"Daniel, agahan mo sa school! Bro, makikita mo na project mo mamaya! 'Di ka ba excited?" Pang-aasar ni Lester kay Daniel. Malamang.
Daniel's on the phone with Katsumi and Lester. Pano, ang aga-aga nasa school na 'yung dalawa. Excited eh.
"Mga siraulo. Kayo excited eh, aga-aga niyo diyan." Sagot ni Daniel habang nags'suot ng socks.
Maaga sila papasok ngayon kasi... wala, trip lang nila'ng lima.
"Excited kami para sa'yo! Wooh, 'yung mga condo namin ah! Lamat!" Sabi ni Lester sa kabilang linya at inend 'yung call.
-
Papunta na ang Parking Five sa kanilang room.
"Bro, may homework ka? 'Yung sa ano, sa...," Tanong ni Seth pero Jc cut him. "Sa chem?"
"Ah, 'yun! Oo, sa chem?" Pagtuloy ni Seth.
"Naks, studyante. Naga'aral." Pang-aasar ni Katsumi kay Seth.
"Studyante pala 'yan? Kala ko janitor. Sorry 'pre." Sabi naman ni Daniel habang tinatapik-tapik ang balikat ni Seth.
"Huy, ano ba. Si Manong guard 'yan, rumespeto naman kayo." Sabi ni Lester na nagp'pigil ng tawa.
Natawa na lng ang nagkakaibigan at sunod na tinignan si Jc. Si Jc na lng kasi ang wala pang sinasabi kaya naman ay tinignan nila 'to para bang sinasabi na 'oh, ano pa?'.
"Ano? Wala na eh, kinuha niyo na lahat ng utility sa school, ano pa masasabi ko?" Sagot naman niya at nagkamot ng ulo na para ba'ng naiirita.
Inirapan lang ni Seth ang mga kaibigan at, "Mga leche. Nagtanong lang kung meron, kung ano ano pa sinabi. Mga bwisit kayo."
Nagta-tawanan lang ang magkakaibigan habang naglalakad papunta sa room nila.
Maaga pa naman kaya petiks lang sila. Eh, excited nga kasi sila dahil 'dun sa usapan nila.
"Mga bro, labas tayo mamaya." Lester suggested. Mga wala kasi naman talaga sila lagi'ng ginagawa pag uwi.
"Ayoko, tinatamad ako." Sagot ni Daniel.
"'Di ako nagtatanong. Nagsasabi ako. Pero sige, sa bahay mo na lng." Lester replied.
Pag-dating nila sa room nila ay umupo na sila sa kani-kanila'ng upuan.
"'De, 'dun nlng sa apartment natin. Tagal na 'din natin 'di napupuntahan eh." Pag-suggest ni Seth.
"Oo nga. Sige, good idea. 'Dun na lng tayo." Pag-sangayon naman ni Jc.
YOU ARE READING
Trapped in His Own Game
RomanceThis is a story of two teenagers who did everything for love. Teenagers who risked everything for love. Teenagers who gave everything up for love. Teenagers who did everything just to be with each other, just to love one another.