Kabanata 02

152 3 0
                                    

The smell of roasted coffee beans saturated the morning breeze of Thursday. Gaya ng nakagawian ko'y minabuti ko nang dumaan muna sa cafe na medyo malapit lang sa campus namin. Looking back at the things I had to deal with these past few days because of Leighne, ilalaban ko talagang deserve ko 'to!

She's getting more persistent each day. Walang pagkakataong pinalampas ang loka't maging ang pagsalubong sa akin sa gate ay ginawa na para lang kumbinsihin akong pumayag.

But she just ends up being disappointed everytime. Gano'n na nga siguro kalalim ang naiwang puwang ng pagsusulat sa akin, na maging ang stressful nitong fighting spirit ay walang magawa sa pagmamatigas na ginagawa ko.

Pero hindi ko rin maitatangging nakararamdam na ako ng pagod at pagka-konsensya sa paulit-ulit na pagtanggi sa kanya.

Idagdag pa ang hindi ko mapigilang kuryosidad tungkol sa kung ano nga ba ang nakataya't ganoon na lang ang desperasyong nagkukubli sa mga kilos ni Leighne. I heaved a deep sigh at that thought, softly tracing my fingertips over the cup of the cappucino I ordered a while ago.

Nang mapansing bahagya na pala itong lumamig ay sandali akong napasulyap sa relo ko't napagtantong alas-otso na ng umaga. Sa takot na muling mahuli sa klase'y dali-dali ko nang inayos ang mga gamit ko.

I was about to take the remaining few sips of my coffee, but then, a sudden burst of cold air came through the cafe. Nasundan 'yon ng minsang paglangitngit ng papasarang pinto, dahilan ng sandaling paglingon ko sa direksyon nito kung saan isang binata ang agad na nakapukaw ng atensyon ko. He's wearing an olive green puffed sleeves jacket layered over a plain shirt and grey trousers. Bahagya pa akong napahagikhik nang mapagtantong napasadahan ko agad siya ng tinging animo'y inaalam kung amoy baby powder ba siya.

"Jojowain po," pilya kong bulong sa sarili't ibabalik na sana ang atensyon sa ginagawa ko, pero shuta! Hindi sa feelingera ako ah, pero parang papalapit siya sa akin.

He even stared right into my eyes!

Na-conscious tuloy ako bigla't sandaling napaiwas ng tingin. Sinubukan kong pakiramdaman ang bawat hakbang nito, ngunit ganoon na lang ang pagkabigla ko nang sa muling pagbaling ay mayroon nang hindi maipagkailang distansya sa pagitan namin kasabay ang pagguhit ng malawak na ngiti sa labi nito.

"She's right . . . You do have a routine!" he exclaimed, and sat on an empty chair in front of me. "Paupo ha."

As if may choice pa ako. And so, I just nodded, and abstractedly watched him fix himself, until an idea popped into my mind.

"Ano kasi . . . Wait lang ha. You must be mistaken. As far as I remember, hindi blind date ang ipinunta ko rito," I uttered, then bit my lips, hoping that I got the pieces right. Hindi naman na bago sa akin ang konsepto ng ganoong mga bagay, pero shocks, parang masyado naman yatang bata tingnan ang lalaking 'to kung kikilatising mabuti ang kanyang mukha. Nabudol lang pala ako ng outfit kanina. Eh parang kaedad lang 'to ng bunso namin!

He even blinked a few times, probably trying to compose himself after hearing what I just said. "Blind . . . date?" tila hindi makapaniwala nitong bulalas.

"Your expressions, gestures! Even your . . . " I trailed off, and looked over him once more. "Clothes. They screamed about a guy trying to impress someone . . . You look a bit too young for that kind of things though. Gano'n na ba ako ka-outdated sa mga hilig ng kabataan ngayon?" Grabeng bunganga na talaga 'to, ang hirap pigilan!

He stared at me for a moment, amusement glinting through his eyes. At nang bahagyang mangunot ang noo ko'y tuluyan na itong humagalpak ng tawa na siyang ikinataka ko naman lalo. Hindi pa ba siya aalis sa harapan ko? Or was he trying to save this spot? If that's the case, hinintay na lang sana niya akong makaalis bago tuluyang lumapit dito. Lumuluwa ba 'to ng ginto para mag-adjust ako, eme!

CIENNA ALMENDRA SERIES #1: Hush Of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon