Hinayaan mo kasi

9 0 0
                                    

Eto na naman ako, hinayaan ko na namang may isang lalaking, maginvade sa buhay ko. Kaya eto, nasasaktan na naman. Ang cliche na nung nangyayari sa buhay ko. Pangalawang beses na to. Choice ko na to, hindi na to nagkataon lang.


Sa ngayon, naFriendzone ako. Hahahaha! Tangina na naman diba? Masyado naman ata kong naging friendly </3 Potek. Hindi ko na alam ang gagawin ko, pano ba naman kasi? Yung ginawa kong harang para sarili ko para hindi masaktan. Ibinababa ko para sa kanya. Kasi, umasa akong masusuklian na ko ng pagmamahal na matagal ko nang hinahanap. Kaso hindi e, HAHAHA! tangina, wala akong makausap tungkol dito. Alam mo yon? Wala, ang hirap hirap, ngayon ko lang naexperience tong ganto.

Andun na naman ako sa point na ayaw kong tingnan o hawakan ang cellphone ko kasi alam kong hihintayin kong tumunog yon at mageexpect na magtetext siya. Kahit kaya naman niya na hindi ako katext kasi nga. Magkaibigan lang naman kami e. Hahahahah! Pucha ang sakit non :)

Alam mo ba yung pakiramdam na, alam mo naman yung dapat gawin pero hindi mo ginagawa kasi at the back of your mind umaasa ka na baka sakaling, makaramdamn siya, baka mapansin ka niya. baka sakaling makita niyang may isang babaeng naghihintay sa kanya. Pero alam mo naman diba yung reality dba? Na hindi talaga, na wala talaga, umaasa ka lang. UMASA KA KAYA KA NASASAKTAN. Naiintindhan mo ba ko? Masakit, Oo, kasi siya yung tipo nang lalaking alam kong kaya kong mahalin kahit ano pang gawin niya, nasabi ko na ba to sa iba? Hindi pa ata? Yung bang tipo nang lalaking, sobrang bait niya. Ang bait bait niya. Hindi mo mararamdaman yung nilalandi ka niya. Walang ganon. Sobrang gentleman, sobrang magalala, sobrang maging concern. Pota. Magkaibigan nga kasi kami. Natural lang kasi yon sa kanya. Kita ko naman kahit kanino ganon siya :) Masyado ko lang atang pinilit sa sarili kong maging more than friends agad kami. Kasalanan ko to. Sino pa ba? Dibaaa? Hinayaan ko kasi yung sarili kong mahulog sa kanya kahit alam kong sa umpisa pa lang, wala nang sasalo sakin, I take the risk because I thought he would catch me, pero ang naging ending, yung pinakakinatatakutan kong mangyari sakin ulit, nangyari na naman. Ang malas ko nga talaga pagdating sa mga ganto. Ang bullshit lang talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hinayaan mo kasiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon