intro

84 3 1
                                    

A\N: Hallo, first time hehe hope you enjoy dis :D

----

Uy hey!! Kamusta? Ako okay lang. Kilala mo ba ko? Malamang hindi kasi first time ko lang 'to. Nasaan nga ba ako? Ay oo nga pala, na sa hell kasama yung iba kong kaklase. Hell. At si Ma'am.

Magpapakilala na nga ko. Ako nga pala si-

"KIM TAEHYUNG NAKIKINIG KA BA?"

Tae, kailangan sumigaw Ma'am? Na sa harap mo lang naman ako.

"Taehyung, sino ba nanaman 'yang kinakausap mo? Kaibigan mo nanaman?"

Jusko dakdak pa 'to si Ma'am. Alam naman niya na hindi ko siya iimikin eh. Kelan ko ba siya inimik? NEVER.

"Hay.. Okay class, open your books on page 56. Basahin niyo 'yan ngayon at bukas may graded recitation tayo."

As usual, wala umimik. Ganyan dito sa klase namin, wala talagang umiimik. Lalo na kapag may teacher sa harap. Mabait ba? Hindi rin. Sa sobrang tahimik, it's killing me. Wow! Engrish hehe..

"Pupuntahan ko lang ang Faculty at kailangan ako doon."

Palabas na sana siya kaso bumalik. Sayang.

"And please lang, wag kayong maingay."

At kasabay ng paglabas ni Ma'am, ay lumabas na ang mga tunay na anyo naming magkakaklase. Aba't nag-ingay na sila.

Dahil ako si Kim Taehyung ngayon sa harapan niyo, at napakabait kong tao (weh), dadaldalin ko muna kayo habang pinagbabasa kami nito ni Ma'am.

Kilala niyo naman na ako kaya di na ko magpapakilala. Paulit-ulit eh no? So yun nga. May klase kami ngayon, baka hindi pa kasi halata kaya sinabi ko na.

Tinatawag kaming Class D, kahit na hanggang Class C lang. Special class daw kami kasi, special daw kami- parang siopao lang. Ewan ko nga kung bakit eh, mula pagpasok naming 6 dito sa school na 'to, dala namin ang Class D hanggang ngayon.

Kagaya ng ibang section, section na lang para mas madali, parehas lang mga subject namin. Math, Science, English, Filipino, PE, etc. Pero meron din kaming mga additional subjects na kami lang ang meron, siguro dahil sa conditions namin. Ah.. yun siguro dahilan kung bakit "special" kami.

Mga subjects na Anger Management, Values Education ganon. Seriously, sino pa bang may interes na pag-aralan ang ValEd? I mean, diba dapat sinasabuhay na lang 'yan? At buti na lang once a week lang namin 'yang subject, kundi ipapasugod ko talaga yung principal niyong eskwelaha-

"Taehyung! Tara break na tayo!"

Nilingon ko kung sino man ang nag-interrupt ng daldalan natin. Kita na ngang nakikipag-usap sayo eh, sasabat naman 'tong isang 'to.

"Bakit naging tayo ba Mijoo? May boyfriend ka na diba?" Pagbasag ko sa kanya hehheheheheheh- ehem.

"Edi wow. Dali na Taehyung. Kung ayaw mo bigyan mo na lang ako ng pera dali!! Bibili ako ng piattos."

"Yuck kadiri ka, pawink-wink ka pa. Eww~ Oh eto. Kaaga-aga, chichirya na agad. Kaya ka tumataba eh"

Binigyan ko na lang siya ng bente para sa ikakatahimik niya. Jusme, di ko na rin naman alam kung anong gagawin kaya natulog na lang ako.

Kunwari.

At biglang dumating ang isa sa pinaka-ayaw naming tao sa mundo.

Si Sir Hoseok.

Ang vice principal.

At isa lang ang masasabi ko.

Shit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon