MAXINNE'S POV...
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng main entrance sinalubong agad ako ng maingay na tugtug, mausok at ibat ibang na ilaw na umiikot. Nahihilo ako sa ilaw jusme, matagal tagal narin ako nakapasok dito. Kaya tumambay na ako malapit sa VIP room na nireserve daw para samin ni Hershey, inaantay ko sila at nakakainip rin dahil almost fifteen minutes na ko kaya nagpasiya ako na magpunta comfort room naglalakad naman ako isang hallway may mga nakatambay na mga tao pero konti lang nagulat nalang ako may lumapit na babae sakin
"Hey you! kiss me!" sabi ng lasing na babae na palapit ng palapit saakin at ako ay di makagalaw sa aking kinakatayuan, kahit mukha niya di ko rin makita ng malinaw dahil madilim at kaunti linaw lang ang nabibigay ng party light
Nagdadalawang isip ako kung aatras ba ako or aalis sa dadaanan niya baka kasi di naman ako yung sinabihan niya pero patalikod palang ako ay hinila na ako ng babae. Kumabog ang puso ko ng hapitin niya ang bewang ko at nilapat niya ang noo niya sakin. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa brown eyes niya na may shade of dark. Nakatitig siya sakin at nakakunot ang noo at napansin ko bumaba ang mga tingin niya sa labi ko pabalik sa mata kaya napakagat ako sa ibaba kong labi
Please Lord tulong!
Walang pasintabi o hiya-hiya na sinunggaban agad ako. Grabe naman apekto ng babae na ito dahil sobrang kinahaban ako at walang magawa. Pero nasasarapan ako shet!
Kumawala ang puso ko ng ilapat nya ang labi niya sa labi ko. Nakapikit sya samantalang nakatingin ako sa kaniya ng gulat na gulat. Parang huminto ang oras sa ginawa niya. Feeling ko ay dalawa nalang kaming tao dito. Para bang slow motion ang paligid namin. Napakalakas ng tibok ng puso ko parang gusto lumabas sa dibdib ko. Her lips taste mint strawberry and I'm getting addicted to it.
Ansarap niya
Pumikit nalang ako at binalik ang halik ng babae kaso ilang segundo biglang ako nitong tinulak pero nanatiling nakapikit ang mata hanggang iminulat ko wala na siya sa aking harapan
"Sino kaya yun?" bulong ko sa sarili ko at inalala ulit ang mga nangyari
"Maxy! sorry naghintay ka may inasikaso lang ako sa bahay kanina kaya nagpasundo ako kay Noah. Nandiyan na ba ang iba?" tumikham naman ako sa sinabi ni Mia sabay bumeso sakin. Nanatili akong tahimik dahil ramdam ko sa sarili ko na namumula ako sobra buti madilim at di halata
"Ah-eh w-" utal utal kong sagot
"okay ka lang ba?" nagaalalang tanong
"Oo naman! tara na!" ngiti ko dito at bigla nalang ako hinapas sa braso
"bat nanghahampas!"
"Bakit ka sumigaw kasi" hampas ako nito pabalik pero sobrang lakas kaya napahimas nalang ako ng braso kasi masakit talaga lalo na mabigat kamay niya.
"Kasi maingay yung music!"
"Ewan ko sayo" pagsusungit nito
Agad kaming pumunta sa pinareserve na table. Lumingon-lingon ako para tignan kung paparating na ba ang mga ibang kaibigan namin. Habang naglalakad kami may nag ge-greet kay Mia at siya naman ay panay ngiti nalang at ako? ayun sumusunod lang. Mga peymus kasi hmp.
Nandoon na pala ang mga hilantod sa table kaya bumesohan sila na ako naman ay tinanguan ko nalang sila na may kaunting ngiti. Umupo naman agad kami.
Unang shot at inomin palang namin ay napamura na si Zian at Mia. Sunod sunod yung inom namin hanggang sa umiyak na nga si Mia.
BINABASA MO ANG
Alecxandra Eunna Guerrero
Romance"alam niyo yung masakit? sinanay niya akong nandyan siya pero bigla nalang siya umiiwas" "sana di nalang kita ginusto ng sobra, pero ito ako. Mahal na mahal ka" mahinang bulong ko at pinipilit na huwag patakasin ang mga luha sa aking mga mata. "Mahi...