"Marga, bakit?" Tanong ni andrew sakin.
Tinigil ko yung paghalik nya sakin. Baka kung saan pa to umabot.
"Mali to drew eh." Sagot ko.
"Whats wrong about this?" Sabi nya.
Mali to! Maling mali. May girlfriend sya. Hindi to tama. Mali na nagugustuhan ko sya at mali na hinahalikan ko sya.
"We're both drunk." Sagot ko.
"Oo, uminom ako. Pero marga, Im not drunk. Youre not drunk!" Sabi nya at nilapitan ako.
"Stop drew. May girlfriend ka okay? Hindi porke magka away kayo eh okay lang tong ginagawa natin. Nabigla lang ako. Sorry. Hindi ko ginusto to! Pareho tayong naka inom!" Sagot ko at tumayo na.
Lumabas ako ng kwarto."Oh? Bakit ka naka simangot? Iniwan mo si drew don?" Sabi ni Angela sakin.
"Ah, naka tulog na kasi eh! Di ako makatulog. Ah uhm, nuod muna tayo." Palusot ko.
Hindi na sya nagsalita at tumabi na ako sakanila.
Andito kasi kami ngayon sa condo ng kaibigan ko. Nag inuman kami kanina nahilo ako kaya pumasok ako sa kwarto at sumunod pala sakin si Andrew.
Wala silang alam sa nangyari. Ugh. Ayoko ng ganitong feeling. Hindi ko naman idedeny pero nagustuhan ko din yung halik nya. Pero mali eh. Matagal ko ng gusto si andrew. Pero tinatago lang yun sa sarili ko. Kasi ayoko may maka alam. Dahil may girlfriend nga sya at kakilala ko yung girlfriend nya. Kilala si andrew na "player" malandi sya at maraming nakaka fling kahit na may girlfriend sya. Alam kong wala lang sakanya yung halik na yun. Normal na sakanya yun. Pero sakin big deal.
Kinagat ko yung labi ko. Ugh.
"Oh bat tulala ka jan?" Sabi ni angela sakin."Ahh wala." Sagot ko.
--
2 months passed simula nung hinalikan ako ni andrew. Walang naka alam sa mga kaibigan ko. Ayokong sabihin. Ayoko ring malaman nila na may gusto ako kay andrew. Siguro dalawang beses lang ule kami nagkausap ni andrew simula nung nangyari yun. Parang wala ngang nangyari eh.
"Marga, anong plano mo sa valentines? Ikaw lang walang partner sating apat!" Sabi ni angela.
"Ayos lang yun! Sanay na ako ano ka ba." Sarkastikong sagot ko.
"Wala ka talagang idedate? Wala ka bang crush dito sa school? Tutulungan ka namin!!" Excited na sinabi ni Deyn.
"W-wala..." sagot ko. Napapa isip ako. Aminin ko kaya sakanila?
"Wala talaga?" Pag uusisa ni Christy.
"Ehhh ewan.." sabi ko. Nahihiya kasi ako!
"Sus. Ngayon ka pa magtatago samin? Tss nakakatampo to!" Sabi ni angela.
"Oo nga!!!" Sabay na sabi ni deyn at christy.
"Ugh! May gusto ako kay Andrew!! Happy?" Sabi ko.
"Ay shet ka! Sabi ko na eh!! Kaya pala panay ang ngiti at tawa mo pag katext mo sya! Kahit wala namang nakakatawa!!" Sabi ni deyn.
"Di mo pa ba nababalitaan marga? Break na sila ng girlfriend nya! Its your time to shine!!" Sabi ni deyn.
"Gusto mo patulong tayo kay jimwell?" Suggest ni angela. Yung boyfriend kasi nya, ka teammate si Andrew.
"Ahh, pano naman?" Sabi ko. Syempre na eexcite din ako! Hahaha!
"Gusto mo ba syang maka date sa valentines?" Sabi nila.
BINABASA MO ANG
Why cant you love me?
Teen FictionSeeing the one you love being loved by someone else is the painful thing ever...