!"

Talagang masakit siyang kumagat, tinalikuran ko siya at nag-umpisa akong maglakad pabalik ng bahay ko. Mukhang natauhan na rin naman siya.

"I-ikaw k-kasi ang g-gusto kong pakasalan, Lucca. S-sorry kung nagiging makasarili ako o isip B-bata. Ipapakasal k-kasi ako ni Papa sa iba. Ayoko magpakasal sa taong h-hindi ko kilala!"

Natigilan ako sa mga sinabi nito. Muli ko siyang nilingon baka niloloko niya lang ako para pumayag ako sa gusto niya.

"Ihahatid kita sa Resort pagkatapos kong gamutin itong kinagat mo." saka ako naglakad paakyat sa bahay ko.

Nilagyan ko agad ng benda ang braso ko nang makarating ako ng bahay ko. Nilingon ko ang likuran ko, hindi sumunod si Jamaica kaya nagmamadali akong lumabas uli ng bahay dala ko na ang susi nang Speed boat ko.

Naabutan ko siyang naka-upo na sa dalampasigan. Tingin ko nahimasmasan na siya sa mga kalokohan niya.

"Tara ihahatid na kita sa kabila." saad ko ng makalapit ako sa likuran nito.

Tumingala siya sa akin. Hindi siya umiimik. Matagal bago siya tumayo at nagpagpag ng suot niyang shorts.

Nauna akong naglakad papunta sa kung saan naka-daong ang Speed boat ko.

Sumunod naman siya sa akin. Inalalayan ko siya hanggang makasampa siya sa loob ng bangka. Inalis ko muna ang pagkakakadena ng Speed boat saka ako sumampa.

Kasalukuyan kong hinahatak ang angkla nang yumakap sa akin si Jamaica. Nakasiksik ang mukha nito sa likod ko habang mahigpit na nakapulupot sa bewang ko ang mga braso niya.

"Lucca, mamimiss kita. Ayoko nang umuwi please..." pakiusap nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Heto na naman po kami.

"Jamaica, hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan saka wala akong intensyon na saktan ka. Marami pa namang ibang Lalaki diyan yung mas deserving kesa sa akin."

Hindi na siya umimik. Isang hagulhol na lamang ang isinagot nito sa sinabi ko. Maslalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Basta. Ikaw lang ang gusto ko Lucca. Mahal kita." mahinang sambit nito habang nahikbi.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang sa akin si Jamaica ni hindi nga ako nagpapakita nang pagkagusto sa kanya masyado pa akong abala para pumasok sa isang Relasyon at isa pa mga Bata pa kami ayokong sumubok sa isang bagay na hindi ako sigurado at lalong ayokong magsisi sa huli.

Pagkadaong namin sa Wanda's Resort agad na bumaba si Jamaica ni hindi na niya inantay ang tulong ko.

Bumaba na din ako at lumapit sa kanya. Nasorpresa ako ng bigla niya akong halikan sa mga labi ko. Unang halik ko iyon. May kung anong kuryente ang gumapang sa buong katawan ko.

Tulala ako ng maghiwalay ang mga labi namin. "Salamat, Lucca."

Yon lang at naglakad na siyang mag-isa palabas ng Resort. Bakit ganon bigla ko na lang naramdaman na gusto ko siyang pigilan pero maspinili ko ang manahimik na lang sa kinatatayuan ko.

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now