Single

2 0 0
                                    

Names, Characters, Places, Events and Incidents affiliated in this story are all product of the author's imagination. Any resemblance to the actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

_____________________________

Single.

Single is referred to someone who is not involved in any type of romantic relationships.

Being single is hindi dapat ikinakahiya.

Being single should be shown to the world. And you should be proud of it.

Being single is better than being in a bad relationship or bad marriage.

Being single but you are happy is the most important thing.

Hi, I am Lorraine. I'm in my 20's and still single. Pero I'm happy.

I have a stable job, I can provide sa family ko, I can buy whatever I want, I can travel and I can explore new things on my own.

I am single pero puno naman ako sa pagmamahal. My family and friends loves me and I love them so much too.

Kaya lang minsan, napapaisip din ako.

Wala ba nagkakagusto sakin?

Di ba ko maganda katulad ng mga friends kong babae?

Di ba ko kamahal mahal?

Single na lang ba ako forever?

Those are some questions na naiisip ko kapag mag isa ako.

Kapag may nakikita akong mag jowa o mag asawa na super sweet sa social media.

Kapag pagod ako galing work kasi mag isa lang ako sa apartment ko.

I want to talk to someone, I want to talk how my day went, and I want to know his too.

I don't want to share my sufferings or my problems to my family dahil baka mag alala lang sila. Ayoko rin naman istorbohin ang nga friends ko dahil may sari sarili na silang buhay.

Pito kaming magbabarkada. We became friends since 3rd year high school. Yassie my very close friend, Yanna my go to friend, Zack my boy best friend, Zyler my ex crush, Zain my sweet baby boy and Zynt the one I liked before.

Yassie and Zyler became mag jowa nong fourth year na kami. Even before hindi pa sila confirmed, they are super close na, sweet and clingy sa isa't isa. Kaya di ko na tinuloy ang pagka crush ko kay Zyler. I'm happy sa kanilang dalawa.

Tumagal ang relasyon nila hanggang mag college with different universities until mag graduate. Now they are preparing for their wedding. Sila ang unang ikakasal sa barkada. Kaya masaya kami na sila ang magkatuluyan.

Gusto ko rin ng kagaya sa relasyon nila. Hindi nawawala yung love and care sa isa't isa. Kahit busy sa studies and work, nagkakatime parin sila mag date. Nag mature silang dalawa na magkasama.

Then here's Yanna. Si Yanna yung friend kong ligawin. Maraming may gusto sa kanya. Aside sa maganda, matangkad ay nagmomodel din sya. Kaya marami rin nakakakilala sa kanya. Kaya lang strict ang parents nya. Never namin sya nakasama sa mga overnight ng barkada. Pero ang di namin alam, tumatakas ang babae kapag gabi. May jowa na pala sya. Mahal na mahal daw nila ang isa't isa. Kaya nung iwan sya ng lalake, sobrang nasaktan sya.

Padalos dalos man sa desisyon, masaya parin ako dahil natuto sya dun. She just focused on her studies and sa modeling. Super proud ako dahil may kaibigan akong sikat na modelo di lng dito pati na rin sa ibang bansa. She also found the love of her life there. Her long time partner na isa ring modelo na nakilala nya sa Paris. I am happy for her. Super.

Here's my bestfriend, Zack. Marami kaming similiraties. Maraming bagay na parehas naming gusto kaya nagkakasundo talaga kami. May nagsasabi na kami na lng daw dahil bagay naman kami at close naman kami. Pero No, friends lang talaga kami. I don't want to lose our friendship. Bagay naman na napagkasunduan namin ni Zack, one time ng umamin syang gusto nya raw ako. I can't imagine kissing him or what kapag naging kami. Friends lang talaga.

Nakalimutan na rin naman nya yung feelings nya dahil nasabi nya sakin na gusto nya raw si Yanna. Sila ang naging close nung panahong broken hearted si Yanna. Pinahiram ko na muna ang bestfriend ko, pwede naman yun.

Bilib lang din ako kay Zack sa respect na binigay nya kay Yanna. When she said na di na sya magmamahal pa, focus sa studies and career. Zack understands and stop pursuing Yanna. Pero magkaibigan pa rin sila.

Kaya sobrang happy ko naman ng makilala ni Zack ang true love nya. Schoolmate nya nung college. Naging sila nun hanggang ngayon. And they're engaged, tumulong pa nga ako sa pa surprise na yun ni Zack. I am happy dahil happy ang kaibigan ko.

Zain my sweet baby boy. Sya kasi ang pinakabata sa amin. 2nd year sya nong 3rd year kami. Zain is a silent type of guy. Napakabait tingnan. Pero nagrebelde nung college. Super chickboy. Paiba iba ng babaeng dinedate. Until nka buntis sya. Di pa sya tapos mag aral nun. Naghanap na sya ng trabaho para sa magiging family nya. Okay naman ang relasyon nila. Friend na nga rin namin yung nanay ng baby nya. Pero di rin sila nagtagal. Di na nila na fixed ang family nila but they are cool with each other. They are co parenting with their child. Bumalik rin ng pag aaral si Zain para makakuha ng magandang trabaho para sa anak nya.

Bilib ako sa kanya dahil sa pagmamahal nya sa anak nya. Gagawin nya ang lahat para dito. He stopped dating and nagpakatatay. He studied and worked hard. Kaya lods namin yan si Zain.

Lastly ang may pinakamagandang lovelife sa amin, I guess. Si Zynt. Dati pa lang attracted na ako sa kanya. Matangkad, moreno, mataas ang ilong, magaling mag basketball, matalino at higit sa lahat mapagmahal sa pamilya. Sya ang pinaka di ko ka close sa group. Nag uusap naman kami pero di yung kagaya sa iba. Nahihiya kasi ako dahil alam kong alam nyang may gusto ako sa kanya. Tapos inaasar pa kami ng iba.

Di nga lng umubra dahil di nmn nya ako gusto. He doesn't like me as much as I liked him before. Okay lng naman. Di naman kami bagay. Nakakahiya kapag magkasama kami, i babash lng ako ng mga fans nya.

Base sa pagkakaalam ko, no jowa si Zynt nung high school. Pero nung college, same sila ng school ng first love nya. Super crush nya daw si ate girl nung elementary at pinangako na pakakasalan daw nya ang babae. O diba, tapos nagkita pa sila ulit. Ano ba namang laban ko dun sa first love. Back out tayo beh.

So ayun na nga nagkita ulit at naging sila naman pero di madali para kay Zynt dahil may jowa din noon si ate girl. Naghintay si Zynt hanggang sa magbreak yung dalawa.

If ever di nag break baka sakin punta nya haha charing.

Maganda ang naging takbo ng relasyon nila. Akalain mo nun tinulungan ka na ng universe makita ulit ang first love mo. Wala pa naman balitang magpapakasal na sila pero dun din naman papunta yun.

I'm happy with my friends' lovelife. I'm happy dahil nakilala nila ang mga taong para sa kanila, taong makakasama nila sa habang buhay.

I am happy with my self too dahil kahit walang jowa o walang makakasama habang buhay, my family and friends are there. Masaya na ako na andito sila kasama ko. Masaya ako dahil masaya sila.

I am single. Pero happy.

_____________________________

Thanks for reading. 💚

SHORT STORYWhere stories live. Discover now