Chapter 19

98.7K 1.4K 14
                                    

=CHAPTER 19=

"Pwede pa ba?"

Paulit ulit na pumapasok sa utak ko iyong tanong niya sa'kin kanina. Hindi ako nakasagot. Napatitig lang ako sa kaniya. Hayy, naguguluhan pa ko. Kaya ko ba? Hindi ko rin alam kung ano isasagot ko eh. He said he'll give me time to decide. Nagbago talaga siya simula noong nalaman niya lahat. Pinakulong niya nga si Roman?! Pinsan niya iyon para lang sa'kin? Samantalang noong una kami nag kita halos itulak niya ko sa putikan dahil sa sobrang galit.

"Prim? Tara na? Are you ok? You're spacing out nanaman ah." Nagaalalang tanong ni Xyra sa'kin. Umiling ako agad at ngumiti sa kaniya.

"Ok lang ako. May iniisip lang." Simpleng sagot ko. Mukang naniwala naman siya. Kinuha ko ka ang envelope na kailangan sa meeting at sumunod na ko kay Xyra papunta ng conference room.

Habang nagmimeeting ay lutang ang utak ko. Hindi naman ako bitter o galit sa kaniya noon, basta umiyak lang ako ng umiyak at niluyan na siya. Ni wala nga kaming break up dahil basta na lang ako hindi nagpakita. Hindi niya din naman ako hinanap o kinausap kaya naging malinaw sa'kin ang lahat na ako na lang ang bumubuhat sa relasyon namin dati. What if mangyari ulit iyon? Paano kung masaktan ulit ako? Paano kung pinaglalaruan niya ako ngayon pa lang? Its hard for me to trust him. Hindi niyo naman ako masisisi kung mahirapan ako magtiwala kung niloko niya ako noon.

Tsaka hindi lang isang babae ang nababalitaan ko noon na nakakasama niya matapos ko wag magparamdam. Iba ibang pangalan. Masakit na nga iyong isa eh iyon pa kayang iba iba pa? Sa tingin ko hindi pa ko ready. Oo, masyado nang matagal ang 7 years para maayos ang tiwala ko pero hindi rin kasi di naman niya pinapatunayan na wala siyang kasalanan o anuman eh. Noong una nga lang kami nagkita may kasama at kahalikan siyang babae sa parking lot. Hayy. Yckos naman.

"I think we are done here. See you again next meeting." Nagising na lang ako sa malalim na pagiisip nang sabihin ni Xyra iyon. Tapos na pala ang meeting? Ang bilis naman. I saw her rushing out of the conference room hindi ko na lang pinansin. Kinuha ko na lang ang mga papeles at lumabas na din.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng conference room ay nakita ko naman agad si Yckos na kapapasok lang ng elevator. May kausap siyang babae na matanda siguro ng isa o dalawang taon sa'kin. Siguro kaedad niya lang o ano. She's wearing a black leather pencil skirt and white lose blouse. Ang ganda niya. Nakita ko pa silang tumatawa bago magsara ang elevator. Mukang hindi ako napansin ni Yckos. Parang may nakabara sa lalamunan ko na hindi ko malunok. Bumuntong hininga na lang ako.

Bumalik na ko sa office ni Xyra para ibigay ang mga papeles na kaylangan ng pirma at approval niya pero nabigo ako dahil wala siya doon. Nasan na kaya siya? As on cue biglang nag ring ang phone ko. Nakita kong nag text si Xyra.

Xyra:
I have a dinner with the Venturas! Wish me luck emeghed!

---

Napangiti na lang ako habang nilalapag ang mga papers sa table niya. Ventura? Yung lalaking akala mo pinaulanan ng kagwapuhan? Ano ba meron sa kanila? Curious naman ako. Bago pa ako makalabas ng office ni Xyra napansin ko naman ang pagpasok ni Ares. Nanlaki ang mga mata ko at nilapitan ko siya.

"Oh, Ares? Ano ginagawa mo dito?" Ngumiti ako. Laki na niya. Lumipat ang tingin ko sa babaeng nasa likod niya. Teka. Tao ba siya o manika? Ang ganda niya. Blue eyes din? Whats up with them at sa mga blue eyes? Parehas ng taste si Xyra at Ares?

"Umalis na ba si Ate?" Simpleng tanong ni Ares sa'kin. Grabe habang tumatagal mas nagiging kamuka niya si Yckos.

"Oo kanina pa umalis eh." Tumango lang siya at nagmadaling umalis. Wow nagmamadali? Matapos ang oras kong pagtatrabaho, uwian na. Medyo nag overtime ako dahil sa pagsagot ng mga emails.

Ano kaya sasabihin ko kay Yckos. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Madami din naman siya kailangan ipaliwanag sa'kin. Madami din naman akong tanong sa utak ko. I was on my way out nang may kumuha sa pansin ko. Iyong babaeng kasama ni Yckos kanina, nandito siya sa loby. Parang may hinihintay. I bet si Yckos ang hinihintay niya, psh! At wala pang isang minuto bumukas ang kabilang elevator at niluwa noon si Yckos na naka white botton down polo na lang. Binigay niya ang coat sa babae at masaya naman niyang tinanggap ito.

Teka nga? Bakit pa ba ko nandito? Tumalikod na ko at naglakad palabas nang building, silently prayin in my head na wag nila ako mapansin. Pero minamalas ako ngayon! Dahil...

"Prim! Uwi ka na? Bye bye ingat!" Napapikit ako ng mariin at tumingin sa likuran ko. Nakita ko iyong kakilala ko sa front desk na kumakaway sa'kin. Lagi niya ko binabati pag uuwi na ko kaya lang wrong timing siya ngayon grr!

Napansin kong napatingin si Yckos sa'kin. Winagwag niya pa iyong kamay nung babae niya na nakapulupot sa braso niya. Psh! Magsama nga kayo jan! Tinalikuran ko na lang ulit sila at mabilis na naglakad palabas. See?! Sino ba hindi mahihirapan sumagot kung ganyan ang ugali niyan ni Yckos!? Grr! Nakakainis siya!

Always Been You. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon