SEASHORE:PART 1

49 15 7
                                    

PART 1

"We're done!" Malamig niyang wika sa kaharap na binata habang humihigop ng kape. Tumingin siya sa labas ng coffee shop kung saan siya ngayon umiinom ng kape habang kaharap ang lalaking ex-boyfriend niya sa ngayon pa lang. Pinagmasdan niya ang mga sasakyan na dumadaan sa labas ng shop makaraan ng ilang minuto nang wala siyang narinig mula sa kaharap na binata ay ibinalik niya tingin dito. Pinagkatitigan niya ang mukha nito na parang hindi makapaniwala sa narinig, maingat niyang inilapag ang tasa na kanyang hawak sa mesa saka tumayo. Binuksan niya ang kanyang dalang sling bag saka kumuha ng pera sa wallet at inilapag ang pera katabi ng tasa bilang pambayad ng kanyang ininom na kape.

She smirked. "Mauna na ako."

Nakatulala ang binata sa kawalan habang nakabuka ang bibig, napailing na lang siya sa naging reaksyon nito. 'Sino nga ba naman ang hindi matulala kung ang isang playboy ay biglang hiwalayan ng nobya nito with no hard feeling pa diba?'. Napatawa siya sa sinabi ng kanyang isipan, inihakbang niya ang kanyang paa palabas ng coffee shop na nakataas ang noo. Alam niyang mataas ang kanyang pride at buo na ang kanyang buwan kapag nakikita ang hindi makapaniwala na mga mukha ng mga binata kapag nakikipaghiwalay siya dito. Masaya siya na makitang naramdaman din ng mga ito ang sakit at hindi maipaliwanag na damdamin dahil sa pag-ibig.

Hindi pa siya tuluyang nakalabas ng coffee shop ng marinig niya ang sigaw ng binata sa kanyang pangalan. Naramdaman niyang hinabol siya nito, hindi niya ito nilingon. Marami siyang nakasalubong na mga tao at hindi nakalagpas sa kanyang paningin ang mga yummylicious na binata, kinindatan niya ang mga ito at pasimpleng nginitian, tinulak niya palabas ang pinto ng coffee shop. Mainit na hangin ang dumampi sa kanyang balat na hindi naman niya ininda.

Napatigil siya sa kanyang paglakad ng maramdaman na may pumigil at humawak sa kanyang braso, walang alinlangan na mabilis niya itong hinawakan pagkatapos ay pinilipit ang kamay nitong humawak sa kanyang braso. Napasigaw ito sa sakit, dahil sa lakas ng sigaw nito ay pinagtitinginan na sila ng mga tao ngunit wala siyang pake alam.

Nakataas ang kilay na tumingin siya sa mga tao na nakatingin sa kanila. She smiled sweetly to them. "I know that i am too beautiful but please stop looking at me," matamis na ngiti ang kanyang ipinakita sa mga ito.

"Ahh! Sh-t!. It's hurt, Aila. Bitawan mo ako!" Ungot nito kaya pasakdol niya itong binitawan. "Now, what?" Seryuso niyang tanong dito, she crossed her arms.

"Hindi ako payag na maghiwalay tayo." Napatawa siya sa sinabi ng binata. Hinila niya ang leeg nito, inilapit niya ang mukha nito sa kanyang mukha na ilang dangkal na lang ang pagitan.

"I don't care. Hindi ko naman ikaw tinanong kung payag ka ba o hindi." Matigas niyang saad dito habang nakipag tagisan ng titig sa binata. Walang pasabi na hinalikan niya ang labi nito na agarang sinagot naman ng binata ngunit bago pa lumalim ang kanilang halik ay marahas niya itong tinulak habang nakangisi. She wipes her lips using her tumb while looking at him. Tumaas ang isa niyang kilay ng mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. 'He likes my kiss huh' na ikinalawak nang ngisi sa kanyang labi.

"We're already done, pabaon ko lang ang halik na 'yun." Once again she smirked before she turned her back to her ex-boyfriend. Dumiretso siya kung saan naka parada ang kanyang sasakyan saka pinaharurot ito palayo sa coffee shop.

SINARA niya ang pinto ng kanyang sasakyan matapos kunin ang kanyang sling bag sa passenger seat. Tinahak niya ang maliit na sidewalk mula sa garahe patungo ito sa pintuan ng kaniyang bahay. Ini-angat niya ang masetera na may tanim na bulaklak na malapit sa kanyang pintuan, nakita niya ang susi ng kanyang bahay sa ilalim nito na inilagay niya doon.

Kinuha niya ang susi pagkatapos ay binuksan ang pintuan ng kanyang bahay. Ibinaba niya ang kanyang sling bag sa nadaanan na couch at dumiretso siya papuntang kusina. She opened one of the cupboards and she grabbed a cup of noodles. Inilapag niya ang cup noodles sa mesa at kinuha ang termos pagkatapos ay binuksan ito, binuksan niya din ang cup noodles para malagyan ng mainit na tubig.

Nang matapos niyang malagyan ng mainit na tubig ang cup noodles ay hinila niya ang isang upuan sa mesa at umupo habang hinihintay na maluto ang noodles. She opened her cell phone and she got a one message from her best friend, Janine.

She read it out loud. "Date tayong tatlo bukas may i-shashare akong good news!" Napangiti siya pagkatapos mabasa ang mensahe ng kanyang isang kaibigan na si Janine.

Masaya na ito ngayon sa kanyang buhay na may asawa and she support to her bestfriend happiness. Four years had passed when her bestfriend married and four years had passed when she decided to let go the man she loved more than her life. Akala niya noon sapat na sa kanya na makasama niya ang binatang matagal niya nang minahal, akala niya manhid na ang kanyang damdamin kahit alam niya na walang tsansang ibalik din nito ang pagmamahal na kanyang ibinuhos sa binata. Alam niya sa kanyang sarili na siya ang basta-basta umangkin sa binata na maging nobyo niya na ito kahit hindi nito gusto ay ipinagsiksikan niya sa binata ang sarili hanggang sa umabot ang araw na hindi niya na talaga kayang mag kunwaring bulag.

Inalis niya ang kung anong alaala na muling pumasok sa kanyang isipan na tila nanariwa ng sakit na kanyang naramdaman noon. She opened her noodles, kumuha siya ng kutsara at humigop ng sabaw nito bago tumipa ng i-replay sa mensahe ng kanyang kaibigan.

Napangiti siya ulit ng biglang tumunog ang kanyang cellphone pagkatapos niyang ipadala ang sagot sa mensahe nito ay nagpadala ulit ang kanyang kaibigan ng mensahe. Capslock na 'thank you' ang ipinadala ulit ng kaibigan.

Tinapos niya ang kanyang kinakain na cupnoodles saka itinapon sa basurahan ang pinagkainan niya. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng kanyang bahay dito sa Baguio, naglakad siya patungo sa kanyang silid upang maghanda ng damit na susuotin para bukas. Magluluwas siya ng manila, apat na taon siya na hindi pumunta doon dahil iniwasan niyang makasalubong ng landas ang binata na kanyang kinamumuhian.

Right now maybe handa na siyang makasalubong at makita man ito kung sakali. Sigurado na siyang hindi na muling titibok ang kanyang puso sa binata. Apat na taon, sa apat na taon hindi niya na mabilang sa kanyang kamay at paa ang binatang kanyang pinaglaruan.




VACATION 2:SEASHORE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon