Ella
Tok Tok Tok !
Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pintuan. Agad akong bumangon at bahagyang napatingin sa nakabukas na bintana. Madilim na sa labas. Hindi na ako nag abalang tumingin sa orasan para makita ang eksaktong oras.
Agad na akong bumangon, mukhang nagmamadali ata ang kumakatok dahil sa sunod-sunod na ingay na naririnig ko mula dito sa kwarto. And it sounds irritating.
"Sandali" iritado kong sigaw. Isa sa mga bagay na ayaw na ayaw ko ay yung naabala ako kapag natutulog.
Bahagya akong napa kunot noo pagkabukas ko ng pinto. Pakiramdam ko nag black and white ang buong paligid at biglang lumitaw sa harapan ko si Jose Rizal.
Tumambad sa akin ang isang lalaking nakatayo. Hindi katangkaran nakasuot ng brace at may roong makapal na salamin na tumatakip sa di kalakihan nitong mata. Nakasuot ng polo na abot hanggang leeg ang pagkakabutones. Bahagyang nasa side ang buhok nito na panahon pa ata ni Lapu lapu ang istilo.
Napaangat ako ng kilay, anong meron at bakit naisipan akong dalawin ni Rizal? Bahagya akong natawa sa naisip ko.
"May kailangan ka?" masungit kong tanong sa hindi pa nakikilalang lalake. Mukha siyang mas bata sa akin dahil sa impis niyang katawan pakiramdam ko liliparin to oras na humangin ng malakas.
Hindi naman ako mapang lait nagsasabi lang ako ng mga bagay na nakikita ko.
"A eh ano .."
"Totoy nasasayang ang oras ko may sasabihin ka ba o wala?"
Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mata niya na nakatago sa ilalim ng suot niyang makapal na salamin. "Ha a-ano hindi na ako totoy !"
Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinili ko na lang na hindi tumawa. Kainis bakit ba lagi akong natatawa sa mga bagay na hindi naman dapat?
"A-Ano kasi kapitbahay mo ako uhm nakatira ako sa tabing unit mo bago ka dito diba?" medyo nanginginig na sabi nito hindi niya alam kung natatakot ba ito sa kanya o sadyang ganun talaga ito magsalita.
"Oo. May kailangan ka ba? Nasasayang ang oras ko."
"Ha eh ano pasensya na ! Eto oh lasagna nagluto kasi ako at napasobra baka sakaling gusto mo ano pa welcome ko na din sayo" kakamot-kamot sa ulong sabi nito.
Napataas ang kilay nya dahil sa sinabi nito. Balak pa ata syang pakainin ng tira-tira nito. Napatingin sya sa plastic na tupperware na dala nito actually ngayon niya lang napansin ang bitbit nito.
Iniabot sa kanya nito ang tupperware. Bahagya syang nag dalawang isip kung tatanggapin ba ito o hindi. Muli siyang napatingin dito.
"Salamat Jose" napabuntung hininga niyang sabi.
"Huh? Jose? Hindi Jose ang pangalan ko !"
Nanlalaki ang mata ko ng marealize kung anong lumabas sa bibig ko. "Kamukha mo kasi si Rizal ! Salamat dito. Makakaalis ka na"
Agad niyang sinara ang pinto at dumiretso sa kusina. Naiwan namang tulala ang lalake sa harapan ng pinto na hindi maintindihan ang sinabi ng dalaga.
Pagka diretso niya sa kusina kumuha sya ng tinidor at binuksan ang tupperware na bigay ni Jose. She decide ko call him Jose since hindi naman ito nagpakilala sa kanya at may hawig talaga ito kay Rizal malay niya ba kung Ancestor pala nito ang sikat na bayani.
She start digging in to the food. Tinatamad na din naman syang magluto at mukhang safe naman kainin ang lasagna ni Jose. Mabubusog na din sya dito.
BINABASA MO ANG
A New Found Fairytale
RomanceA story where you dont need to be a princess to have a fairytale and happy endings.