Chapter 3

11 0 0
                                    

Pabalik na kami ni Jade sa room namin. Nakita namin na naglilibot na rin sa campus sila kuya Austin para maghanap ng model nila.

"Bakit hindi ikaw 'yong gawin nilang model? Magpapahirap pa sila ng hanap ng model kung pwede namang ikaw"

"Ayaw ni kuya"

"Bakit?!" oa na tanong n'ya.

"Napikon ko 'yon kahapon 'di nga ako pinapansin ngayon e" natatawang sabi ko.

"Gaga ka mapang-asar ka talaga 'no"

"Hehe"

Nasa room na kami at halos lahat ng kaklase ko ay andito na. Naupo na'ko sa upuan ko. Pagtingin ko kay Alas meron parin s'yang kachat. Grabe na ano topic n'yo?

Sinubukan kong silipin kung sino 'yong kachat n'ya. Biglang s'yang humarap sa'kin kaya agad naman akong nagkunwaring nagmamasidmasid sa paligid.

Tiningnan ko uli s'ya, bumalik na s'ya sa pagchachat n'ya. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil 'di n'ya ko pinansin.

"Guys! Wala daw klase ngayon dahil may meeting, 'wag daw mag-ingay sabi ni ma'am" pag announce ng president namin. Nag-ingayan naman 'yong mga kaklase ko.

"Kakasabi lang na 'wag mag-iingay 'di ba kayo nakakaintindi?!" galit na sabi ng president namin.

Nagkatinginan kami ni Jade at parehas nga kaming natatawa. Sorry ang sama na talaga namin HAHAHAHA.

Nagsitahimikan na nga mga kaklase ko at nagkaroon sila ng kaniya kaniyang mga ginagawa. Tumayo ako para sana lumapit kay Jade kaso biglang nagsalita si Alas.

"Ahm Iya?" pagtawag n'ya sakin.

"Hmm?" lumingon ako sa kan'ya.

"Pwede ba magpasama sa'yo sa canteen?"

"Oo naman"

"Thank you" pasalamat n'ya tapos tumayo na.

Pinauna ko s'ya at sumunod lang ako. Nasa likod n'ya ako at s'ya nasa unahan ko. Maya maya pa hindi ko namalayan na huminto s'ya kaya tumama ako sa likod n'ya.

"Aray" mahina na daing ko tapos humawak sa noo.

"Sorry" nag-aalalang paumanhin n'ya.

"Hindi okay lang, bakit ka ba kasi huminto?" tanong ko at tinanggal na 'yong kamay ko sa noo.

"Because I taught I was walking too fast" pagpapaliwanag n'ya

"Hindi naman e"

"Then bakit nasa likod kita? Hindi ka sumabay sa'kin?"

"Kasi-" baka makita tayo ni kuya Austin at kung ano isipin no'n hindi pa nga ako pinapansin e baka tuluyan pa akong hindi pansinin no'n. "Wala lang HAHAHA" awkward na sabi ko kaya napakamot nalang ako sa batok ko.

"Tara na" sabi ko at nagpauna. Sumunod na rin s'ya sa'kin.

Tumingin ako sa paligid kung nando'n si kuya Austin at nakita ko nga s'ya nakaupo sa gilid at nakatingin sa'kin, no'ng makita n'yang nakatingin ako agad s'yang umiwas.

Pumasok ako sa canteen na parang naiiyak. Ang dami ko ng kasalan kay kuya Austin. Bibilhan ko na nga lang s'ya ng pagkain.

No'ng makapili na ako, binayaran ko na ito at hinintay ko na lang si Alas na makabili rin. Pagkatapos n'yang magbayad lumapit s'ya agad sa'kin at umalis na nga kami.

UnexpectedlyWhere stories live. Discover now