KABANATA 7

172 20 1
                                    

Lexx POV

"Nakita nyo yon? May Girlfriend na pala si Lucca. Iba talaga basta Loko-loko ano nakakakuha ng hot na Bebot." nakangising turan ni George.

"Oo nga at hinalikan pa siya diba at galing pa sila sa Isla. Tingin ko nabitin yung Babaeng yon kaya may pahabol pang kiss!" dagdag naman ni James.

Natawa ako. "Ano Brenan na-video-han mo ba?" tanong ko.

"Ako pa ba Pare! Syempre naman! Ano kelan mo to gustong i-up-load?" may pagmamalaking pinakita pa nito sa akin ang video.

"Baka mabuking tayo niyan ha.". may pag-aalalang paalala ko.

"Kaya nga gagawa ako ng Dummy account e. Tiyak sa Lunes magiging Star talaga si Lucca!" Brenan snap.

"Okay. Gumawa ka na. Lagyan mo ng caption ha. Pasensyahan na lang tayo Lucca. Maangas ka kasi." bulong ko habang nanonood kay Brenan na nagawa nang Dummy account.

Umakbay sa akin si Arnold. "Lexx. Bakit ang init yata ng dugo mo sa isang yan ha?"

Bakit nga ba? Hindi ko din alam e basta pakiramdam ko kaagaw ko siya sa lahat. Kelangan ko pang magpaka-good boy image para lang mapansin ng mga Babae samantalang siya kahit pa wala siyang ginagawa e kusang lumalapit sa kanya ang mga Bebot. Buti na lang si Fatima hindi gaya ng iba kaso chubby siya malayo siya sa Babaeng gusto ko kaya ko lang siya niligawan para pampataas ng Respeto ng mga kapwa ko Estudyante na Isang Scholar ang Girlfriend ko.

"O tapos na ko gumawa ng Account. Ano post ko na ba?" excited na sambit ni Brenan.

"Sige. Up-load mo na." utos ko.

Pigil hininga naming inantay ang resulta.

Ilang Segundo lang at nagnotif na si FB naka-post na ang video.

"Yari ka ngayon Lucca." mahinang sambit ni George. "Tara na mga Pare baka makita pa tayo ng Lokong yan."

Kanya-kanya kaming tawa habang naglalakad palayo sa kinaroroonan ni Lucca.

***

Lucca's POV

Sumampa na ako sa Speed boat ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa nang pants ko. Si Dad.

"Hello Dad. Nagpatawag kayo?" masayang bungad ko.

"Did you check your social media?" seryosong tanong ni Dad sa kabilang linya.

"Hindi pa po. Bakit Dad?" medyo kinakabahang tanong ko.

"Okay. Meron kasing kumakalat na video mo na kahalikan mo ang Girlfriend mo. I inform you baka kasi may bumu-bully lang sayo pero pamilyar sa akin ang Babae." mahabang turan ni Dad.

Napabuntong-hininga ako. Mukhang may gumu-good time sa akin. "Thanks po. Si Jamaica po yung Babaeng humalik sa akin kanina at kababata ko po siya Dad."

"Jamaica? Yung Anak ng Mayor ngayon ng Zambales ba ang tinutukoy mo?"

Napakamot na lamang ako sa batok ko. "Y-yes Dad. Pero hindi ko siya Girlfriend. Hinalikan niya ako yon lang yon— Dad?"

Tumawa ng malakas si Daddy. "You don't need to explain Anak. Alam ko naman. Daddy mo ko kaya kilala kita higit kanino man. So what's your plan?"

"Plano po?" napaupo na lamang ako sa upuan ng Speed boat ko.

"Yup, Lucca. Sabi mo Anak yon ng Mayor ng Zambales, diba."

Napabuntong-hininga uli ako. Nakuha ko ang ibig sabihin ni Dad. "Sorry po."

Tumawa lang si Dad ng malakas. "You don't have to Anak. It's part of life. If you need help we're here willing to help you okay. And Sabi ng Mommy mo mag-ingat ka daw diyan at mahal na mahal ka niya."

"Okay po. Thank you po. Bye." saka ko binuksan ang Facebook account ko, matagal akong nakatitig lamang sa video na kumakalat ngayon sa Social Media. Maraming comment ang nagpop-up ang iba puro negative reaction ang iba naman positive.

Nagtype din ako ng comment ko.

'Ang galing nang kumuha nitong video. Kung sinuman siya salamat na lang dahil pinasikat niya ako.'

Saka ko sinend at ni-log out ko ang account ko ayaw kong ma-stress. Binuhay ko na ang makina ng Speed boat ko saka ko iyon pinaandar pabalik ng Isla. Sumagi sa isip ko si Jamaica, kilala ko ang Papa niya na may pagka-strikto sigurado akong magagalit yon lalo at kumalat na ang video siguradong pinagpipiyestahan na yon ngayon ng mga marites.

Inikot ko ang manibela pabalik sa Resort pupuntahan ko si Jamaica.

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now