2: Kahidlaw

5 0 0
                                    


 Kahidlaw  (Cebuano): Longing 

   Libo-libo na ata ang libro na aking nabasa, nakahiligan ko talaga ito simula sa aking pagkabata. Nakahiligan ko ito dahil parang nasa ibang mundo ako na nakakaita ng bawat mahahalagng pangyayari sa buhay ng mga bida. Ngunit hindi ko maiwsan na isipin na bakit di nalang ako tulad nila? Nais ko rin naman na maksama ang ang aking mga kaibigan at tumawa na parang wala na kaming prinoproblema.

Sinara ko ang aklat na aking hawak, maganda ito. Madaming pinahayag na mabubuting aral tila ramdam mo ang gustong sabihin ng manunulat. Matalinhaga rin ang pagskasulat, talagang nakakamangha. "Nais ko rin magsulat ng isang libro! Hindi man ito mabigyan ng gantimpala pero alam ko na ito ay kamanghamangha dahil ito ay aking pinagsikapan." Napasigaw ko pa habang naka higa sa kama.

Ngunit may isa akong problema, hindi pa ako nakakapag sulat ng isang nobela. Isa lamang akong mambabasa hindi ako manunulat hindi ko pa naranasan ito. Hindi ako matalinhagang manunulat, hindi rin ako malikhain pagdating sa mga balangkas ng mga storya. "Ah basta! Kahit gaano pa kahaba, gaano pa ka ganda ang pagkasulat baliwala ito para sa akin kung walang emosyon ito" Nais ko rin makapagsulat kung saan maabot ang puso ng mga nagbabasa at maging inspirasyon din.

Sinimulan ko ang aking pagsusulat ang aking bida ay pinangalanan kong Anghelita, hindi ako magaling sa pagpangalan kaya sinulat ko nalang ang akin. Binase ko siya sa mga aking mga nabasa, mapagkaibigan, matalino at laging naghahangad ng bago. Pero habang sinusulat ko ang librong ito naramdaman ko muli ang pagkaingit sa isang karakter, gusto kro rin maging katulad niya. "Siguro ganito na talaga ang tinadhana sakin". Mananatili na sa libro ko nalang mararanasan lahat na parang ako ang tauhan.

Nang lumipas ang ilang buwan ay natapos ko rin ang nobela na aking isinulat. Pinuno ko ito ng damdamin, maaring malaman pa nang nagbabasa ang emosyon ko nung ito ay aking sinulat. Ang pamagat nito ay "Kahidlaw" nakapalibot sa isang babae na pinangalang Anghelita kung saan ay naglakbay siya para makita ang mga tao na matatawag niyang pamilya. Siya ang tipong karakter na mahal ng marami, gagawin lahat dahil lang gusto niya ito.

"dapat ko bang igipit ang aking sariling kasiyahan"

Ng binasa ko muli ang aking isinulat. Naintindihan ko na ang aking pagkakamli, kahit ano pa ang paghiling mo ng pagbabago walang mangyayari kung 'di ka aaksyon. Hindi ko nakita ang tipong nasa harapan ko na, patuloy akong naghahanap habang walang nakikita. "Kakaiba nga ang librong ito!"

Dahil sa pagkmulat ng aking mata, aking inalathala ang nobela. Sana ay maging inspirasyon din ito sa mga nagbabasa

"Kahit ang kwento mo ay nakakamngha! Biniyayaan ka talaga sa pagkwento!" Saad ng mga tagapgbalita. Binuksan ko muli ang librong hawak ko. "Kahidlaw" Best Selling Book of 2025.

Nais mo ba na mahanap ang sarili mo?


tapos. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Torn Out PagesWhere stories live. Discover now