Chapter one

10 3 0
                                    


NAALMIPUNGATAN ako sa tunog ng aking alarm clock. Pinukupok ko ito hanggang sa tumigil na sa pag tunog. Pupungas- pungas naman akong tumayo at dumeretso na sa banyo para maligo. Ala singko na kasi at Ala sais ng umaga ang pasok namin. Sigurado akong late na naman ako nito at mapapagalitan  ni Ma'am flatty bird.  Binilisan ko na ang pag-gagayak dahil quarter to six na ng matapo s akong maligo.



Nagmamadali akong bumaba para maka-kain na dahil ang ayaw ko sa lahat ay yung gutom sa umaga. Naabutan ko naman si mama na nagluluto ng umagahan sa kusina. Napalingon ito sa akin ng kayapin ko siya sa likuran. Natawa naman siya ng pupugin ko soya ng halik sa pisnge. Ito na ang nakasanayan kong  gawin sa umaga dahil kaming dalawa nalang ni mama ang magkasama kaya sobrang pagmamahal ang binibigay ko sa kanya.

" Good Morning my mama!" Bati ko rito

" Good morning din maganda kong anak"  natatawang bati rin ni mama

" Oh, siya. Tama na ang pang-uuto at bilisan mo ng kumain at male-late ka na naman sa school." Natatawang ani niya kaya napanguso ako. Natawa naman siya ng makita ang mukha ko. Sinimulan ko nang kumain at sumabay naman sakin si mama. Nang matapos na kami ay hinugasan na niya ang pinagkainan at binigay na sa akin ang baon ko. Humalik muna ako sa pisnge niya bago lumabas ng bahay. Pumara naman ako ng tricycle sa may kanto at nagpahatid na sa aming school.


Nang makarating ako roon ay konti nalang ang estudayante na nakikita ko dahil, as usual, late nanaman ako. Tumakbo na ako papuntang classroom. Hinihingala ko ng kumatok ako sa pintuan ng room.


"Good morning ma'am. Sorry I'm late" paghingi ko ng paumanhin sa kanya at tinanguan lang niya ako marahil ay  sanay na siya sa akin. Bilang lang sa daliri ang pag pasok ko ng umaga.  Pumnta naman na ako sa upuan ko sa bandang likuran at nakita roon ang best friend kong babae. Kumaway siya sa akin at kumaway rin ako pabalik. Weird.


Nakinig lang ako buong oras ng pagtuturo ni ma'am flatty bird. At ng matapos na ang klase niya sa amin ay nagpaalam na ito. Lumapit naman sa'kin ang best friend ko.  Napatitig ako sa mukha niya habang tumatawa siya.  Something  change.  I don't want to tolerate what I'm thinking kaya tinanggal ko na ito sa isip ko. 

Maganda  si Briana. Kaya maraming lalaki ang nagkakagusto sa kaniya.  She look like Anne curtis - na may halong nancy ---- nancy binay. Char. Marami rin nagsasabi na maganda ako but I'm  just ignoring  it. Mga mema  lang naman sila. Echos sila.

" Naiintindihan mo ba sinasabi ko?" Naka kunot noong tanong niya. Tumango lang ako sa kanya dahil hindi ko talaga naintindihan ang mga sinasabi niya. Kayo kasi eh. Napansin niya na hindi ko talaga alam ang mga pinagsasabi niya ng kumamot ako sa aking ulo. Napabuntong hininga naman siya.

" Ang sabi ko... Birthday ni kuya sa sabado. Pinapa punta ka niya."

" Ahh. Sige pupunta ko. Marami bang tao na pupunta?" Tanong ko sa kaniya. Umiling  naman siya sa akin.

" Tayo- tayo lang naman. Konti lang din kasi yung handa" tumango nalang ako dahil  dumating na ang susunod na teacher namin.




NATAPOS ang oras ng klase at naghahanda  na  ako para umuwi ng lumapit sa akin si Briana. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. 

" Samahan mo muna ko sa bahay. Wala sila mama doon ehh. May pinuntahan sila" parang nung nakaraan lang hindi ako pinapansin neto ah?. Nag-iba na ba ihip ng electric  fan nila? Ngumiti naman siya sa akin at kumawit sa braso ko. Nitong mga lumipas na  linggo, lagi akong  napapatulala kay  Briana. Tuwing tatawa siya napapangiti rin ako. Tomboy ba ako?. Pero the last time I checked straight  naman ako, may crush pa nga ako eh. Pero ewan ko ba. Tuwing u,iiyak siya, malungkot ako, tuwing nakikita ko siyang  masaya, masaya rin ako. Naguguluhan ako. Siguro kaya ko ito nararamdaman kasi bestfriend ko siya. Oo tama, yun lang yun. 




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Kung alam ko lang "Where stories live. Discover now